SAAN Gaganapin ang PBA BUBBLE? Jalen Green POSIBLE pa sa GILAS?

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, ngayong araw paguusapan natin kung saan ang mga posibleng location ng PBA Bubble at Jalen Green, posible pang makapasok sa Gilas Pilipinas?

Sa susunod na buwan, pinaplano na ng PBA ang muling pagbubukas ng liga para ipagpatuloy ang 45th season ng PBA na maaaring magsimula nitong ikasyam ng Oktubre. Hango ang konseptong ito mula sa NBA at sa kanilang disney bubble kung saan mapipilitan ang mga players at coaches na mapalayo muna sa pamilya para ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho. Simula oktubre ay posibleng matapos ang conferensya bago mag pasko nitong taon at doon pa lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na makapiling ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, umabot sa labing anim na hotels ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na maghost para sa PBA Bubble ngunit lima lang doon ang kinoconsidera nila na angkop sa kanilang mga pangangailangan, ito ay ang Inspire Sports Academy sa Laguna, Clark Freeport Zone sa Pampanga, at Araneta City sa Cubao. Ang dalawang lugar naman ay ang Batangas at ang overseas sa Dubai ngunit hindi pa tukoy kung saan mismo ang posibleng lokasyon sa mga lugar na iyon.

Kung maisasakatapuran lahat ng mga plano ng PBA, maitutuloy na ang naantalang 2020 PBA Philippine Cup na nagsimula noong March 8 at napilitang itigil noong March 11 dahil sa lumalaganap na pandemya. Nagkaroon pa lamang ng isang laro ang conferensya sa opening day ng PBA 45th season ng maglaban ang San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa score na 94-78 pabor sa San Miguel. Nitong hulyo, pinayagan na ang mga kupunan na mag ensayo ang kanilang mga players para makundisyon ang kanilang mga katawan sa nalalapit na pagbabalik ng PBA.

Madako naman tayo sa Usapang Gilas, Jalen Green posible pa ba na makalaro para sa Pilipinas? Ayon sa interview ng NBA Philippines, may posibilidad na maging parte pa ng Philippine National Team itong si Jalen Green sa darating 2023 FIBA World Cup. Ngunit hindi as a local player kundi as naturalized player dahil hindi pa tukoy kung nakakuha nga ba siya ng Philippine Passport nung siya ay 16 years old at dahil na rin sa paglalaro nito sa Team USA noong FIBA Under 17 at Under 19 World Cup.

Nalaman natin na may lahing Filipino pala si Jalen Green dahil sa nanay nito na si Bree Purganan na isang nurse na tubong Ilocos Sur. Pinakita naman niya ang pagtanggap sa kanyang mga kababayang Filipino ng maglaro ito ng dalawang beses sa Pilipinas para sa 2018 at 2019 edition ng NBTC National Finals. At lalo pa siyang mapapalapit sa mga pinoy dahil sa pagsasanib pwersa nila ni Kai Sotto sa Amerika para sa G-League Ignite. Sa edad na disiotso anyos, si Jalen Green ang number one shooting guard prospect ng Amerika na nagmula sa kanyang paaralan na Prolific Prep at maaaring maging number one overall pick sa darating na 2021 NBA Draft.

Tatlong taon mula ngayon, gaganapin ang 2023 FIBA World Cup sa tatlong asian countries na Philippines, Indonesia at Japan kung saan automatic na nagqualify ang hosting countries na Japan at Philippines na may exception sa bansang Indonesia dahil kailangan muna nilang maging competitive at magtapos ng di bababa sa ikawalong pwesto sa darating na 2021 FIBA Asia Cup. Sa tatlong taon na iyon, hindi natin masasabi na maaaring magbago pa ang hatol sa mga sitwasyon kagaya ng kay Jalen Green ngunit ang isa na pinakasigurado tayo ay ang willingness na maglaro ni Jalen para sa Gilas, mapa local o naturalized player man.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support