Lydia De Vega Story

Sino nga ba si Lydia De Vega? Totoo ba na tinagurian siyang Asia’s Fastest woman noong 80s?

Si Lydia De Vega ay miyembro ng Gintong Alay Track and Field na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 1979. Siya ay tubong Meycauayan, Bulacan kung saan siya ay pinanganak noong December 26, 1964. Ang kanyang interest bilang atleta ng track and field ay sinupurtohan ng kanyang ama na si Francisco Tatang De Vega dahil siya mismo ang nagmistulang coach at trainer nito simula pagkabata. Para mas malinaw ay isalaysay natin ang kanyang career highlights at kung bakit nga ba siya tinaguriang Asia’s Fastest Woman noong 1980s.

Taong 1978 ay nakilala na si Lydia sa edad na katorse anyos bilang silver medalist ng Philippine National junior championship para sa event na 200m at nagtapos naman siya sa ikaapat na pwesto para sa 100m dash. Pagkaraan ng isang taon ay nirepresenta na nya ang Pilipinas sa 3rd Asian v Track and Field Champi onship na ginanap sa Tokyo Japan. Siya ay nagkamit ng 7th place sa long jump ngunit nakakuha ng bronze medal para sa 400m relay kasama ang mga kateammate na si Lorena Morcilla, Carmen Torres at Myrna Ayo. Noon ding taon na iyon ay nakilahok sila sa ASEAN School championship na ginanap sa Singapore kung saan nakakuha siya ng tatlong gintong medalya para sa 100m, 400m at Long Jump. Dahil sa kanyang performance, ay sinali na siya sa 1979 SEA Games sa edad na kinse anyos ngunit walang nakuhang medalya para sa event 400mdash, 4x100m at 4x400m relay.

Dahil dito, ay sa taong 1980 ay nagpursige siya makakuha ng gintong medalya para sa kauna unahang ASEAN Cup na ginanap sa Jakarta kung saan nagkampeon siya para sa 200m at 400m dash. Dito nagsimula ang paghakot nya ng gintong medalya kasabay ang programa ng Gintong Alay.

Noong 1981 ay nagkaroon ng pangalawang pagkakataon si Lydia para maglaro sa South east asian games na ginanap sa maynila. Dito ay nakakuha sya ng dalawang gintong medalya para sa 200 at 400meter dash. Dahil sa kanyang pagkakapanalo sa SEA games ay naimbitahan siya para sa 1982 Asian Games na ginanap sa New Delhi kung saan niya nakuha ang ginto at pilak para sa 100 at 200m dash.

Noong 1983 naman ay nakilahok naman siya para sa Asian Athletics Championships at muling napanalunan ang gintong medalya para sa event na 100 at 200meter dash. Ang taong 1984 ay ang unang taon kung saan nagqualify ang Asia’s fastest woman sa Olympics. Ito ay ginanap sa Los Angeles sa Amerika kalaban ang mga world class athletes na sina Evelyn Ashford, Alice Brown at Merlene Ottey. Maraming nakaabang noon kung magiging medalist nga ba ang pambato ng asya na si Lydia de vega ngunit siya ay nabigo at nagtapos bilang quarter finalist.

Dalawang taon ang lumipas bago makita ulit si Lydia sa international competition. Sa kanyang pagbabalik ay nakilahok agad sya para sa 1986 Asian Games na ginanap sa Seoul South Korea. Dito ay nakuha nya ang gintong medalya para sa 100m at silver medal naman para sa 200m dash.

Ang taong 1987 naman ang naging pinakaproductive na year para sa kanyang athletic career dahil dalawang event na magkasunod ang sinalihan nya kung saan nanalo siya ng limang gintong medalya. Una ay sa 1987 Asian Athletics championship na ginanap sa singapore noong buwan ng july. Dito ay napagtagumpayan niyang manalo ng dalawang gintong medalya para sa 100meter at 200meter dash. Pagkaraan naman ng buwan ng setyembre, ay ginanap ang 1987 SEA Games sa Jakarta Indonesia kung saan naganap ang SEA Games at National record for 100m na 11.28 seconds at ang broken record para sa 200m na 23.35 seconds na tumagal naman ng 14yrs. Kasabay ng dalawang gold medal sa nasabing event, ay napanalunan din nya ang kauna unahan nyang gold medal para sa Long Jump event.

