John Riel Casimero Story

Ating kilalanin ang Quadro Alas ng Pinoy Boxing na si John Riel Casimero.

Bukod sa pangalang Manny Pacquiao, ang pinakamatunog na pangalan ngayon sa Pinoy boxing ay walang iba kundi si John Riel Casimero. Siya lang naman ang three division world champion na sasabak sa isang blockbuster fight kalaban ang The Monster ng Japan na si Naoya Inoue. Ngunit atin munang alamin ang mga pinagdaanan ni Quadro Alas bago makamit ang rurok ng tagumpay.

Si John Riel Casimero ay pinanganak noong February 13, 1990 sa Ormoc City, Leyte. Sa edad na disisyete anyos, pumasok na si Casimero sa professional boxingkalaban si Lobert Bayo noong June 3, 2007. Pagkaraan ng isang taon sa pro boxing ay nabigyan agad siya ng oportunidad na lumaban sa national at regional title belts kalaban si Rodel Quilaton at Thai boxer na si Veerapol kung saan nya nakuha ang mga titulong Filipino Flyweight title at WBO Asia Pacific Flyweight title.

Pagkaraan ng dalawang taon ay nagkaroon na siya ng record na 14wins at 0 lost at ang pagkakataon na maiharap sa kapwa contender ng WBO junior flyweight upang paglabanan ang Interim title. Ito ay ang laban kontra sa columbian boxer na si Cesar Canchila na ginanap sa Nicaragua noong December 19, 2009 kung saan na knockout nya ang kalaban sa 11th round para maging WBO interim junior flyweight champion.

Ngunit di nagtagal sa kanya ang interim title dahil pitong buwan palang ay naagaw na agad sa kanya ang titulo ng isang mexican boxer na nagngangalang Ramon Garcia Hirales kung saan nagresulta ang laban via split decision. Di naman nasayang ang paghawak ng interim title ni John Riel dahil ang sumunod na laban na binigay sa kanya ay ang kauna unahan nya world title fight ngunit kailangan nyang umakyat sa flyweight division para makalaban ang IBF champion na si Moruti Mthalane. Ang laban ay ginanap sa south africa noong March 26, 2011 kung saan umayaw sa laban si Casimero sa fifth round ng nilabas nya na ang mouthpiece dahil sa kakulangan sa hangin. May usapusapan na tatlong linggo lang pinaghandaan ni Casimero at kailangan nyang tapusin ang laban sa fifth round kung hindi mawawalan siya ng hangin sa dulo ng laban at idagdag mo pa ang pagkainjury ng kanyang siko sa laban.

Pagkaraan ng isang taon ay bumalik ulit si Casimero sa Junior flyweight division bilang contender ng IBF title ngunit kailangan nya munang kalabanin ang kapwa contender na si Luis Alberto Lazarte para sa isang interim title match. Ito ay ginanap sa Buenos Aires, Argentina sa harap ng home crowd ng kanyang kalaban kung saan nangyari ang isa sa pinakamalalang riot na nangyari sa isang pinoy boxer. Bago magsimula ang laban ay binantaan na ni Lazarte ang referee na hindi ito makakalabas ng buhay kung siya ay matatalo kaya malakas ang loob nito na gumawa ng mga cheap shots kontra kay casimero katulad ng pangangagat at pambabatok ngunit di nagpadaig ang pinoy boxer dahil binawian niya rin ang pangugulang ni lazarte katulad ng lowblow at pambabatok at sa loob ng ikasyam at ikasampung round ay napuruhan na ni John Riel ang Argentinian boxer upang ito ay tuluyang ma technical knockout. Ilang segundo lang ang nakalipas at nag riot na ang mga kababayan ni Lazarte kagaya ng kanyang sinabi sa referee at napilitang magtago ni Johnriel sa ilalim ng ring para pahupain ang galit ng mga argentinian at hintayin ang mga law enforcers sa kanilang bansa. Isa ito sa mga di makakalimutang laban ni John Riel dahil bukod sa riot ay kamamatay lang kanyang kapatid bago ganapin ang laban na ito.

