Kai Sotto Story

Ating kilalanin ang future NBA Draft prospect na si Kai Sotto at ang kanyang mga pinagdaanan sa Ateneo, Batang Gilas at The Skills Factory. Pero bago yan ay wag kalimutang mag subscribe at i click ang notification bell button for more Philippine Sports History.

Kapag napaguusapan kung sino nga ba ang magiging future ng Philippine basketball ay paniguradong nangunguna diyan ang pangalan ni Kai Sotto. Bagamat wala itong balak na maglaro sa PBA dahil sa kanyang tinatahak na karera sa Amerika, siya pa rin ang magiging flag bearer ng Pilipinas sa darating na 2023 FIBA World Cup. Pero paano nga ba nagsimula ang isang Kai Sotto na dating kilala lang bilang Ateneo Blue Eaglets na ngayoy mas kilala na bilang isa sa upcoming NBA draft prospect ng Amerika.

Si Kai Zachary Sotto ay pinanganak noong May 11, 2002 sa may Las Piñas City. Ang kanyang ama na si Ervin Sotto ay kilala bilang sikat na manlalaro ng paaralang SFACS at ng dating PBL team na Welcoat. Nakapaglaro rin ito ng walong taon sa PBA bilang 7th overall pick ng 2004 PBA draft at nagkampeon noong 2010 PBA Fiesta cup. Masasabi na ang height ni Kai ay namana niya sa kanyang ama na may taas na 6’7 na lagpas sa average height ng mga PBA Centers na 6’6.

Ayon sa ginawang video ng The Scoreboard, noong pitong taong gulang pa lamang ito ay nalagpasan niya na ang average height ng lalaking pinoy na 5’4 ngunit pagkaraan ng anim na taon sa edad na trese anyos ay nadagdagan pa ito ng humigit kumulang isang piye sa height na 6’6 na maikukumpara na sa average height ng mga PBA centers. Dahil sa natatanging pagtangkad ni Kai kumpara sa karanawing batang pinoy ay sinabak na ito ng kanyang magulang sa iba’t ibang basketball clinics upang mahasa at magamit ang kanyang tangkad sa larangan ng basketball.

Taong 2016 at sa edad na katorse anyos, napagpasyahan ni Kai at ng kanyang pamilya na maging parte ng Ateneo de Manila Highschool basketball team para siya ay mabigyan ng proper training at maishowcase narin ang natatagong potensyal ni Kai sa larong basketball. Pagkatapos ng dalawang taon na pagttraining at paghasa ng kanyang abilidad bilang center ng Blue eaglets, natulungan niya ito na manalo ng 2018 UAAP juniors championship kung saan nagbunga ang kanyang pageensayo ng Finals MVP na may average na 17points, 13rebounds at 6.3 blocks per game. Gayunpaman, hindi nila nagawang maging back-to-back championships sa sumunod na season, ngunit napagtagumpayan naman ni Kai ang UAAP juniors MVP dahil sa mga numero nito na 25.1 Points, 13.9 rebounds at 2.6 blocks per game. At dahil nakuha na ni Kai ang pagiging kampeon at MVP sa juniors division ay napagpasyahan niya at ng kanyang pamilya na pumunta ng Amerika para tuparin ang kanyang pangarap na maging NBA player. Ngunit bago natin pagusapan ang kanyang nasimulang karera sa Amerika ay atin munang alamin ang performance niya bilang batang Gilas.

Taong 2017, nang makita ng samahang basketball ng Pilipinas ang kakaibang taas at husay niya sa loob ng court ay hindi sila nag atubili na isali ito sa Batang Gilas para sa 2017 SEABA Under 16 championship. Sa torneo ay nagaverage siya ng 16.8 points, 8.5 rebounds at 3 blocks per game kung saan pinangunahan niya ang Pilipinas na manalo ng Gold Medal at magqualify para sa 2017 FIBA Under-16 Asian championship. Sa kanyang unang sabak sa FIBA Asia Under16 ay nagtapos sila sa pangapat na pwesto at nagaverage ito ng 16.8 points 13.5 rebounds at 2.5 blocks per game kung saan napabilang siya sa Mythical First Team at tinanghal bilang tournament MVP.

