Danny Seigle Story

Sino nga ba si Dynamite Danny? Muntik na nga ba siya manalo bilang Rookie MVP sa PBA? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang PBA career?

Sino nga ba si Dynamite Danny? Si Daniel Charles Seigle o kilala bilang si Danny Seigle ay isang former
PBA player na pinanganak sa Scranton, Pennyslvania noong June 14, 1976. Siya ang bunso sa limang magkakapatid sa magulang nila na si Blesylda Yadao na taga Eastern Samar habang ang kanilang ama na si John Charles Seigle ay isang amerikano. Dalawang taon mula nang sya ay pinanganak ay lumipat ang kanyang pamilya sa Carbondale, Pennyslvania kung saan ito naglaro ng highschool basketball upang tulungan ang kupunan na manalo ng 59 consecutive wins kasama ang state title.

Nang makita ito ng isang college coach na si Tim Capstraw ay binigyan siya nito ng scholarship para maglaro sa Wagner College Seahawks. Sa buong college career ay naging pang anim sya sa all-time scoring list ng kanyang kolehiyo at nagtala ng two time Northeast Conference first team selection. Sa height na 6’6 na may all around game sa loob ng court ay naging target sya ng mga kupunan sa Pilipinas bilang direct hire papuntang PBA. Isang factor din dito ay dahil may kapatid na sya sa PBA na naging Rookie of the year noong 1997 na si Andy Seigle. Ang PBA direct hire ay parang free agent signing ng FilAm players mula sa ibang bansa. Hindi na nila kailangan dumaan sa proseso ng PBA draft at nagmistulang advantage para sa mga kupunan dahil ito ay pagalingan lang magscout ng FilAm players na eligible sa PBA.

Taong 1999 ay nagsimula na nga ang PBA rookie year ni Dynamite Danny para sa kupunan na San Miguel Beermen kung saan nakabuo sila ng triple threat kasama si Olsen Racela at Danny Ildefonso. Sa ilalim ng pamamahala ni Jong Uichico ay nanguna sila sa PBA standings na may 35 wins at 20 losses. Sa tatlong conference sa loob ng 1999 PBA season ay napagtagumpayan nila ang dalawa dito maliban lang sa All-Filipino Cup. Ang rookie na si Dynamite Danny ay naging Finals MVP sa parehong championship series na Commissioners at Governors Cup. Kung susumahin ay si Danny Seigle na nga ang nangunguna sa MVP race kung saan kalaban ang dating Rookie-MVP na si Benjie Paras. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay natalo ang San Miguel star para sa MVP award pero nakamit parin nya ang 1999 rookie of the year, Mythical Five first team selection, isang best player of the conference award at dalawang Finals MVP.

Kung mapapansin nyo ay nakakapagtaka ito para sa ating mga basketball fans dahil kitang kita naman ang mga naitulong ni Danny Seigle sa San Miguel Beermen para sya ay tanghaling PBA MVP. Biruin mo Number 1 team sa 1999 PBA Season at isama mo pa ang dalawang sunod na championships kaya matuturing na automatic MVP na kung sino man ang number 1 player sa team na iyon. Kung nagkataon lang na sa current criteria pinagbasihan ang pagiging MVP ay makikita ang similarity kung paano naging MVP si June Mar Fajardo ng sunod sunod.

Ang unang tatlong taon nya sa PBA ay nagtala sya ng tatlong sunod na Mythical First team selection kung saan naging tatlong taon din sya naging MVP candidate. Ang masama nito ay kalaban nya sa karera ang kapwa San Miguel star na si Danny Ildefonso dahil naging back to back MVP itong si Lakay noong 2000 at 2001 PBA season.

Sa unang tatlong taon nya sa PBA ay nakuha nya halos lahat ng prestihiyosong awards, except sa PBA MVP award. Sa loob ng tatlong taon na un ay nakakuha agad sya ng apat na Finals MVP award na nananatiling PBA record hanggang sa ngayon. Dahil sa kanyang mga achievements ay naimbitahan sya para maglaro sa RP team noong 2002 Asian Games ngunit sa di inaasahang pangyayari ay na injury sa Danny Seigle sa isang exhibition game laban sa Qatar. Ang laro na ito ay preparation pa lamang sa nalalapit na Asian Games kung saan nainjury nga siya sa kanyang Right Achilles Tendon. Dahil dito ay naging pang 4th place lang ang Pilipinas sa Asian Games at dito narin nasira ang streak ni Dynamite Danny bilang consistent Mythical first team selection.

Sa loob ng dalawang taon na wala si Danny Seigle sa San Miguel ay hindi narin naging contender ang beermen para sa 2002 at 2003 seasons. Pagkatapos ng kanilang championship run noong 2001 All Filipino cup ay nagdaan muna ang sampung conference bago sila manalo ulit ng kampyunato dahil sa pagbabalik ng the Real MVP ng San Miguel Beermen na si Danny Seigle. Sa kanyang pagbabalik ay nanalo sya ng PBA Comeback player of the year award at Best player of the Conference pero naging mailap parin ang MVP award kahit nag aaverage na sya ng 22points at 8rebounds sa loob lang ng 30 minutes na paglalaro noong 2006-2007 season. Simula ng kanyang pagbabalik ay hindi na nawala sa kanya ang pagiging injury prone na naging hadlang para makamit ang pagiging PBA MVP.

Ang kanyang pagkaka injury ang naging ehemplo sa mga PBA teams kaya hindi na sila basta basta nagpapahiram ng players para sa Gilas Pilipinas roster. Ang promising career ni Danny Seigle ang inakalang future ng PBA pero ito ay hinadlangan ng isang injury para mapabilang sya sa top 40 Greatest PBA players. Pero sa aking opinyon ay kabilang dapat sya sa top 40 greatest PBA players kung achievements lang ang paguusapan,

Siya ay 8time PBA champio, 4time Finals MVP, 2time Best Player of the Conference, 3time mythical first team, 8time PBA Allstar, PBA Comeback Player of the year,PBA Rookie of the year at may hawak na record 20plus points in 19 consecutive games.

Ano nga ba ang nangyari kay Danny Seigle pagkatapos ng kanyang 18 years PBA Career. Pagkatapos nya magretiro noong 2017 ay naimbitahan sya maging team consultant ng San Miguel Alab Pilipinas kung saan tinulungan nya ito maging ABL champion noong 2018. Dahil dito ay nagkaroon sya ng exposure sa head coaching jobs at di naglaon ay naging head coach sya ng De La Salle Green Archers simula noong 2019.

Si Danny Seigle ay matuturing na isa sa biggest what-ifs ng PBA History. Bihira lang kasi sa isang player na maging Mythical first team sa unang tatlong taon sa liga at sa loob ng tatlong taon na yun ay mahirap din maging 4 time PBA Finals MVP. Kaya nakakalungkot lang na malaman na wala sya sa top 40 greatest PBA players of all time.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only “Dynamite” ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support