Pancho Villa Story

Sino nga ba si Pancho Villa? Siya ba ang kauna unahang Asian boxing world champion?

Si Francisco Guilledo o kilala bilang Pancho Villa ay mula sa Ilog, Negros Occidental na pinanganak noong August 1, 1901. Anim na buwan simula ng siya ay pinanganak ay iniwan na sila ng kanyang ama kaya sa murang edad pa lang ay kailangan nya na magtrabaho para tulungan ang kanyang ina sa pagaalaga ng mga kambing ng isang maharlikang pamilya sa kanilang bayan.

Sa edad na onse anyos ay nakipagsapalaran na siya sa Iloilo City at ang una nyang trabaho dito ay bilang shoe shiner. Dahil sa kanyang trabaho ay nakakilala siya ng isang boksingero na sya namang nanghikayat kay Francisco upang pumunta ng maynila at magtraining bilang boksingero. Sila ay nanirahan sa may Tondo kung saan sila madalas makipagsparring at doon ay nadiscover sya ng mga boxing promoter kaya sa edad na disi otso ay pinasok nya na ang mundo ng professional boxing kung saan ang unang kalaban nya ay si Alberto Castro na kanya namang niknockout sa 3rd round. At sa loob ng dalawang taon na pagiging boksingero ay nakamtan nya agad ang titulo na Philippine Flyweight Champion ng kanyang talunin ang kampyon na si Terio Pandong.

Pagkaraan ng tatlong taon na pagiging professional boxer at sa imbitasyon ng kilalang boxing promoter na si Tex Rickard ay nakarating si Pancho Villa sa Amerika para sa una nyang laban dito kontra kay Abe Goldstein na ginanap sa Jersey City noong June 7, 1922. At pagkaraan ng apatnaput pitong araw ay nakalaban naman niya ang isa pang amerikano na si Frankie Genaro. Ang resulta ng dalawang laban na iyon ay NWS pabor sa mga Amerikano. Ang NWS o Newspaper Decision ay isang uri ng professional boxing decision noong araw kung saan No Decision ang hatol ng ring judges ngunit sa kagustuhan ng mga sportswriters na maghayag ng balita o resulta sa nasabing laban ay maglalabas sila ng kanilang consensus winner na kanilang ipapaimprenta sa dyaryo. Kaya ang pagkakatalo ni Pancho Villa sa unang dalawang laban nya ay masasabi na draw o no decision at dahil bagong salta palang sa Amerika ang ating pambato ay pinaburan ng sportswriters ang kanilang local american boxers.

Pagkaraan ng tatlong buwan sa Amerika ay naging contender agad siya ng American Flyweight title kontra sa amerikanong si Johnny Buff. Tinalo nya ang champion sa loob ng 11th round via Technical knockout para makuha ang American Flyweight title na sya namang dinepensahan ng apat na beses bago tuluyang matalo ng kanyang karibal sa boxing na si Frankie Genaro.

Sa loob ng dalawang taon nyang pakikipaglaban sa Amerika ay walang buwan na hindi sya napasama sa mga boxing matches na ginaganap sa ibat ibang states ng Amerika. Pagkaraan ng isang taon na pakikipagsapalaran sa Amerika ay nabigyan sya ng oportunidad! na makalaban ang Flyweight boxing legend na si Jimmy Wilde. Ang kanilang laban ay ang unang comeback fight ni Jimmy Wilde mula sa dalawang taong pagkakaretiro niya sa boxing. Ito ay ginanap sa Polo Grounds sa New York noong June 18, 1923 kung saan nakataya ang mga titulo na lineal flyweight title at kauna unahang the Ring flyweight belt. Ang kanilang laban ay nagresulta sa 7th round knockout ni Pancho Villa kay Jimmy Wilde at dahil sa laban na ito ay tinagurian siyang First Asian World boxing champion at kauna unahang pinoy boxing champion sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pinatunayan nya na kahit hindi na prime Jimmy Wilde ang nakalaban nya ay sya ang karapat dapat na kampeon dahil sa sumunod na 25 fights ay nagkaroon sya ng 23 wins, 1draw at 1 loss at tatlong beses din napagtagumpayan depensahan ang kanyang titulo bilang World Flyweight champion kontra kay Benny Schwartz, Frankie Ash, at Clever Sencio. Pero lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglang naglaho ng siya ay namatay dalawang taon pagkatapos nyang mapanalunan ang kanyang titulo.

