Mark Nonoy UMALIS na sa UST? Chris Koon, BAGONG RECRUIT ng Ateneo?

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, Mark Nonoy umalis na nga ba sa UST? at sino nga ba ang bagong recruit ng Ateneo na si Chris Koon?

Dahil sa issue na kinasangkutan ng UST at nang dating head coach nito na si Aldin Ayo, mukhang mababawasan pang muli ang current roster ng Growling tigers sa tangkang pagalis ni Mark Nonoy at Deo Cuajao. Ang agam agam na paglisan ni Nonoy ay nagmula sa kanyang instagram post na nagpapasalamat sa lahat ng naitulong ng UST at coach Aldin Ayo na siyang nagtiwala at kumuha sa kanya mula probinsya papuntang maynila.

Ngunit ayon sa statement ng kanilang agent na si Jackson Chua, sina Mark at Deo ay nananatiling loyal parin kay Coach Aldin Ayo at naghihintay lamang ng desisyon kung susuportahan nga ba ng UST ang apela ni Aldin Ayo sa pagkakaroon nito ng indefinite ban sa UAAP. Gayunpaman, sa ginawang pagbaba sa position ni Coach Aldin para sa UST ang naging hudyat para sa dalawang growling tigers na maghanap ng bagong kupunan kagaya ng naunang lima nilang kakampi na sina Cansino, Paraiso, Bataller, Abando at Asuncion.

Sa paglisan ni Coach aldin, kailangan na agad magdesisyon ng dalawang players kung lilipat ba talaga sila dahil sa nalalapit na pagtatapos ng enrollment para sa unang semestre. Bagamat hindi pa opisyal, nakalipat na sina Mark Nonoy at Deo Cuajao sa De la salle green archers ayon sa tweet ng Philippine star writer na si abac cordero nang cinompirma niya ang team manager na si Terry Capistrano.

Madako naman tayo sa karibal ng Growling Tigers sa kakatapos lang na UAAP Season 82 Finals na Ateneo Blue Eagles. Kung ang UST ay babalik sa rebuilding mode dahil sa paglisan ng pitong players matapos makatungtong ng UAAP Finals, ang Ateneo Blue Eagles ay nananatiling armado ng mga bigating players sa kabila ng paglisan three peat champions na sina Thirdy Ravena, Isaac Go, Matt at Mark Nieto.

Matutulungan naman ng bagong lipat na Fil-Am player na si Chris Koon na ipagpatuloy ang pagiging kampeon ng Ateneo na pinamumunuan ni head coach Tab baldwin. Ayon kay coach Tab, kayang maglaro ni Chris Koon ng multiple positions dahil sa kanyang high basketball IQ at pagkakaroon nito ng height na 6’4 na naglaro bilang combo guard sa amerika.

Si Chris Koon ay makakapaglaro simula season 84 dahil kailangan niya muna sumailalim sa 1 year residency dahil nakapaglaro na siya ng kolehiyo sa amerika. Sa kanyang paglipat, makakasama niya ang dati niyang school mate na si Dwight Ramos, ang kapatid nito na si Eli Ramos at sina forthsky padrigao, fil-italian na si Gabriel Gomez at veterans na sina Ange Kouame at SJ Belangel.

Abangan natin kung kaya paring mapagtagumpayan ni Coach Tab Baldwin ang UAAP championship at magbigay ng four-peat sa eskwelahan ng Ateneo lalo na’t ang karibal nilang UST sa kakatapos lang na UAAP Finals ay magiiba na ang coach at players sa darating na season. Magsisimula ang season 83 nitong January 2021 at malalaman pa kung magsasagawa sila ng sarili nilang bubble kagaya ng sa NBA at PBA.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support