Paeng Nepomuceno Story

Sino nga ba si Paeng Nepomuceno? Siya nga ba ang tinaguriang Greatest Filipino Athlete of All Time?

Si Rafael Nepomuceno o mas kilala bilang Paeng ay isang Filipino bowling champion na pinanganak sa Quezon City noong January 30, 1957. Siya ay anak ng isang bowling coach na si Angel Nepomuceno at ng asawa nito na dating Miss Philippines na si Teresa Villareal.

Ang kanyang interest sa bowling ay nagsimula ng sila ay nastranded sa Mile High Bowling Center sa Baguio. Kahit na ang kanyang ama ay isang bowling coach ay nahilig muna siya sa paglalaro ng golf bago tuluyang lumipat sa larangan ng bowling ng siya ay tumungtong ng sampung taon kung saan nagsimula siyang madevelop bilang pinoy bowling prodigy. Para mas malinaw ay isalaysay natin ang kanyang career highlights at kung bakit nga ba siya tinaguriang Greatest Filipino Athlete of All Time.

Taong 1972 at sa edad na kinse anyos ay nagkampeon na siya sa kanyang unang torneyo para sa Philippine Junior Masters Championship at sa taong 1974 naman ay sumali na siya sa Philippine International Masters at naging pinakabatang kampeon sa kasaysayan ng torneo sa edad na disisyete anyos. Pagkaraan ng dalawang taon, ay sumali na siya sa International Masters o kilala ngayon bilang Qubica AMF Bowling World Cup. Ito ay isang annual ten-pin world bowling championship kung saan ang bawat bansa ay magtatalaga lang ng tig isang representative para sa Men’s at womens division. Sa edad na disinwebe anyos ay naitalaga na siya bilang representative ng Pilipinas para makilahok sa 1976 bowling world cup kung saan siya ay nagkampeon at naging Guinness world record holder bilang youngest bowling champion.

Pagkaraan ng apat na taon, ay muling nagkampeon si Paeng sa 1980 Bowling world cup. Inirepresenta nya din ang Pilipinas sa South East Asian Games noong 1981 upang pamunuan ang bowling squad na nakakuha ng siyam na Gold, anim na silver at apat na bronze medals.

Taong 1984 ay napanalunan nya ang pangatlong world title nya para sa torneong World Invitational Tournament. Ito ay kasabay ng 1984 Summer Olympics kung saan ang bowling ay hindi tinuturing na Olympic sport hanggang sa panahon ngayon. Noong 1987 naman ay bumalik si Paeng sa SEA Games bilang representative ng Pilipinas kung saan nakakakuha siya ng tatlong gintong medalya para sa bowling.

Ang dekada nobenta naman ang naging pinaka productive na year para sa kanyang bowling career dahil dito nya nakuha ang tatlo pa nyang bowling cup trophy noong 1992 and 1996 Bowling World Cup at 1999 World Tenpin Masters. Sa dekada ring ito ay una siyang nakilahok para sa Asian at World Games kung saan nakakuha siya ng dalawang bronze at isang silver medal.

Pero bago matapos ang dekada nobenta ay nagkaroon siya ng injury noong 1999 kaya pagdating ng bagong milenyo ay hindi nya na napagpatuloy pang manalo sa bowling world cup. Naipasa ang pagrepresenta ng Pilipinas kay Christian Jan Suarez kung saan nakuha nitong manalo noong 2003 bowling world cup.

Noong 2002 Asian Games sa Busan, ay nakuha ni Paeng ang Gold Medal sa Bowling Doubles event kung saan naging kakampi nya si RJ Bautista. Lumipas ang isang dekada bago lumabas ulit si Paeng bilang oldest champion ng Philippine International Masters sa edad singkwenta ikwatro anyos noong 2011. Ang kanya namang pinakalatest na title ay napanalunan niya noong September 2016 sa event ng PSB Open Bowling Championships sa edad na singkwenta inwebe anyos.

Noong nagsimula ng humina ang katawan ni Paeng ay nagpasya na to magaral ng coaching noong 2007 at dahil dito ay kumuha siya ng certification mula sa estados unidos bilang USBC gold level coach at siya palang ang may ganitong certification bilang bowling coach sa Asya. Noong 2016 ay naatasan nga siya ng Philippine Bowling Federation bilang head coach ng national team at isa nga sa kanyang naturuan ay ang 2017 bowling world cup champion sa women’s division na si Krizziah Tabora.

Si Paeng Nepomuceno ay may tatlong anak sa kanyang asawa na si Saira Puyat. Si Paeng ay kasalukuyang propesor at senior lecturer sa Unibersidad ng Pilipinas. Pero bago natin tapusin ang video na ito ay magbabahagi naman ako ng interesting facts tungkol kay Paeng:

Ikauna, ay ang pagkakaroon ng tatlong guinness World record ni Paeng na hanggang ngayon ay nananatiling record sa kasaysayan ng Bowling. Ito ay ang pagiging Youngest world bowling champion sa edad na disinwebe, pagiging world champion sa tatlong magkakaibang dekada na 70s, 80s at 90s at pagkakaroon ng pinakamaraming career titles na dalawang beses nyang binasa kaya umabot na ngayon ng 131 bowling titles. Bukod diyan ay meron siyang natatanging record sa Pilipinas kung saan siya ang naging pinakabata at pinakamatandang bowling champion sa Philippine International Masters sa edad na disisyete at singkwenta ikwatro.

Ikalawa, ay mga local awards and recognition niya dito sa Pilipinas. Alam niyo na ba naging hall of famer siya sa dalawang UAAP schools na Adamson at De lasalle University. Ito ay dahil nagaral si Paeng sa De La Salle noong siya ay nasa elementary at highschool at pagdating naman ng kolehiyo ay lumipat na siya sa Adamson. Tatlong beses din siya naimbitahan sa Malacanang ng tatlong magkakaibang presidente para ibigay ang highest merit bilang Filipino Citizen. Una ay sa panahon ni President Ferdinand Marcos kung saan siya binigyan ng Presidential Medal of Merit, pangalawa ay noong panahon ni President Joseph Estrada na siya namang binigyan ng Philippine Legion of Honor at pangatlo ay noong panahon ni President Gloria Arroyo para sa Order of Lakandula with Class of Champion for Life.

Siya ay five time Philippine Sportswriter Association athlete of the year at PSA Athlete of the century. Siya ay napabilang din sa PSA hall of fame noong 1997 at sa Philippine sports hall of fame ng PSC noong 2018. Ayon sa nilagdaan ng Senado at Congreso, siya ay dineklara bilang Greatest Philippine Athlete of All Time.

Ikatlo, ay ang mga international awards na natanggap nya sa mga governing bodies. Isa siya sa mga nakatanggap ng Highest sports award in the world mula sa International Olympic Committe na tinatawag na IOC President’s Trophy. Sa taong 1999 din ay tinalaga siya ng world governing body of bowling na Federation Internationale de Quillers o FIQ bilang “Athlete of the Millenium”. Siya ang kauna unahang miyembro ng International Bowling Hall of Fame noong 1993 para sa Male Category kung saan kasabay nya pa ang kapwa Pilipino na si Olivia Bong Coo para sa Female Category. Siya ay ginawan ng statwa sa entrada ng International bowling museum sa may Arlington, Texas.

Ikaapat at ang kabuuan, si Paeng ay 6-time Bowling World Champion, holder of 3 Guinness World Records, nanalo ng higit sa trentang medalya ng siya ay nakilahok sa SEA Games, Asian at World Games at may hawak sa bowling record na 131 career titles.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa Greatest Filipino Athlete in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support