Noong 1988 ay muling nagqualify ang asia’s fastest woman sa Olympics ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nabigo sya makasungkit ng medalya para sa Pilipinas. Dahil dito ay nagpasya munang lumisan ni Lydia sa mundo ng palakasan para tapusin ang kanyang pagaaral at makabuo ng sarili nyang pamilya.

Tatlong taon din ang lumipas bago tuluyang bumalik si Lydia sa international competition. Ang kanyang comeback ay nagsimula noong siya ay nakilahok sa 1991 Asian Athletics Championship kung saan nakaabot siya ng seventh place. Pagkaraan ng isang buwan ay sumali naman siya sa SEA Games kung saan isa pa siya sa mga torch lighter kasama si Gerard Cantada at Caloy Loyzaga. Dito ay nakuha nya ang unang gintong medalya sa 100m dash simula ng siya ay bumalik sa Philippine team.

Nasundan ito ng dalawang gintong medalya sa sumunod na South East Asian Games na ginanap sa Singapore noong 1993 bago tuluyang magretiro noong 1994. Sa kanyang pagkakaretiro ay nagsilbi din siya bilang konsehal ng bayan sa Meycauayan. Siya ay naging Liason officer din ng Alliance of Coaches and athletes of the Philippines sa ilalim ng Philippine Sports Commission. Simula noong 2005 ay naging athletic coach na siya para sa Singapore kung saan tinutulungan niya ang mga batang atleta na maging world class sprinter.

Si Lydia ngayon ay nanirahan na sa Singapore kasama ang kanyang asawa na si Engr Paul Mercado. Nagkaroon sila ng apat na anak at isa nga dito ay ang former DLSU Lady Spiker na si Stephanie Mercado. Pero bago natin tapusin ang video na ito ay magbabahagi naman ako ng interesting facts tungkol kay Diay:

Ikauna, alam nyo ba na minsang nilihim ni Lydia ang paglalaro ng track and field sa kanyang ama na si Tatang De vega. Ito ay nagsimula noong siya ay dose anyos pa lamang ng imbitahan siya ng kanyang eskwelahan na maging varsity ng track and field dahil sa angking husay nya sa pagtakbo. Ang eskwelahan kasi noon ni Diay ay puno ng kalalakihan kung saan siya ay nakikipagtagisan ng palakasan at isa dito ay ang pagtakbo. Nalaman na lamang ng kanyang ama na nakikilahok siya sa mga track and field meets ng siya ay naguuwi ng mga medalya sa kanilang bahay mula sa mga kompetisyon. Simula dito ay sinuportahan siya ng kanyang ama at nangako sa isa’t isa na wag susuko hanggang maabot nila ang kanilang mga pangarap.

Pangalawa, ay ang mga coaches sa likod ng Asia’s sprint queen. Ang kanyang ama pala na si Francisco De Vega ay isang frustrated track and field athlete na naging pulis kinalaunan. Ang pagdidisiplina at pagtuwid ng daan para kay Lydia ang naging runway nya para makamtan nya ang kanilang p angarap. Bago pa magkaroon ng Gintong Alay program mula kay Pangulong marcos ay naging coach na ni Lydia ang isang olympian sprinter na si Claro Pellosis. Si Claro ang nag gabay at gumawa ng programa para mabigyan ng proper training si Lydia. Nang maitayo na ang Gintong Alay program ay nagkaroon din siya ng formal training sa ilalim ni Magno Santos at australian coach na si Tony Benson.

Pangatlo, alam nyo ba na si Elma Muros at Lydia De Vega ay nagkaroon ng National Record bilang teammates. Ito ay para sa 4x400m relay na ginanap noong May 17, 1993 at ang kanilang naitala na 3minutes at 40.9 seconds ay nananatiling national record hanggang ngayon.

Pangapat, at ang kabuuan, Si Lydia ay two time olympian, at kasulukuyang may hawak sa record ng 100m dash sa SEA Games at dating record holder din para sa 200m at Long Jump. Siya ay tinaguriang Asia’s Fastest Woman simula 1982 hanggang 1990. At sa lahat ng international competition na sinalihan nya ay nakalikom siya ng 55 medals mula sa Asian Games, SEA Games, Asian Track and Field Meet, Asean Cup at Asean Schools track and field meet.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa Asia’s Sprint Queen in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support