Dahil sa kanyang pagkakapanalo ng interim title kontra kay Lazarte at sa pagkabigong madepensahan ng world champion na si Ulises Solis ang kanyang titulo ay tuluyang binigay sa kanya ng IBF ang Junior Flyweight world title noong July 19, 2012. Ngunit pagkaraan ng isang buwan ay kailangan nya agad ito depensahan sa mexican boxer na si Pedro Guevarra na ginanap agad noong August 4, 2012 at matagumpay naman nya itong nadepensahan na nagresulta sa isang split decision. Ito ang kanyang kauna unahang world title at nasundan pa ito ng dalawang title defense bago siya tuluyang umakyat ng flyweight division.

Sa pangalawang pagkakataon, ay sumabak ulit sa IBF Flyweight championship si Casimero kontra sa Thai Boxer na si Amnat Ruenroeng at sa pangalawang beses ay muling natalo si Casimero na nagresulta sa unanimous decision. Dahil sa hindi makapaniwala ang kampo ni Casimero sa resulta ng laban ay naghamon ito ng rematch at pinaghandaan ito ng isang taon para masigurado ang panalo sa pangalawang pagkakataon. Ang kanilang rematch ay ginanap sa Diamond Court, Beijing noong May 25, 2016 kung saan napabagsak nya ang champion sa 4th round sa pamamagitan ng body shot upang siya ay tanghaling two division world champion. Nagkaroon siya ng isang title defense para sa kanyang IBF title kontra sa british boxer na si Charlie Edwards kung saan naipanalo nya ito sa 10thround via TKO at isang taon pagkatapos ng laban na iyon ay matitikman ni Casimero ang kanyang pangapat na pagkatalo kontra sa kapwa pinoy boxer.

Ang labang John Riel Casimero at Jonas Sultan ay ginanap sa Waterfront Hotel sa Cebu City noong Septebember 16, 2017 para sa Pinoy Pride 42 kung saan natalo si Casimero via Unanimous Decision. Si Jonas Sultan ang kauna unahang pinoy na tumalo sa dalawang former world champions na si Sonny Boy Jaro at John Riel Casimero at muntikan pang maging masilat ang korona ni Jerwin Ancajas at maging pangatlo sa kanyang listahan. Dito nagsimulang malaos ang dating two division world champion na si Casimero at mawala sa rankings bilang contender ng major world titles.

Ginawang motivation ni Johnriel ang pagkatalo na iyon kung saan sampung buwan ang itinigil nya sa boxing bago lumaban ulit sa isang mexican boxer na si Jose Pech. Ito ay naganap noong July 21, 2018 sa Tijuana Mexico kung saan nagawa niyang patumbahin ang mexicano sa loob lang ng dalawang round. Ang sumunod na apat na laban ang muling bumuhay sa pangalan ni Johnriel Casimero sa mundo ng boxing at ito ay ginawa niya lang sa loob ng taong 2019.

Mula pebrero hanggang nobyembre ay nagkaroon siya ng apat na laban kung saan knockout lahat ang resulta ng laban kasama ang pagiging three division world champion. Simula kay Kenya Yamashita, Ricardo Espinoza Franco, Cesar Ramirez hanggang kay Zolani Tete ay pinakita nya ang resulta ng kanyang training kung saan nagimprove siya sa kanyang accuracy at knockout power.

Dahil sa apat na laban na iyon ay nagtrending ulit sa world boxing si John Riel Casimero kung saan agaran nyang binanggit ang pangalan ni Naoya Inoue pagkatapos ng kanyang laban kontra kay Zolani Tete para magkaroon ng isang unification bout sa Bantamweight division. April 25, 2020 naitakda ang laban para sa dalawang hari ng bantamweight division ngunit ito ay naaberya ng magkaroon ng pandemya sa buong mundo. Hanggang ngayon ay naghihintay nalang ng go signal si John Riel Casimero mula sa kampo ni Bob Arum at Naoya Inoue upang matuloy na ang pinakaabangan na laban sa mundo ng boxing ngayon.

Kakayanin kaya ni John Riel Casimero ang lakas ni Naoya Inoue? At kung manalo siya ay aakyat pa ba siya ng timbang para hirangin na pangapat na pinoy na naging four division world champion? Ito ang dapat nating abangan sa karera ni Casimero.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support