Mark Magsayo Story | Alyas Magnifico ng Pinoy Boxing

Kapag napaguusapan kung sino sa mga undefeated boxing prospect ang may chansang makasilat ng isang world title ay hindi mawawala sa usapan ang pangalang Mark Magnifico Magsayo. Siya lang naman ang dating ALA Promotions boxer na ngayoy nakapirma na sa ilalim ng MP Promotions kung saan mabibigyan siya ng mas malaking exposure sa mundo ng boxing. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang buhay ni Mark Magsayo.

Si Jessel Mark Araula Magsayo ay pinanganak noong June 22, 1995 sa Tagbilaran City, Bohol. Sa edad na otso anyos ay nagpasya na ang batang magnifico na tahakin ang amateur boxing at nagbunga naman ito ng apat na kampyunato mula sa Amateur boxing association of the Philippines national tournament. Bago siya pumasok sa professional boxing ay nagkaroon muna sya ng higit sa dalawang daang amateur boxing match kung saan naimbitahan pa nga sya na irepresenta ang pilipinas para sa amateur boxing pero mas pinili nya na lang na tahakin agad ang pro boxing. Sa edad na disisyete ay sinalang na ang batang magnifico sa Pinoy Pride 20 ng ALA Promotions bilang pro debut nito kontra kay Melton Sandal kung saan tinapos nya agad ang laban sa unang round.

Makalipas ang dalawang taon na pakikipaglaban sa Pilipinas ay nagawa nitong makalikom ng 10-0 record kung saan walo dito ay via knockout. Dahil dyan ay nabigyan siya ng isang minor title fight kontra kay Rafael Reyes para sa Vacant IBF Youth Featherweight title. Ito ay ginanap sa Waterfront Hotel sa Cebu City noong July 11, 2015 para sa Pinoy Pride 31 kung saan nagawang iknockout ni magsayo ang mexican boxer sa fifth round.

Dahil sa pinakita nyang gilas ay binigyan ulit siya ng laban makalipas ang tatlong buwan at sa unang pagkakataon ay makikipagsagupaan na siya sa loob ng Amerika. Ito ay ang laban kontra kay Yardley Suarez bilang unang depensa niya sa koronang IBF youth featherweight title na ginanap sa California USA noong October 17, 2015 kung saan tinapos agad ni Magnifico ang laban sa loob lamang ng first round.

Dito nagsimula umugong ang pangalan ni Magsayo sa mundo ng boxing at makalipas ang isang taon ay nabigyan na siya ng pagkakataon na lumaban sa isang regional title na WBO international featherweight title kontra sa American boxer na si Chris Avalos kung saan hindi rin ito nakaligtas sa knockout power ni Magnifico dahil siya ay naknockout agad sa ikaanim na round.

Nadepensahan nya ang kanyang regional title ng tatlong beses ngunit ang inaasam na world title fight ni magsayo ay hindi parin binibigay ng ALA Promotions kaya hinayaan niya na maexpire ang kanyang kontrata sa ALA at maghanap ng promoter na magbibigay sa kanyang ng mga mabibigat na laban. Napangakuan naman ito ng NOW Boxing Promotions na si Joe Dunkin ang nooy 22 years old number 1 WBO featherweight contender ng isang world title fight ngunit ang napala lang niya ay ang tatlong laban kontra kay Shota Hayashi, Erick Deztroyer at Panya Uthok kung saan sa huling laban nya nakuha ang WBC-Asian Boxing Council Featherweight title.

Dahil sa pagkadismaya na makakuha world title fight sa pangalawang promotion ay nagpasya na tong lumipat sa MP Promotion noong March 2020 dahil alam nito na may tiwala sa kanya ang ating pambansang kamao. Ayon kay Pacman ay nakasubaybay na siya kay Magnifico nung siya ay nagsisimula palang sa ALA Promotion at bilib ito sa pinapakitang sipag sa pageensayo kung saan lalong mahahasa ito dahil siya ay sasailalim sa training ni Freddie Roach sa Wild Card boxing gym.

May 16, 2020 naitakda ang unang laban ni Magnifico para sa MP Promotions ngunit sa ito ay naaberya dahil sa lumalaganap na pandemya. Ito ay nireschedule sa September 23, 2020 kalaban ang american boxer na si Jose Haro. Ang laban na ito ay gaganapin sa ilalim ng Premiere Boxing Champions ni Al Haymon at siguradong dekalibre ang mga boxers na makakalaban nya kung saan mas lalo mapapalapit ang kanyang hangarin na magkaroon ng world title fight.

Sa tingin nyo, tama ba ang ginawa ng MP Promotion na bigyan muna siya ng tune up fight o talagang handa na si Magsayo sa isang world championship fight kagaya ni Gary Russel Jr at Josh Warrington? Ito ang dapat natin abangan sa laban na Magsayo vs Haro.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support