June Mar Fajardo Story

Paano nga ba nakuha ni June Mar Fajardo ang kanyang sunod sunod na MVP Award?

Si June Mar Fajardo ay former number 1 draft pick ng Petron Blaze Boosters noong 2012 PBA Draft. Siya ay tubong compostela, Cebu pero sa Pinamungajan na sya lumaki at natutong mag basketball. Na discover sya bilang potential PBA player nung sya ay naglaro para sa University of Cebu Webmasters. Naging rival pa nga nya noon si Greg Slaughter dahil minsang naglaro rin ito sa kanilang conference para sa University of Visayas.

Hindi naging madali para kay Fajardo na pagharian agad ang PBA, Ang nakikita natin ngayon na 6time PBA MVP ay hindi naging Rookie of the Year sa kanilang draft class. Ito ay dahil sa unang dalawang conference nya sa PBA ay nagstruggle muna sya bilang rookie at hindi natulungan ang kanyang kupunan para manalo sa tatlong conference nung 2012 season. Ang kanyang mga pagsubok nung rookie season at ang hindi pagkapanalo nito ng Rookie of the year award ang ginawa nyang motivation para magensayo pa ng mabuti at mula noon ay naging 6time PBA MVP na sya.

Sa pagbabalik nya sa kanyang sophomore season ay pinakita nya agad ang kanyang improvement at naging Best player of the conference ng Philippine Cup. Simula noon ay hindi nya na binitawan ang paghahari sa Philippine Cup dahil kasabay ng kanyang 6consecutive MVP ang 6 consecutive Best Player of the conference para sa Philippine Cup.

Paano nga ba naging 6 time PBA MVP si June Mar Fajardo? Isa isahin natin ang mga awards at achievements ni Fajardo kada season.

Ang kanyang improvement sa kanyang sophomore year noong 2013-14 PBA season ay nagbunga ng kanyang unang MVP award kasabay nito ang most improved player of the year. Hindi sila nanalo ng kampyunato sa tatlong conference sa taon na iyon pero ang performance nya sa regular season ang naging basehan para sa kanyang pagkakapanalo ng MVP. From 12points, 9 rebounds at 1block per game bilang rookie ay nagimprove sya to 17points 14 rebounds at 2blocks per game sa kanyang sophomore season. Sa 2013-14 season ay nakakuha sya ng isang MVP, isang BPC, isang Most Improved player at walang championship.

Hindi rin naging madali para sa former no.1 pick na bigyan ng kampyunato ang San Miguel franchise dahil lumipas muna ang dalawang taon at anim na conference bago tuluyang magbunga ang kanilang investment kay June Mar Fajardo. Sa kanyang third season sa PBA ay binigyan nya ito ng dalawang kampyunato sa 2014-15 PBA season mula sa Philippine at Governor’s cup. Dahil sa kanyang effort sa dalawang conference championships na iyon ay nabigyan sya ng parehong Best Player of the Conference award at pangalawang sunod na MVP trophy. Sa 2014-15 season ay nakakuha sya ng isang MVP dalawang BPC at dalawang championship.

Kaakibat ng early struggles ni June Mar Fajardo ay ang pagpapalit palit ng coaches nito sa unang dalawang taon niya sa liga. Nagkaroon sya ng tatlong head coaches sa span na iyon na sina Olsen Racela, Gee Abanilla, at Biboy Ravanes. Ito ay marahil sa pressure na nakaatang sa mga coaches na magtala ng championship para sa San Miguel Franchise dahil alam naman natin na every year ay loaded itong San Miguel team ng mga superstars. Pero nung dumating si Coach Leo Austria para sa San Miguel ay masasabing siya ang game changer para sa franchise at para sa development ni The Kraken.

Mabalik tayo sa MVP journey ni June Mar, sa pangatlong MVP season nya ay nagtala sya ng isang kampyunato at isang Best player of the conference mula sa 2015-16 Philippine Cup. Dito ay nagtala sya ng 37 double doubles at tinulungan nya ang franchise na maging number 1 team sa buong elimination rounds na may 25 wins at 8 losses. Sa 2015-16 Season ay nakakuha sya ng isang MVP, isang BPC, at isang championship.

Sa sumunod na 2016-17 season ay nagimprove ang kanilang standings to 26wins to 7losses at natulungan ni The Kraken ang San Miguel Franchise na manalo ng back to back conference champions para sa Philippine at commissioners cup. Dito ay nagtala sya ng 17points 11rebounds at 2blocks per contest. 2016-2017 season ay nakakuha sya ng isang MVP, isang BPC at dalawang championship.

Simula 2016 ay naghari na ang San Miguel Corporation teams na Barangay Ginebra, Magnolia, at San Miguel at hindi na nakaporma ang MVP teams na Talk N Text, NLEX at Meralco. Sa 2017 PBA draft ay nagkaroon pa ng controbersya ng payagan ang trade para sa number 1 pick ng Kia Picanto papuntang San Miguel. Ito ay sa kadahilang pagdraft kay Christian Standhardinger na inaasam din ng ibang teams lalo na MVP group.

Hindi naging hadlang ang another big man kay Fajardo dahil mas tumaas pa nga ang score nito ng dumating si Standhardinger sa San Miguel. Nagtala sya dito ng 20 points at 12rebounds at natulungan ang San Miguel Franchise na manalo ng isang kampyunato para sa Philippine Cup. Sa 2017-18 season ay nagtala din sya ng back to back Best player of the conference para sa Philippine at commissioners cup. Ang pagkakapanalo nya dito ng panglimang MVP ang sumira sa record ni Ramon Fernandez na mayroong apat na MVP na nagtagal din ng 30 years. Sa 2017-2018 season ay nakakuha sya ng isang MVP, dalawang BPC, at isang championship.

Sa pang anim at ang latest MVP ni June Mar Fajardo ay naging contender nya si The Blur Jayson Castro dahil ang kanyang kupunan na TNT ang may best record para sa 2019 regular season at nanalo ng isang best player of the conference award noong commissioners cup. Masasabi na close fight lang ang MVP race kung hindi lang nag back to back champions ang San Miguel para sa Philippine at commissioners cup. Sa 2019 season ay nakakuha sya ng isang MVP, isang BPC, at dalawang championship.

Sa edad na 30 years old, Masasabi na isa na si June Mar Fajardo sa greatest PBA players pero marami parin syang pwedeng gawin para sa kanyang karera. Kagaya ng pagkakaroon ng Grandslam title para sa San Miguel o kaya maging Best Player of the Conference ng tatlong sunod sa isang season. At kung sakali ay Matutulungan nya pa na manalo ang Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World CUp kasama si Kai Sotto.

Pagkatapos ng 2019 season, sa kabuuan ay mayroon na syang anim na MVP, walong BPC, at walong championship mula ng sya ay madraft noong 2012.

Sa tingin nyo makakakuha pa kaya ng additional MVP trophy si Fajardo para pagtibayin ang kanyang GOAT status. Pakicomment ang iyong opinyon sa ibaba. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support