Nasaan na si Rey "Boom Boom" Bautista?

Ating alamin kung nasaan na nga ba si Rey Boom Boom Bautista.

Kapag sinabing Boom Boom Bautista ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang kanyang pagkatalo kontra sa Mexican champion na si Daniel Ponce De Leon. Siya lang naman ang nooy undefeated pinoy boxing prospect na maaaring sumunod sa yapak ng ating pambansang kamao Manny Pacquiao. Isang katibayan diyan ang pagiging main event sa 2007 Boxing World Cup na Philippines vs Mexico na kinabibilangan ng mga kapwa pinoy boxers na sina Gerry Peñalosa, Z Gorres, AJ Banal, Michael Domingo at Diosdado Gabi. Pero bago natin pagusapan ang masalimuot na pagkatalo ni Boom Boom ay atin muna siyang kilalanin at balikan ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

Si Reynaldo Bautista o mas kilala bilang Boom Boom ay pinanganak noong June 19, 1986 sa Candijay, Bohol. Ang pagsasaka ang naging kabuhayan nila sa probinsya ngunit sa kagustuhan ng batang reynaldo na matulungan ang kanyang pamilya ay nagpasya itong makipagsapalaran sa larangan ng boxing. Sa murang edad ay nakikilahok na siya sa mga amateur boxing fights kung saan siya na discover ni Nemi Monton na isang government official sa larangan ng boxing development. Ito rin ang naging daan upang tahakin ni Boom Boom ang professional boxing sa edad na disisais anyos.

Mula sa kanyang pro boxing debut noong June 12, 2003 ay nagkaroon ng 8-0 winning streak si Boom Boom upang siya ay mapaunlakan na maglaro sa labas ng bansa kalaban ang indonesian boxer na si Hengky Wuwungan kung saan siya ang tinanghal na panalo via 3rd technical knockout. Nasundan pa ito ng dalawang back2back international fights na ginanap sa South Korea at Japan na kanya namang napagtagumpayan upang maging contender WBO Asia Pacific Bantamweight Title.

Napanalunan nya ang titulo kontra sa Thai boxer na si Singmanasak at apat na beses nya rin itong dinepensahan bago tuluyang umakyat ng Super bantamweight division. Sa kanyang pagakyat ng timbang ay nagkaroon sya ng tatlong laban bago magkaroon ng pagkakataon para sa isang regional title fight para sa mga titulong WBO Inter continental at WBO Asia Pacific Super Bantamweight Titles. Ito ay laban kontra kay Marino Montiel nag ginanap sa Cebu City Sports Complex na siya namang tinapos agad sa 3rd round via knockout.

Ang kanyang impressive na pagkapanalo para makuha ang dalawang titulo ang siyang nagbukas ng oportunidad para magkaroon ng isang world title fight pero bago yan ay dumaan muna siya sa isang title eliminator kontra sa kapwa challenger na si Sergio Manuel Medina na ginanap sa MGM sa Las Vegas tatlong buwan bago ang Boxing world cup na Philippines vs Mexico. Natapos ang laban nya kontra kay Medina sa isang unanimous decision kung saan siya ang nanalo ngunit kagaya ng nasabi ko kanina, tatlong buwan lang ang naging preparasyon nya para sa isang world title fight na kung iisipin nyo na wala pa sa kundisyon ang katawan nya pagkatapos ng 12 rounds na pakikipagbugbugan kay Medina.

August 11, 2007, dumating ang pinakahihintay na world title fight ni Boom Boom sa event ng Boxing World Cup na Philippines vs Mexico na ginanap Sa Arco Arena, Sacramento USA kung saan ang challenger na si Boom Boom at ang WBO Super bantamweight champion na si Daniel Ponce De Leon ang nakatakda para sa main event. Limang undercard matches muna ang nagdaan kung saan ang limang pinoy ang nagwagi kontra sa mga mexican boxers na Gonzales, Ortiz, Cardenas, Roman at Beranza. Ang mga panalo na ito ang mas lalong nagbigay ng pressure kay boom boom dahil siya na ang huling lalaban para sa karangalan ng ating bansa ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay na knockout agad siya sa first round kung saan gumuho ang pangarap ni Boom Boom para siya ay tanghalin na world champion.

Kung mapapansin niyo, simula ng masalimuot na pagkatalo ni Boom Boom ay nawala siya sa eksena sa mundo ng boxing ngunit alam nyo ba na apat na buwan makalipas ang laban na iyon ay muling lumaban si Boom Boom sa Pilipinas kontra sa Mexican boxer na si Antonio Meza. Pero alam nyo ba na sa loob ng pitong taon mula ng siya ay matalo ay halos mexicano lahat ang kanyang nakalaban maliban sa isang thai at indonesian boxer. Mula 2007 hanggang 2014, 13 out of 15 fights na nilabanan niya ay puro mexican boxers na nagresulta sa labing tatlong panalo kung saan nakapaloob dito ang walong knockout wins. Marahil ang pagkakatalo nya sa Philippines vs Mexico ay dinamdam nya ng husto kaya mas pinili nyang maiharap sa mga mexican boxers at ipakita sa mga pinoy boxing fans na may ibubuga siya kontra sa mga mehikano.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang napagtagumpayan pagkatapos ng unang pagkatalo nito kay Ponce De Leon ay hindi na muling nabigyan itong si Boom Boom ng pangalawang world title fight. Sapagkat nangolekta nalamang si Bautista ng mga regional belts kagaya ng WBO Intercontinental Super Bantamweight title IBF at WBO International Featherweight titles. Sa edad na bente otso anyos, ay nagpasya na si Boom Boom na magretiro sa professional boxing. Isa na siguro sa mga dahilan kung bakit siya nagretiro ay ang hindi pagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili sa isang world championship fight. Dahil kung may hawak ka na belt na intercontinental o international belt ay hindi nalalayo sa pagiging #1 contender ang estado mo sa iyong division. Pangalawa ay dahil malala na siguro ang injury na sinapit ni boom boom simula nung siya ay maknockout sa first round. Bukod kasi sa Physical injury na natamo nya ay siguradong may psychological injury ring sinapit si boom boom sa kanyang mga kabiguan. Marami ang nagsabi na malaki ang pinagbago ni boom boom ng siya ay matalo kay Daniel Ponce De Leon at hindi rin natin maaalis sa mga promoters ang pagkabahala sa kanilang alaga kung kakayanin pa ba niyang lumaban sa isang world championship fight.

Isa na sana si Rey Bautista sa mga world title holders kung sakaling pinagpatuloy nya pa magboxing at makahanap ng promoter na magtitiwala sa kanyang kakayahan. Ngunit wala namang pinagsisisihan ang ating bida dahil Nagbunga naman ng magandang oportunidad ang maagang pagreretiro ni Boom Boom sa boxing. Sinamantala niya ang kanyang kabataan upang maging miyembro ng hukbong sandatahan kung saan una siyang nadestino bilang boxing trainer sa Philippine Air Force. Nakitaan ng potential si Boom Boom bilang trainer kaya siya ay nailipat sa PMA o Philippine Military Academy upang magturo ng boxing sa mga kadete.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support