John Riel Casimero Story

Sino nga ba ang two time olympian na pinahalik sa lona ni John Riel Casimero? Para sa nalalapit na pakikipagbakbakan ni Quadro Alas nitong september 26, balikan muna natin ang ilang championship fights na pinagdaanan ni Casimero bago marating ang rurok ng tagumpay sa boxing. Ngayong araw, balikan natin ang dalawang laban ni John Riel kontra sa IBF flyweight champion na si Amnat Ruenroeng at bakit nga ba napalabas ang dila ni Casimero ng matalo niya ito sa pangalawang pagkakataon.

Si Amnat Ruenroeng ay isang thai boxer na minsang nakasabayan nina Harry Tañamor, Nordine Oubaali, McJoe Arroyo at Vasyl Lomachenko sa 2007 AIBA World Boxing Championship kung saan tinalo siya ng ating pambato na si Tañamor sa Light Flyweight division at magtapos bilang bronze medalist sa torneo. Bago siya lumipat sa professional boxing, nakalikom muna ito ng mga medalya sa SEA Games, AIBA World Championship, at Asian Games. Taong 2008 noong una siyang magqualify bilang olympian boxer at nang pinayagan ang mga pro boxer na maging olympian boxer noong 2016 rio olympics, kinuha niya ulit ang pagkakataon na makilahok ngunit muling nabigong makasungkit ng medalya para sa kanyang bansa.

Madako na tayo sa unang laban ni Casimero at Ruenroeng. Limang taon na ang nakakaraan, nang unang magkita ang kampeon na si Amnat RuenRoeng at ang challenger na si John Riel Casimero sa bangkok thailand para sa titulo ng IBF Flyweight championship. Itong titulo na ito ay nakuha ni Amnat nang kinalaban niya ang pinoy na si Rocky Fuentes para sa bakanteng titulo ng IBF Flyweight division isang taon bago ganapin ang laban niya kay Casimero. Sa video makikita ang mga pandaraya na ginagawa ng kampeon sa harap ng kanyang homecrowd na di nalalayo sa ginawa dati ni Luis Alberto Lazarte sa bansang Argentina walong taon na ang nakakaraan. Mapapansin na hindi ata boxing ang napuntahan ni John Riel kundi wrestling o MMA dahil sa ilang takedown ang ginawa sa kanya ngunit wala man lang warning o deduction ang pinataw sa hometown champion na nagtapos sa isang unanimous decision pabor kay ruenroeng. Gayunpaman, muling hinamon ni Casimero si Amnat para sa isang rematch ng IBF Flyweight championship na ginanap sa China para hindi nito magawa ang mga pangugulang na ginawa niya sa loob ng Thailand. Dito nagsimula ilabas ni Casimero ang angas niya na di niya magawa sa thailand dahil alam naman natin na may trauma pa si Casimero sa kuyog na nangyari sa kanya sa Argentina.

May 25, 2016, ginanap ang pangalawang laban sa Diamond Court sa Beijing ng undefeated champion na si Amnat Ruenroeng at Filipino challenger na si John Riel Casimero. Ito ang panganim na pagdepensa sa titulo ng IBF Flyweight champion na si ruenroeng at makikita na kahit nasa China na sila, pinagpapatuloy pa rin ni Amnat ang pagiging magulang na mas lalong nagpainit sa ating kababayan na si Casimero. Sa round 4, mas lalo pang nilabas ni Amnat ang kanyang mga dirty moves katulad ng head butt at pag takedown kay Casimero ngunit sa kagustuhan na laging makapang gulang ay nakalimutan na niya ang pagdepensa na nakita naman ni Casimero upang bigyan ito ng isang malupit na left hook kung saan napahalik na lamang sa lona si Amnat dahil sa bilis ng pangyayari. Sinundan pa ito ng left body shot makatapos ang ilang segundo na siyang nagpanalo kay Casimero sa pamamagitan ng knockout. Dito makikita ang paglabas ng dila ni Casimero kay Ruenroeng bilang ganti sa lahat ng mga pangugulang nito simula noong unang laban pa nila sa Thailand. Nakuha ni John Riel ang IBF Flyweight title bilang pangalawang division world title sa kanyang boxing career.

Tatlong buwan mula ng laban na iyon, sumali pa si Amnat para sa 2016 Rio Olympics ngunit nabigong makakuha ng medalya para sa kanyang bansa. Pagkatapos masira ang kanyang record, pinilit ipagsabay ni Ruenroeng ang Muay Thai at boxing ngunit panay talo lang ang kinalabasan at di na nanumbalik ang dati nyang kumpyansa nung siya ay kampeon pa sa flyweight division. Si Amnat Ruenroeng ay huling nakitang nakipaglaban nitong august 1, 2020 sa kanyang kababayan na si Rungvisai na nagresulta sa talo.

Marami ang nagsasabi na mayabang daw si Casimero dahil sa pinakita nitong paglalabas ng dila sa kalaban ngunit sa aking palagay, ito ay isang ekspresyon lamang matapos nyang bigyan ng hustisya ang lahat ng pangugulang ng kalaban at kung mapapansin mo, lahat ng championship fight ni Casimero ay puro sa hometown ng kalaban katulad ng south africa, argentina at thailand kung saan kailangan mo ilabas ang konting angas bilang challenger ng mga kampeon na to. Ito ang bago nating series na John Riel Casimero Trivia kung saan tatalakayin natin ang mga kontrobersyal na laban ni Quadro Alas bilang suporta sa nalalapit niyang laban at kung ikaw ay bago pa lamang sa ating channel ay siguraduhing nakasubscribe ka na para updated ka sa mga ilalabas nating video tungkol sa
Philippine Sports History.

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support