Manny Pacquiao 8 Division

Ating balikan kung paano naging 8 Division world champion si Manny Pacquiao.

Sa larangan ng boxing, kapag sinabing 8 division world champion ang unang pangalan na papasok sa ating isipan ay walang iba kundi ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao. In this video ay paguusapan natin kung paano nga ba nakuha ni Pacquiao ang eight division world championship titles.

Ang unang division kung saan nagkampeon si Pacman ay mula sa Flyweight division, kung saan nakalaban nya ang Thai boxing champion na si Chatchai Sasakul. Katulad ng mga pinoy boxing legends na si Morris East at ben villaflor, sa edad na disinwebe anyos ay naging world champion na si Pacman noong December 4, 1998. Hindi nagtagal sa kanya ng isang taon ang WBC Flyweight title dahil bago pa ang laban nila ni Medgoen Singsurat ay tinanggalan na siya ng titulo dahil sa pagiging overweight. Pinilit nyang habulin ang catchweight sa weigh in na nagresulta sa paghina ng kanyang katawan at makikitang wala siya sa kondisyon kaya siya ay na knockout sa 3rd round. Ito ang naging dahilan kaya siya umakyat na ng timbang at nilagpasan ang dalawang division na superflyweight at bantamweight dahil bumibilis na ang pagbigat nya at ayaw nya ng maulit ang maghabol sa catchweight na ikasasama ng kanyang katawan.

Nang lumipat na siya sa Super Bantamweight division, ay naging contender agad siya sa titulo ng WBC international superbantamweight title kalaban ang kapwa Pilipino na si Reynante Jamili at nadepensahan ng limang beses sa Pilipinas bago tuluyang makapunta ng Amerika bilang alternate opponent ng IBF Superbantamweight champion na si Lehlo Ledwaba. Sa labang ito ay binigyan lang siya ng two weeks notice para magtraining at gameplan para sa world title fight na kanya namang tinapos sa 6th round upang tanghalin na two division world champion. Nagtagal sa kanya ang titulo ng dalawang taon kung saan matagumpay nyang nadepensahan ang kanyang titulo bago nya bitawan ito at tuluyang umakyat ng division.

Sa pagakyat nya sa Featherweight division, ay naging contender agad siya titulo ng The Ring at Lineal featherweight title ng baby face assassin ng mehiko na si Marco Antonio Barrera. Natapos ang laban ng tinapon na ni Rudy Perez ang puting tuwalya sa 11th round para tigilan na ni Pacman ang pangbubugbog nito kay Barrera. Siya ang tinanghal na kampeon at three division world champion ngunit pagkaraan ng isang taon at dalawang title defense ay nagpasya ulit siyang umakyat ng division upang samantalahin ang kanyang prime years in boxing at maabot ang pagiging 8 division world champion.

Sa kanyang pangapat na dibisyon, ay nakasagupa nya agad ang mexican legend na si Erik Morales kung saan natamo ng ating pambansang kamao ang pangatlong pagkatalo. Ito ay para sa IBA at vacant WBC international super featherweight title. Pero alam nyo ba, na sa lahat ng laban nya sa super featherweight division ay puro mexicano lang ang nakasagupa nya. Sa walong laban nya ay nakasagupa nya sina Erik Morales, Hector Velasquez, Oscar Larios, Jorge Solis, Marco antonio Barrera at Juan Manuel Marquez. Dito siya binansagang Mexicutioner, dahil matapos siyang talunin ni Morales sa unang sampa nito sa Super featherweight ay pitong sunod naman niyang pinanalo ang mga laban nya kontra sa mga mexican boxers kasama ang pangapat nyang division title na WBC at The Ring Super Featherweight title.

Pagakyat nya naman sa Lightweight division, ay nagsimula ng mamayagpag ang pangalang Manny Pacquiao dahil kinailangan niya lang ng anim na laban para makuha ang karagdagan apat na division title mula lightweight hanggang super welterweight division. Nagsimula ito noong June 28, 2008 ng siya ay bigyan agad ng pagkakataon na makalaban ang champion ng lightweight division na si David Diaz. Tinapos nya ang laban sa 9th round via technical knockout at muling umakyat ng timbang upang makasagupa ang golden boy ng boxing na si Oscar De La Hoya na siya namang pinaretiro ni Pacman pagkatapos ng kanilang laban.

Pagdating naman niya ng Light welterweight division, ay ikinasa na agad ang laban kontra sa Hitman ng britanya na si Ricky Hatton. Ito ay para sa IBO at the ring light welterweight title na isa sa pinakamabilis na championship match ni Pacman dahil nakuha niya ang division title sa loob lang ng dalawang round. Nangyari ito ng pakawalan ni Pacman ang left hook na siyang nagpaknockout kay Hatton at nabansagang knockout of the year noong 2009 ng The Ring Magazine.

Pagkaraan ng anim na buwan, umakyat ulit ng timbang si Pacman para makalaban ang WBO Welterweight champion na si Miguel Cotto. Kung mapapansin nyo, ito ay isang back to back division title match from light welterweight to welterweight division. Natalo niya si Cotto via technical knockout sa 12th round at nakuha nya ang panganim at pampitong division championship belt sa loob lang ng taong 2009. Dito natin nasaksihan ang Peak Manny Pacman Pacquiao at ito na siguro ang pinakamabilis na pagiging kampeon sa dalawang division na nagawa ng isang boksingero.

At ang pinakamabigat na division kung saan nagkampeon si Pacman, ay ang super welterweight division. Ang laban na ito ay nangyari sa Cowboys Stadium sa Texas kalaban ang Tijuana Tornado na si Antonio Margarito, isang taon pagkatapos niyang talunin si Miguel Cotto. Ang superwelter weight division ay may 154 pound limit ngunit ang naging catchweight ng laban ay 150 pounds. Tinalo ni Pacman ang 5’11 at 150 pound champion na si Antonio Margarito kumpara sa kanyang stature na 5’6 at 144 pounds sa loob ng 12 rounds na nagtapos sa isang unanimous decision. Ito ang pangwalong division championship belt ni Pacman at ni hindi siya umabot sa catchweight na 150 dahil mababawasan ang kanyang bilis at liksi na kanyang advantage sa loob ng ring.

May usap usapan na tinatangka ng kampo ni Pacman ang 9th division title kalaban ang kazakstan boxer na si Triple G. Sa tingin nyo kakayanin ba ni Pacman ang mga suntok ng isang middleweight champion? Pipiliin nya bang lumaban ng mas mabigat pa sa natural nitong timbang na 146 pounds o hahayaan niya na lang 13 pound advantage ng middleweight champion para mapanatili ang kanyang liksi sa loob ng ring? Ito ang dapat nating abangan kung sakali na matuloy ang laban na Pacman vs Triple G.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support