Bogs Adornado Story

Sino nga ba si Bogs Adornado? Totoo ba na naimbitahan sya para ma-draft sa NBA? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang PBA Career?

Sino nga ba si Bogs? Si William Adornado o kilala bilang Bogs Adornado ay isang former PBA player na pinanganak sa Batad, IloIlo noong May 26, 1951. Anim na taon palang si Bogs ay namulat na sya sa paglalaro ng basketball. Siya ay nagaral ng kolehiyo sa UST at naglaro para sa Glowing Goldies para sa coach na si Rogelio Serafico. Sa kanyang college rookie season ay natulungan nya magkampyon ang UST kung saan naging Co-champion nila ang UE Red Warriors dahil sa first game palang ng finals ay pinagpasyahan ng UAAP board na gawing no-contest na championship series. Ito ay dahil ang parehong kupunan ay hindi naglabas ng kanilang mga players para sa second half ng kanilang unang laban.

Kung mapapansin din nyo, ang 1967-68 UAAP season ay ang unang taon kung saan kakaalis lang ni Robert Jaworski sa UE at eto rin ang season kung saan kakadating lang ni Bogs sa UAAP. Sa mga sumunod na season ay hindi na nanalo ng kampyonato ang UST dahil sa paghahari ng UE at ng coach nito na si Baby Dalupan.

Bago sya maglaro ng professional basketball para sa kupunan ng Crispa Redmanizers, ay naging parte muna sya ng RP Youth squad kasama sina Ernesto Estrada, Rosario Martires, Marte Samson, Manny Paner, Johnny Revilla at Rodolfo Soriano. Sila ang Kauna unahang champion at gold medalist ng Asian Youth Basketball Championship o mas kilala sa tawag ngayon na FIBA Asia Under 18 championships. Dahil dito ay naging main stay si Bogs Adornado sa Philippine national team na nagcompete din sa FIBA Asia, FIBA World Cup at Olympics. Siya rin ang pinakabatang manlalaro para sa pilipinas na nagcompete sa pinakahuling qualification natin sa olympics basketball noong 1972.

Pero alam nyo ba na dahil sa international exposure ni Bogs Adornado ay naimbitahan syang lumahok sa NBA Draft? Ito ay ayon sa kanyang facebook post noong October 27, 2014 na si Adornado sana ang kauna unahang Filipino sa NBA pero tinanggihan nyo ito dahil sa dalawang rason. Una ay dahil ayaw nya mawala ang kanyang focus para tulungan ang ating bansa sa pagrepresenta para sa nalalapit na FIBA World Cup. Pangalawa ay dahil kakapirma lang nya ng kontrata sa Crispa Redmanizers na kung tutuusin ay nakamit nya na agad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang basketball career.

Kung mapapansin nyo, ang international exposure para sa mga batang manlalaro ang magbibigay ng malaking opportunity para makapaglaro sa NBA katulad ni Ricky Rubio ng Spain at ng ating bagong NBA prodigy na si Kai Sotto.

Pagkatapos na nga ng kanyang RP Team career, ay bumalik na sya bilang Crispa Redmanizer para sa MICAA. Wala pa noon sina Hubalde, Cezar, Guidaben at Atoy Co ay napagcchampion nya na ang Crispa Floro Redmanizers kakampi sina Jun Papa at Danny Florencio.

Nang maitayo ang PBA nung 1975 ay lumipat narin ang Crispa franchise kung saan lalong nakilala ang Redmanizers dahil sa kanilang powerhouse team na ang first five nila mismo ay naging PBA MVP nung 1970s. Mas lalo silang inabangan noon dahil sa kanilang rivalry sa kupunan ng Toyota na pinamumunuan naman ni Robert Jaworski at Ramon Fernandez. Sa loob ng sampung taon nya na pinamunuan ang Crispa Franchise ay nakakuha sya ng pitong kampyunato at dalawang MVP trophy. Dahil sya ang kauna unahang PBA MVP awardee at kauna unahang back to back MVP ng manalo ulit sya para sa grandslam season nila nung 1976.

Noong 1980 ay naitrade sya sa kupunan ng U/tex wranglers para sa cash consideration na 100,000 pesos lamang. Ito ay dahil sa kanyang injury history na kung saan nakapaglaro lang ng sya pitong games para sa Crispa nung taon na yun. Dito ay mas lalo sya nagkaroon ng motivation mula sa kanyang pagkakatrade kung saan gumawa sya ng 64 points nung pagkalipat nya sa wranglers kalaban ang San Miguel noong November 23, 1980.

Mula sa kanyang pagkakatrade ay lalo nya pang pinagbuti ang paglalaro kung saan nagtala pa sya ng limang Mythical first team selection, Pangatlong PBA MVP award, at tatlong championships para sa kanyang kupunan na u/tex wranglers at great taste coffee makers. Kaya nararapat lamang na ipangalan sa kanya ang PBA comeback player of the year award dahil sa mga achievements nya pagkatapos ng kanyang karera sa Crispa Redmanizers.

Balikan muna natin ang mga notable achievements ni Bogs Adornado, Siya ay 3 time PBA MVP, 7time Mythical First team, 5time PBA scoring champion, Member of 1976 Crispa Grandslam Team, 10time PBA Champion, Member of PBA 25 Greatest Players, at Class of 2005 PBA Hall of Fame.

Ano nga ba ang nangyari kay Bogs Adornado pagkatapos ng kanyang PBA career? Pagkatapos nya magretiro noong 1987 sa Hill bros team ay inalok sya ng Alaska franchise bilang bagong head coach nito para palitan si Arturo Valenzona sa 1988 season. Pagkatapos nya magcoach ng isang taon para sa Alaska ay naging head coach din sya ng PBL para sa Crispa 400 at sa UAAP para Adamson Falcons.

Hanggang ngayon ay pinagpapatuloy parin nya ang pagcocoach bilang assistant coach ng blackwater elite. Bago sya mapunta sa Blackwater elite ay naging assistant headcoach din sya para sa mobiline, Ateneo blue eagles, shell turbo chargers, at philippine patriots sa ABL. Maari nga na si Bogs Adornado na sana ang kauna unahang Pure Filipino in NBA pero ayon sa kanya ay wala naman syang pinagsisisihan dahil naging matagumpay naman sya sa kanyang karera at nagbigay ng contribusyon para sa karangalan ng bansa.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only “The Deadliest Shooter Around” ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support