Kelly Williams NAGRETIRO na sa PBA? Olympian Orly Bauzon, PUMANAW NA?

Welcome sa bago nating segment na Philippine Sports News, ngayong araw paguusapan natin ang biglaang pagreretiro ni Kelly Williams sa PBA at ang pagpanaw ng dating basketball olympian na si Orly Bauzon.

Ginulantang ng dating PBA MVP at TNT Katropa star ang mundo ng basketball sa kanyang biglaang paganunsyo ng kanyang pagreretiro sa PBA. Sa edad na trenta iotso anyos, lilisanin na ni Kelly Williams ang liga kung saan siya ang naging former number one overall pick noong 2006 pba draft. Ayon sa kanyang instagram post, may halong tuwa at lungkot matapos niyang ianunsyo ang kanyang pagreretiro sa basketball. Nagpapasalamat naman siya sa higit na labing limang taon na paglalaro sa Pilipinas para sa mga ligang PBL at PBA at ang pagiging miyembro ng Philippine national team noong nakaraang dekada.

Ngunit hindi naman ikinatuwa ng kampo ng TNT Katropa ang pagreretiro ni Kelly dahil sa biglaang paglisan nito sa kanilang team bubble ng walang paalam. Naturingang AWOL o absence without official leave ang pagalis ni Williams dahil sa hindi nito pagpaalam sa management sa kanyang biglaang paglisan sa Inspire Sports Academy sa Calamba Laguna. Walang kaalam alam ang TNT KaTropa management na magreretiro na pala itong si Kelly Williams at hindi ito nagustuhan ng kanilang team governor na si Ricky Vargas kung saan nababahala ito para sa mga future basketball players na gayahin ang inasal ni Kelly Williams pagkatapos nila ito bigyan ng karera sa PBA. Ngunit sa huli ay nirerespeto ng TNT ang desisyon niyang magretiro at nagpapasalamat naman ito sa lahat ng nagawa ni Kelly Williams para sa kupunan.

Nagbigay naman ng pagkilala ang ibang PBA stars na sina Mark Caguiao, Gabe Norwood at Jared Dillinger sa mga contribusyong nagawa ni Kelly Williams sa Philippine Basketball. Nagpapasalamat naman si Kelly Williams sa binigay na tiwala ni Coach Chot Reyes na siyang nakadiscover sa kanya noong 2005 para imbitahin ito na maglaro sa Pilipinas.

Nagtapos ang karera ni Machine Gun Kelly Williams bilang six time PBA Champion, 5time All Star, Rookie of the Year, PBA MVP at ang pagiging miyembro ng 40 Greatest Players in PBA History.

Madako naman tayo sa isang pang nakakalungkot na balita para sa mga pinoy basketball fans ang biglaang pagpanaw ng dating olympian na si Orly Bauzon. Nitong sabado, asingko sa buwan ng setyembre pumanaw si Orlando Bauzon dahil sa cardiac arrest. Ang anak ng Calasiao Pangasinan na si Orlando ay ang kauna unahang calasiaoeño na naglaro sa PBA at ang nagiisang olympian na nagmula sa Pangasinan. Unang nakilala si Orly bilang miyembro ng UST Glowing Goldies at bilang Gold medalist ng 1967 FIBA Asia Championship. Sa pangunguna ng head coach na si Caloy Loyzaga at ng kanyang kupunan na dirty dozen, nagqualify ang Pilipinas 1968 Olympics at nagtapos sa ikalabing tatlong pwesto.

Si Bauzon ay unang naglaro sa MICAA para sa Ysmael Steel at Meralco kung saan naging teammates nya ang ibang olympians na sina Bigboy Reynoso, Jimmy Mariano, at Robert Jaworski kung saan nanalo sila noong 1971 MICAA Open championship. Nang madisband ang meralco, lumipat si Orly sa Toyota Comets noong 1973 kung saan nagtagal siya ng limang taon bago siya lumipat sa Mariwasa Honda Wildcats at tuluyang magretiro. Minsan din siyang naging college coach ng mga paaralan ng UST, UP at Adamson.

Nagbigay pugay naman ang dating teammates ni Orly na sina Ramon Fernandez at Gil Cortez bilang kanilang malapit kaibigan at inalala ang natatanging clutch shot ni Orly Bauzon noong 1973 MICAA championship na nagbigay ng kauna unanahang kampyunato para sa Toyota Franchise.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support