Ang sanhi ng kanyang pagkakamatay ay dahil sa pagkakabunot ng kanyang ngipin bago ganapin ang kanyang laban kontra kay Jimmy McLarnin para sa isang non-title fight dalawang buwan pagkatapos nyang madepensahan ang kanyang belt kontra sa kapwa Pilipino na si Clever Sencio. Ayon sa mga ulat, ginanap ang pagkakabunot ng kanyang ngipin noong kinaumagahan ng kanyang laban kontra kay McLarnin. Inabisuhan na siya na ipagliban muna ang laban ngunit sa katigasan ng kanyang ulo ay pinagpatuloy parin nya ang makipaglaban. Sa buong laban ay nakatakip lang ang isang kamao nya sa parte kung saan siya nabunutan ng ngipin kaya natalo sya via Point decision sa loob ng sampung round.

Pagkaraan ng tatlong araw matapos ang laban, ay nabunutan ulit si Villa ng karagdagang tatlong ngipin at inabisuhan na magpahinga muna ayon sa kanyang dentista. Ngunit makaraan ang ilang araw, ay nakita si Pancho na nakikipaginuman sa kanyang kaibigan na syang nagpalala ng kanyang impeksyon sa ngipin kaya dinala siya sa Ospital noong July 13, 1925 kung saan natagpuan na mayroon na palang syang sakit na Ludwig’s Angina. Agaran naman siyang dinala sa operating room para tanggalin ang impeksyon ngunit sya ay nacomatose at binawian din ng buhay kinabukasan. Siya ay namatay noong July 14, 1925, labing pitong araw bago ang kanyang dalawamput apat na kaarawan.

Ang kanyang labi ay binalik sa Pilipinas at nailibing noong August 1925 sa Manila North Cemetery. Pero bago natin tapusin ang video na ito ay magbabahagi muna ako ng mga interesting facts tungkol kay Pancho Villa:

  1. Ang una sa ating listahan ay ang pagkakabigo sa pagibig ng ating bida dahil sa pagkakabusted sa kanya ng kanyang nililigawan. Dahil dito, ay nagretiro sya sa boxing noong early 1922 ngunit nakumbinse ulit ng kanyang mga tagahanga upang bumalik sa boxing. Kung nagkataon ay wala sana tayong Pancho Villa sa kasaysayan ng Pilipinas dahil lang sa isang heartbreak.
  2. Pangalawa ay noong makalaban nya ng siyam na beses ang future world Jr lightweight champion na si Mike Ballerino sa Pilipinas kung saan nanalo siya dito ng anim na beses. Si Mike Ballerino ay isang US army na nakadestino sa Pilipinas kung saan naging libangan nya ang pagboboxing at di naglaon ay naging professional boxer at world champion.
  3. Pangatlo ay bakit nga ba Pancho Villa ang ginamit na pangalan ni Francisco Guilledo para sa boxing. Dalawang bersion ang naging reference ko dito, una ang Pancho ay ang spanish nickname para sa pangalan nyang Francisco at ang Villa naman ay mula sa kanyang manager na si Paquito Villa na di umanoy umampon kay Francisco Guilledo para palitan ang epilyido nito na Villa. Ang isang bersyon naman ay nagsasabi na hango ang kanyang pangalan sa sikat na Mexican revolutionary general na si Pancho Villa na buhay pa noong mga panahon na iyon.
  4. Pangapat ay ang kauna-unahang All-Filipino World Championship fight sa pagitan ni Pancho Villa at Clever Sencio. Ito ay ginanap sa Wallace Field sa Maynila noon May 2, 1925. 93 years mula ng laban na ito ay ginanap ang pangalawang All-Filipino world title fight sa pagitan naman ni Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.
  5. Panglima at panghuling kaalaman tungkol kay Pancho ay sa loob ng anim na taon na pagiging boksingero ay nagkaroon sya ng higit sa isang daang boxing matches at ni isa sa mga laban na iyon ay hindi siya natalo via Knockout dahil ang kanyang mga pagkakatalo ay dahil lamang sa point decision o split decision. Kahit technical knockout ay hindi sya natalo ng kanyang mga katunggali at take note, kada buwan kung maglaro ng professional boxing match itong si Pancho Villa kaya umabot agad ng isang daang boxing match ang nakatala sa record niya.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa kaunu unahang Filipino world champion in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support