Luisito Espinosa Story

Sino nga ba si Luisito Espinosa? Totoo ba na minsan siyang naloko ng boxing promoters dahil sa pera? Ano nga ba ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang boxing career?

Si Luisito Espinosa ay former professional boxer na pinanganak sa Tondo, Manila noong June 26, 1967. Nasa dugo na nya ang pagiging boxingero dahil ang ama nito na si Dio at ang mga tiyuhin nya na si Leo at Bonnie ay kapwa mga boksingero din. Dahil dito, ay sa edad na disi sais anyos ay nagsimula nasya maging professional boxer kalaban ang kapwa pilipino na si Vladimer Raffy noong May 25, 1984 na ginanap sa San Pedro, Laguna.

Bago sya nagkaroon ng laban sa ibang bansa, ay nagkaroon muna sya ng labing walong laban sa loob ng apat na taon kung saan nagtala sya ng record na 15wins at 3 losses at minsang nakalaban din ang nakakabatang kapatid ni Rolando Navarrete na nag ngangalang Romy, na ginanap sa ULTRA, sa Pasig City.

March 14, 1988, ginanap ang unang international fight ni Espinosa sa Tijuana, Mexico kalaban ang veteran boxer na si Juan Jose Estrada. Natalo si Espinosa sa ikasampung round ng laban via technical knockout. Ito ang unang regional title fight ni Espinosa kung saan makukuha nya na sana ang WBC international Bantamweight title.

Dahil dito ay nadelay ang kanyang hangarin maging co ntender para sa world championship belt, kaya kinailangan nya ulit patunayan ang kanyang sarili sa mga promoters, kung saan nakipaglaban sya ng pitong beses sa loob ng isang taon at pitong buwan, bago makalaban ang world champion na si Khaokor Galaxy.

Ang kanyang unang world title fight ay ginanap sa Bangkok Thailand noong October 18, 1989 kung saan tinapos nya ito agad sa unang round ng ma knockout nya si Khaokor Galaxy. Nagkaroon pa nga ng delayed reaction mula sa champion bago sya tuluyang ma knockout dahil sa body shot at left hook na ginawa ni Espinosa. Mula dito ay napilitang magretiro ni Khaokor Galaxy dahil sa natamong injury nya sa laban.

Simula ng kanyang pagkakapanalo ay nagkaroon ulit sya ng pagkakataon na maglaro, sa harap ng mga thailand boxing fans, para sa dalawang successful title defense nya kalaban ang amerikanong si hurley snead at isang thai boxer na si Thanomsak Sithbaobay. Dalawang taon nya rin hinawakan ang WBA bantamweight title, ngunit sa pangatlong pagkakataon na depensahan nya ang kanyang titulo, ay nahirapan syang talunin ang venezuelan boxer na si Israel Contreras kung saan na knockout sya sa ikalimang round, sa harap ng mga pinoy boxing fans na ginanap noon sa Araneta Coliseum noong October 19, 1991.

Sa kanyang pagkakatalo ay nahirapan na sya ipromote ng mga boxing promoters sa mga world title fights at napilitang magsimula ulit sa umpisa kung saan ang anim na sunod na laban nito pagkatapos ng kanyang pagkakabigo ay puro sa Pilipinas na lamang. Napagtagumpayan nya ang pagsubok na yon para maging contender ulit para sa regional title ng WBC international featherweight division. Ngunit natalo sya ng mexicanong si Alejandro Gonzalez kung saan na knockout sya sa ikalawang round ng kanilang laban.

Ito ang bahagi na hindi natin napapansin sa boxing career ni Luisito Espinoa, ang nakikita lang natin ay ang paghahari nya ng tatlong taon sa featherweight division, pero ang mga kabiguan ng ating boxing legend sa loob ng ring ang nagpatibay sa kanya para di sumuko na makuha ang kanyang pangarap at ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Sa pangatlong pagkakataon ay nagsimula ulit sa umpisa si Espinosa pagkatapos ng kanyang pagkakaknockout sa isang regional title fight. Nakipaglaban sya ng apat na beses sa loob ng asya at puro knockout wins ang ginawa nya sa kanyang mga kalaban. Isa nga dito ang dating mexican champion na si Raul Perez na nooy may 50 wins 4 losses kumpara kay Luisito na may 35 wins at 7 losses. Kung mapapansin nyo ang record ni Espinosa na may pitong talo ay magaalangan talaga ang mga boxing promoters na ihanap sya ng championship fight, pero nung ipakita ni Espinosa na may ibubuga pa sya pagkatapos nyang pataubin si Raul Perez sa ikaunang round ng kanilang laban ay naging number 1 contender agad sya para sa WBC featherweight champion na si Manuel Medina.

