Jordan Clarkson Story

Ating kilalanin ang ating kababayan sa NBA na si Jordan Clarkson.

Sa mga sumusubaybay ng NBA Playoffs ngayong 2020, mapapansin niyo ang kabi kabilang playoffs upset mula sa eastern at western conference sa kadahilanang paglalaro nito sa Disney Bubble kung saan walang mga fans at homecourt advantage ang bawat kupunan. Dahil diyan ay naglabasan ang mga kumpiyansa ng mga manlalaro na kagaya ni TJ Warren, Devin Booker, Damian Lillard at ang kababayan natin na si Jordan Clarkson. Pero bago natin paghambingin ang kanyang old at new performance sa bago niyang team ay atin munang talakayin ang basketball history ni Jordan Clarkson.

Si Jordan Taylor Clarkson ay anak ng dalawang former US Airforce na si Mike Clarkson at Annette Tullao na may dugong Filipino dahil ang lola ni JC na si Marcelina Tullao ay tubong Bacolor, Pampanga. Si JC ay pinanganak sa Tampa, Florida noong June 7, 1992 ngunit sila ay lumipat sa San Antonio Texas kung saan siya namulat sa larong basketball. Naging varsity player siya ng kanyang paaralan na Karen Wagner High School at natulungan niya naman ito ng dalawang beses makatungtong sa State semi-finals kung saan pinangaralan siya bilang San Antonio High School Player sa kanyang senior season.

Sa national signing day ng mga upcoming college players ay nagcommit si Jordan Clarkson sa University of Tulsa kung saan nakuha nito ang mga parangal na Conference USA All-Freshman team at Conference USA First team sa kanyang unang dalawang college season bago ito lumipat sa Missouri sa kadahilang pagsisante sa Head Coach ng Tulsa na si Doug Wojcik.

Sa kanyang paglipat sa Missouri ay nagkaroon muna ito ng 1year residency bago makalaro ulit sa NCAA bilang redshirt junior kung saan nakalaban pa nga nya ang kanyang Gilas Pilipinas teammate na si Christian Standhardinger ng maglaro ito dati sa University of Hawaii. Sa kanyang junior season ay nagtala siya 17.5 pts, 3.8 rebounds at 3.4 assists para siya ang maging parte ng 2014 ALL-SEC second team kung saan nagpasya siya na ipagliban ang kanyang senior season sa Missouri at tahakin ang NBA draft.

Sa 2014 NBA Draft ay napili siya bilang 46th overall draft pick ng Washington Wizards at dali dali ring naitrade sa gabi na iyon para sa Los Angeles Lakers kapalit ang cash consideration . Dito ay nakasama niya pa si Kobe Bryant ng dalawang season bago magretiro si Black Mamba noong 2016. Si Clarkson ay naging parte ng All-rookie first team noong 2015 at ginawang full time starter noong 2016 at dahil diyan ay siya ang inaasahang maging future starting shooting guard ng Lakers dahil sa binigay nitong offer na four year – 50 million dollars pagkatapos magretiro ni Kobe Bryant. Ngunit sa loob ng apat na taon ni JC sa Los angeles ay hindi nito naranasang makapasok sa Playoffs kung saan napasama pa siya sa full rebuild ng Lakers dahil naging liability ang kanyang kontrata sa mga plano ng Lakers management na makilahok sa LeBron James sweepstakes na nangyari noong 2018 NBA Free Agency.

Bago pa dumating si Lebron sa lakers ay panandalian muna silang nagsama sa playoff run kung saan nasweep ang Cleveland Cavaliers sa finals na nagsimula sa infamous brain fart moment ni JR Smith. Sa paglisan ni LeBron ay sa pangalawang pagkakataon ay nabigyan ulit ng break si JC para buhatin ang rebuilding team na Cavs na kahintulad sa paglisan ni Kobe sa Lakers at dahil jan ay nagaverage siya ng career high na 16.8 points para sa cleveland cavaliers noong 2018-19 season.

Ngunit pagkaraan ng isang season ay naitrade muli si JC papunta sa Utah na kanya namang ikinatuwa dahil ayaw niya na maging parte ng rebuilding team dahil sa loob ng anim na taon na paglalaro nito sa NBA ay nagkakaroon pa lamang ito ng isang playoff season. Sa kanyang unang 42 games bilang Utah Jazz ay nagtala ito ng 15.6 points sa loob ng 24.7 minutes per game dahil siya ang naging sixth man ng Utah Jazz kung saan mas namaximize ang kanyang talento bilang scorer off the bench.

Atin naman paghambingin kung bakit mas effective si Jordan Clarkson ngayon sa Utah Jazz kaysa sa Lakers o sa Cavs. Una ay dahil sa Fit, kilala natin si Jordan Clarkson bilang shoot first-combo guard at ang pagkakaroon ng teammate kagaya ni Kobe Bryant o LeBron James sa kanyang kinabibilangan na team ay talagang kailangan nyang magadjust bilang ball dominant player to efficient spot up shooter. Kaya ang pagsali ni JC sa Utah Jazz ay masasabi na pwede siyang maging ball dominant player off the bench kung saan kailangan niyang umiscore kapag nagpapahinga ang dalawa nilang star players na sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

Pangalawa ay ang Pressure, kagaya ng nasabi ko kanina kapag may kakampi kang superstar na sina Kobe o LeBron ay kailangan mong magperform at tumulong sa team dahil ang mga superstars na ito ay demanding sa kanilang mga teammates kung saan malaki ang expectation ng fan base at management sa buong team na magkampeon kada season. Hindi naman natin sinasabi na hindi expected na magkampeon ang Utah Jazz every season pero ang pressure mula outside environment ay malaking negative factor din sa paglalaro ng isang basketball player.

Pangatlo ay ang Experience, siyempre bilang six year veteran sa NBA ay marami na siyang knowledge, experience at adjustment na nagawa para maimprove ang kanyang efficiency as a player. Minsan siyang naging full time starter sa Lakers na ngayoy mas efficient pa siya bilang sixth man ng Utah Jazz dahil mas aggresive siya off the bench kapag kalaban ang second five ng kabilang team.

Sa kanyang paglipat sa Jazz ay nakagawa siya ng dalawang history, una ay ang pagscore ng 37 points off the bench na pinamakataas na bench points na nagawa ng isang Jazz player in Franchise history since 1988. Pangalawa ay 33 plus/minus statistic ni Jordan Clarkson. Ibig sabihin nito ay ang point differential na naiaambag ni JC kung siya ay nasa loob o labas ng court at siya ang may highest plus/minus stat Jazz player sa playoffs since 2000.

Alam naman natin na malaki talaga ang potential nitong si Jordan Clarkson bilang scorer kung siya ay nasa tamang team at system na fit sa kanyang playing style. Sa tingin nyo ay matutuluyan ba nilang ma upset ang number 3 seed na Denver Nuggets? at sa tingin nyo na nasa Utah Jazz na si Clarkson ngayon, papayagan na kaya siya maglaro nito para sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup?

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support