Magic Mike Plania Story

Sino nga ba si Magic Mike Plania?

Si Michael Angelou Plania ay isang professional boxer na pinanganak sa General Santos City noong February 6, 1997. Ang ama nya ay isang tricycle driver at street vendor kaya sa murang edad pa lang, ay gusto nya ng tumulong sa kanyang pamilya dahil sa edad na nwebe anyos, ay nagsimula na syang magtraining bilang boksingero. Dahil dito ay nadiscover sya ng CEO ng Sanman Promotions, na si JC Manangquil noong dose anyos pa lamang sya na nakikipaglaban sa isang boxing competition sa may oval plaza.

Bago sya maging professional boxer ay nagkaroon sya ng higit sa tatlong daang amateur fights at sa loob noon ay nakakuha sya ng tatlong gintong medalya sa Philippine National Games at naging miyembro ng national team para irepresenta ang Pilipinas sa 2011 AIBA Youth World Championship na ginanap sa Ukraine.

Dahil din sa boxing, ay nabigyan sya ng opportunidad para maging scholar ng Holy Trinity College pero pagkaraan ng isang taon ay lumisan na siya dito para pasukin ang professional boxing sa edad na disisyete anyos. Ang kanyang unang professional fight ay ginanap sa Makati Cinema Square Boxing kalaban si Lordly Pateno noon August 22, 2014. Pagkaraan ng siyam na sunod sunod na pagkapanalo sa loob ng ring ay nabigyan sya ng isang regional title fight para sa belt ng World Boxing Federation para sa bantamweight division. Dito ay tinalo nya ang kapwa Pilipino na si Lorence Rosas noong April 30, 2016 sa Makati City na nagresulta sa Majority Decision.

Pagkaraan ng isang taon ay nabigyan siya ng kauna unahang international boxing match na ginanap sa Mexico para sa kalabang mehikano na si Roger Flores Alonzo, kung saan tinalo nya ito sa isang Unanimous Decision noong December 22, 2017. Dito ay umugong na ang pangalan na Mike Plania sa mundo ng boxing kaya pagkaraan ng laban na ito ay lumaban na siya sa loob ng Amerika para sa intercontinental bantamweight title ng WBO kung saan ang makakalaban niya ay ang dating world champion na si Juan Carlos Payano. Ito ay ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel sa Hollywood noong March 23, 2018 kung saan natalo si Magic Mike via Unanimous Decision. Kahit na natalo siya sa laban na iyon ay nabigyan nya naman ng knockdown si Juan Carlos Payano kaya makikita na may knockout punch siya pero kulang pa sa resistensya para magbitaw ng sunod sunod na haymaker.

Sa kanyang pagkakatalo ay pinagbuti nya pa lalo ang kanyang knockout power dahil sa pitong sunod na laban nito ay nagtala sya ng limang knockout wins at sa loob noon ay nagkaroon din sya ng dalawang first round knockout wins kontra kay John Rey Lauza at Renan Portes. Dahil dito ay nanumbalik ang pagiging contender nito para sa regional title fight at nabigyan nga sya ng opportunidad para sa IBF North american super bantamweight title kontra sa Nicaraguan boxer na si Giovanni Gutierrez. Ito ay ginanap noong December 21, 2019 sa Miami Florida kung saan nanalo sya via Unanimous Decision sa loob ng 10 rounds ng kanilang paglalaban.

Ang winning streak ni Magic Mike ang nagbigay sa kanya ng opportunidad para makalaban ang kapwa regional title champion at isa sa mga boxers ng Top Rank Promotion na si Joshua Greer Jr. Ang boxer na ito sana ang itatapat kay John Riel Casimero dahil ito ang number 1 contender para sa WBO World bantamweight title kaya masasabi na dekalibre na ang napabagsak ni Magic Mike ng dalawang beses nitong nakaraang June 16, 2020 na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas. Tinalo nya si Joshua Greer via Majority Decision na naging controversial para sa mga boxing analyst dahil unanimous decision dapat ang resulta ng laban kung hindi lang sa bingay na draw ng isang judge na si Dave Moretti. Ang pagtalo nya sa number 1 contender ng WBO world bantamweight rankings ay nagmistulang stepping stone nya para makakuha ng World title fight sa darating na panahon.

Masasabi rin, na isa na sa rising star ng Philippine boxing itong si Mike Plania kasama ang mga ka-stable nya na si Romero Duno at Reymart Gaballo ng Sanman Promotions. Sa tingin nyo, ready na ba si Magic Mike para sa World title fight? Icomment ang iyong reaction sa ibaba. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support