Dalawang buwan lang ang binigay na oras sa kanya para paghandaan ang kanyang unang world featherweight championship kontra sa mexican champion. Sila ay nagtagpo sa Japan noong December 11, 1995 na nagresulta naman sa unanimous decision pabor kay Luisito Espinosa. Dito nagsimula ang katanyagan ni Espinosa sa mundo ng boxing. Pagkatapos nya talunin ng magkasunod ang dalawang mexican champion, ay naging contender nya ang dating tumalo sa kanya sa regional championship na si Alejandro Gonzalez. Dito ay binawian nya si Gonzalez sa parehong stadium na pinaglabanan nila noon sa Mexico ng iknockout nya ang kanyang contender sa ikaapat na round ng laban.

Hinawakan nya ang kanyang titulo sa loob ng tatlong taon at pitong buwan at nagkaroon sya ng pitong matagumpay na pagkakadepensa ng kanyang titulo bago sya matalo kay Cesar Soto. Ang kanyang pagkakatalo kay Cesar Soto ay resulta ng kanilang rematch, dahil minsang tinalo ni Espinosa si Soto ng naging contender nya ito noong 1996. Kung hindi natalo si Espinosa kay Soto ay nagkaroon sana sila ng bakbakan ng kapwa nya featherweight champion na si Prince Naseem Hamed. Dahil nung nanalo si Soto kay Lindol ay biglang nagkaroon ng unification title bout sa pagitan ni Naseem Hamed at Cesar Soto kung saan naging unified champion nga si Prince Hamed.

Nagkaroon pa nga noon ng mga kuro kuro kung sino nga ba sa dalawa ang umiiwas para makalaban ang kapwa champion. Ayon kay Hamed ay ayaw daw sya labanan ni Espinosa pero ayon naman kay Espinosa ay sa unang dalawang taon nya na pagiging champion ay hinahamon na nya si Prince Hamed para sa isang unification bout. Ang dream fight na ito noong dekada nobenta para sa featherweight division ay nakalimutan na ng mga boxing fans ng matalo si Prince Hamed kay Barrera at sa maagang pagreretiro nito sa boxing at nang matalo nga si Espinosa kay Soto kung saan nagsimula narin ang pagbagsak ng karera ni Lindol sa mundo ng boxing.

Pero bago natin tapusin ang video na ito ay pagusapan natin kung totoo ba na minsang naloko si Espinosa ng boxing promoter na si Rod Nazario na kilala bilang dating promoter ni Manny Pacquiao. Ang issue na ito ay naganap sa kanyang laban kontra kay Carlos Rios na ginanap sa South Cotabato, Koronadal City. Ayon sa kontrata, ang ating champion ay garantiyang makakakuha ng 150 thousand dollars ano man ang mangyari sa laban at 10 thousand dollars naman para sa mga nagastos nya sa kanyang pagttraining. Pero matapos nyang iknockout ang argentinian boxer sa 6th round ay nakakuha lamang sya ng 29,651 dollars. Ilang beses nyang kinausap ang boxing promoter na si Rod Nazario para kunin ang kanyang pera, kaya napilitan na lamang ito ilaban sa loob ng korte kung saan inabot na ng 22 years bago madesisyunan ang pera na dapat kay Espinosa. Sa kabuuan ay may balanse pang 130,349 dollars na makukuha si Luisito plus 6 percent per annum simula May 26, 1998 hanggang makumpleto ang bayad ng mga Nazario para kay Espinosa. Nang namatay si Rod Nazario noong 2009, ay naipasa ang kaso sa kanyang asawa at tatlong anak kaya hanggang ngayon ay patuloy parin ang kaso at wala pa ring balita kung inareglo na ba ng pamilya nazario ang kanilang kaso kay Espinosa.

Ano na nga ba ang nangyari kay Luisito Espinosa pagkatapos ng kanyang boxing career? Dahil sa walang ipon at pakikipaghiwalay ng kanyang asawa, ay napilitang mamuhay magisa ni Luisito Espinosa at magtrabaho ng service crew sa loob ng Amerika. Nabigyan din sya ng break bilang boxing trainer ng magkapatid na MMA fighter na sina nick at nate Diaz. Naging boxing trainer din sya ng isang kolehiyo sa amerika bago tuluyang lumipat sa hongkong at china para maging trainer ng Everlast Gym. Ayon sa interview ng Powcast sports sa ating boxing legend ay nahihirapan na si Luisito sa China at gusto ng makuha ang kanyang pera para makabalik na ng permanente sa Pilipinas.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa natatanging Lindol ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support