Alam niyo ba na sa murang edad ay batak na sa international games itong si Kai? Dahil maliban sa SEABA at FIBA Asia Under16 nung 2017 ay nagkaroon pa ito ng experience para sa dalawang FIBA World Cup. Ito ay nang makilahok siya sa 2018 FIBA Under 17 World Cup sa Argentina at 2019 FIBA Under 19 World Cup sa Greece kung saan umabot tayo sa ikalabing tatlo at ikalabing apat na pwesto. Dahil sa exposure na hatid ng FIBA, ay nagkaroon pa nga noon ng rumor na maglalaro daw si Kai sa Europe dahil sa pagkakaroon nito ng club offers mula sa Real Madrid na dating kupunan ni Luka Doncic. Bagamat malaki ang offer ng mga european teams ay mas pinili parin ni Kai na dumeretso sa Amerika at doon makipagsapalaran kasama ang kanyang pamilya na maging kauna unahang purong Filipino na ma-draft sa NBA.

Taong 2019 at sa edad na disisyete anyos, nilisan ni Kai ang Blue Eaglets basketball team para pumunta ng amerika at sumali sa The Skill Factory. Ang TSF ay isang skills-development organization kung saan mas nakilala sila bilang training grounds ng NBA MVP na si James Harden at ilang all-star players kabilang si John Wall. Masasabi na malaki ang naitulong ng organisasyon sa development ni Kai at ang pruweba diyan ay ang pagiging MVP nito noong King invitational tournament kung saan gumawa lang naman siya ng 27 points 10.6 rebounds at 4.3 blocks per game. Doon ay minsan niyang nakalaban sina Kenyon Martin Jr., at Makur Maker na kilala bilang top high school prospects ng Amerika.

Wala pang isang taon mula nung umalis si Kai papunta sa Amerika ay tinuring na agad siya bilang four star recruit ng ibat ibang scouting websites at marami narin ang nagbibigay ng interest mula sa NCAA Division 1 programs na kunin siya sa kanilang programa. Ngunit ng maitayo ang NBA G-League Select team o tinatawag na ngayon bilang G-League Ignite ay napagdesisyonan niya na sumali sa G-League kaysa pasukin ang NCAA. Masasabi na ilan sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Kai ang offer sa G-league ignite una ay ang tyansang makalaro ang mga top recruits ng 2020 class na sina Isaiah Todd, Daishen Nix, Jonathan Kuminga at ang kababayan na si Jalen Green na tinuturing na number 1 prospect nitong 2020. Pangalawa ay ang kontrata na maaaring umabot ng 125,000 us dollars. Pangatlo ay ang = immediate exposure dulot ng G-League-dahil di natin masasabi na pag pumunta siya sa NCAA bilang rookie player, ay maaaring maging bangko muna siya doon dahil sa seniority ng ibang players na hindi nalalayo sa pinagdaanan ni Kobe Paras nung unang salang niya sa NCAA.

Bago natin tapusin ang video ay magiiwan ako ng ilang trivia. Alam nyo ba na ang totoong dominant hand ni Kai ay ang kanang kamay. Ito ay ayon sa interview ng The Score noong 2018 sa magamang Ervin at Kai Sotto. Ang history kasi kung bakit naging kaliwete siya mag shoot ng basketball ay nung masaksihan ng batang Kai ang mga dating kateam-mates ng kanyang ama na sinaAli Peak, Reynel Hugnatan at Yancy De Ocampo kung saan na emulate niya unti unti ang mga ginagawa nito sa court kasama na ang pagiging kaliwete. Bata pa lang si Kai nung mapansin ng kanyang ama ang pagiging ambidextrous nito nung siya ay nakita na tumitira ng bola sa ring mapakanan o kaliwang kaway.

Alam nyo rin ba na bukod sa kanyang ama na si Ervin, ang kanyang ina na si Pamela ay may angking taas na higit sa natural na tangkad ng Filipina. Ito ay may taas na eksatong 6 feet kaya hindi nakakapagtaka kung bakit mas higit pa sa kanyang ama ang naging taas ni Kai dahil ang parehong magulang nito ay may lahing matatangkad.

Ano kayang kapalaran ang naghihintay kay Kai Sotto sa G-League? Mas mapapaangat pa kaya nito ang kanyang NBA draft status from projected 2nd round pick to 1st round pick? Ano kaya ang magiging performance niya kalaban ang mga NBA caliber players na naglalaro sa G-League? Ito ang dapat nating abangan sa susunod na kabanata ni Kai Sotto sa Amerika.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support