Episode-4-Paulino-Alcantara2

Sino nga ba si Paulino Alcantara? Totoo bang nakasira sya ng net sa isang football game? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang football career? Ito ang pangapapat na episode sa ating series na Forgotten Filipino Athletes. Sa series na ito ay paguusapan natin ang mga nakalimutang atleta sa kasaysayan ng Pilipinas

Sino nga ba si Paulino Alcantara? Siya ay isang former Filipino Football Player at former FC Barcelona superstar noong 1920s. Siya ay pinanganak sa Concepcion Iloilo noong October 7, 1896 Ang tatay nya ay isang spanish military officer at ang kanyang ina ay isang ilongga. Tatlong taon mula ng syay pinanganak ay nagpasya ang kanilang pamilya na lumipat sa barcelona, spain dahil ito rin ang taon na natapos na rin ang pamumuno ng espanya sa pilipinas at iba na ang gobyerno ang may hawak dito.

Nung kabataan nya ay nahilig na sya sa paglalaro ng football at nakapaglaro muna sya sa FC Galeno bago sya tuluyang madiscover ni Joan Gamper para imbitahin na maglaro para sa FC Barcelona. Sa edad na kinse anyos ay nagsimula na itong maglaro para sa Barcelona na hanggang ngayon siya parin ang may hawak na record na pinakabatang FC Barcelona player na naglaro at nakaiscore ng goal sa isang football game noong 1912

Sa loob ng apat na taon na paglalaro ng football sa Barcelona, ay biglang iniwan nya ang kupunan, ito sa kadahilanang paglipat ng kanyang magulang pabalik sa pilipinas kung saan ay napilitan syang sumama para ipagpatuloy ang kanyang pagaaral ng medisina kasabay narin ang paglalaro ng football sa loob ng pilipinas.

Siya ay naging parte ng bohemian sporting club sa Maynila kung saan nya tinulungan ang kanyang kupunan sa dalawang Philippine championships noong 1917 at 1918. Pero bago yan, Bakit nga ba sya ay nabansagang greatest filipino footballer of all time?

Ito ay dahil natulungan nya kahit papaano ang Pilipinas na manalo sa mga international games kahit dalawang taon lang ito naglagi sa pilipinas. Noong 1917, sya ay napili para makilahok sa Philippine National Team para sa Far Eastern Championship Games na kung tawagin ngayon ay Asian Games kung saan ay tinulungan nya ang Pilipinas na talunin ang Japan sa score na 15 to 2, na hanggang ngayon ay maituturing na biggest win para sa Philippine football history. kahit na ang pinakamalaking contribusyon nya sa football ay mula sa barcelona, matuturing na nagbigay parin sya ng karangalan sa ating mga pilipino dahil sa pagrepresenta nya sa bansang Pilipinas.

Noong 1918 ay bumalik na nga sa Barcelona si Alcantara para ipagpatuloy ang kanyang spanish football career. Sa pagbalik nya ay napagexperementohan pa nga sya ng manager na si Jack Greenwell na ilagay sa depensa. Nang mapansin ito ng barcelona football fans, ay nagreklamo ang mga ito sa kupunan para ibalik sa Alcantara sa Forward position at pagiging main scorer nito.

Dahil sa kanyang angking galing sa pagscore ng football ay naging representative din sya ng Spain para sa mga international games katulad ng olympics. Pero noong 1920 Olympic Games, kung saan naging second place ang Spain sa football ay napagpasyahan nyang hindi lumahok sa kompetisyon dahil mas pinili nyang mag aral para sa kanyang pagsusulit sa medisina. Ito rin ang dahilan kung bakit maaga sya nagretiro sa football.

Anong nga ba ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang football career? Sa edad na trenta iuno noong July 3, 1927 ay nagpasya ng magretiro sa football para isakatuparan ang kanyang pangarap na maging doctor. Si Alcantara din ay naging club director ng FC Barcelona noong 1931 hanggang 1934. Naging national coach at manager din sya ng Espanya para sa tatlong laro nito kontra sa switzerland, belgium at sweden

Ang pinaka di malilimutang alaala mula kay Paulino Alcantara ay ang pagsira nito ng net sa labis na lakas ng kanyang pagsipa para makascore kontra sa bansang france noong April 30, 1922. Dito sya tinagurian El Rompe Redes o the net breaker. Natulungan nya ang FC Barcelona na magkampeon sa limang copa del rey
at sampung campionat de catalunya

Siya ay nagtala ng record na 369 goals sa loob lang ng 357 games na nagtagal ng 87 years bago ma-break ng FC Barcelona legend na si Lionel Messi. Noong 2007, ay tinagurian sya ng FIFA bilang the greatest asian player of all time. Si Paulino Alcantara ay namatay noong February 13, 1964 sa edad na sisenta isyete. Matataguriang sya ang unang FC Barcelona superstar at sya ang greatest Filipino football player of all time

Ito ang buhay ni Paulino Alcantara at siya ay isa sa mga ForgottenFilipino Athletes sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support