Napaiyak si Coach Spoelstra sa Pagtatapos ng 2020 NBA Finals | Pwede Kayang Mag-Coach sa Gilas Pilipinas? | Jordan Clarkson sa Miami Heat?

Welcome sa Philippine Sports News, ngayong araw tatalakayin natin kung bakit napaiyak sa Erik Spoelstra sa Presscon ng NBA Finals, aalamin din natin kung maaari din siyang maging coach ng Gilas Pilipinas at kung pwede kaya sila magsama ng kapwa Pinoy na si Jordan Clarkson sa Miami Heat?

Sa kakatapos lang na 2020 NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat, hindi napigilang umiyak ni Coach Erik Spoelstra bago niya simulan ang kanyang press conference mula sa media kung saan pinasalamatan niya ang NBA na gumawa ng paraan para maituloy ang season at cinongratulate naman niya ang Lakers organization sa pagiging kampeon nila ngayong taon sa pamumuno ng dati niyang superstar na si LeBron James.

Matatandaan na minsang nagsama si LeBron at Coach Erik Spoelstra ng lumipat si King James sa Miami Heat noong 2010 para makasama ang dalawa pang star players na sina Chris Bosh at Dwyane Wade na nagbunga naman ng dalawang kampyunato sa apat na sunod na finals appearances. Pagkalipas ng anim na taon, muli silang nagkita sa Finals ngunit nasa kabilang kampo na si LeBron na masasabing isang achievement para kay Coach Spoelstra dahil nagawa niyang makapunta ng finals kahit walang superstar sa kanyang kupunan.

Ngayong offseason, paniguradong magsisilapitan ang mga free agents sa Miami Heat lalo na yung mga star players na uhaw na uhaw na sa championship kagaya nina Chris Paul, Gordon Hayward, Blake Griffin, Demar DeRozan at marami pang iba. Masasabi na kailangan ng tulong ni Jimmy Butler para maiwasan ang overfatigue sa ginawa nitong pagbubuhat ng team ng magisa ngunit bukod sa isang star player kailangan din nila ng isa pang energy guy from the bench na kayang umiscore habang nagpapahinga ang kanilang star players. Pwede sigurong kunin ni Coach Spoelstra ang kapwa pinoy na si Jordan Clarkson na isang legitimate sixth man at isa pang star player kagaya ni Chris Paul na isang pure point guard dahil ang nakikita kong kulang sa Miami Heat ay isang pure point guard, isang sixth man at isa pang backup bigman para kay Bam Adebayo at kung sakali madagdagan ang pwersa ng Miami Heat, paniguradong makakapunta ulit sila sa NBA Finals nitong next season.

Sa usapang Gilas naman, paano kung kunin ng Gilas Pilipinas si Coach Erik Spoelstra para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup? Ayon sa kanyang interview mula sa One Sports, hindi pa ngayon ang panahon para pasukin niya ang pagiging national coach ng Pilipinas dahil maliliit pa ang kanyang mga anak at ang pinaka importanteng panahon para sa kanyang pamilya ay ang summer at yun lang ang tanging pahinga niya mula sa mahabang schedule ng NBA season. Di natin masisisi si Coach Erik kung tanggihan niya ang alok ng Pilipinas, dahil matapos matalo ang kanyang kupunan sa NBA Finals, paniguradong pagaaralan niya kung saan sila nagkamali o nagkulang mula sa kanilang laban kontra sa Los Angeles Lakers.

Tutal may tatlong taon pa para makapagisip si Coach Erik kung tatahakin niya ang pagccoach ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup at paniguradong hinihintay niya ang development ni Kai Sotto upang makita kung may chansa ba talaga ang Pilipinas sa mga powerhouse countries na kalahok sa FIBA World Cup. Kung makakabuo ang Pilipinas ng isang powerhouse team at kung sakaling payagan na si Jordan Clarkson sa FIBA, hindi nalalayong kunin ni Coach Erik ang pagkakataon na irepresenta ang Pilipinas sa hinaharap.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support