Hidilyn Diaz Update | Women Pro League, Aprubado Na | WNBL Draft

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, ngayong araw paguusapan natin ang kauna unahang women’s pro basketball league, at ano na nga ba ang balita kay Hidilyn Diaz?

Naglabas ng libro ang 2016 Rio Olympics Silver medalist na si Hidilyn Diaz tungkol sa kanyang weightlifting journey upang makapagbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng Philippine weightlifters. Ayon sa kanyang instagram post, isa ito sa kanyang mga WHY’s sa buhay at kung bakit siya nananatiling inspirado sa kabila ng pandemya na nagpaurong sa nakatakdang 2020 Tokyo Olympics na ginanap na sana noong nakaraang buwan.

Matapos ang limang Olympic Qualifying Tournament at pagiging gold medalist sa kakatapos lang na 2020 Roma World Cup, nagaabang pa rin ang olympian medalist sa mga susunod ng olympic qualifiers dahil hindi pa siya opisyal na pasok para sa Tokyo 2020. Ayon sa interview ng Manila bulletin, wala pa ring idea kung paano siya makakasali sa mga qualifiers dahil sa strict protocols ng bawat bansa ngunit ikinatitiyak niya na dapat siya makalaro hanggang april 30 2021 dahil yun ang itinakdang deadline para makapasok siya sa olympics. Si Hidilyn Diaz ay nananatili pa rin sa Kuala Lumpur kasama ang Team HD na pinamumunuan ng kanyang coach na si Kaiwen Gao.

Ang kanyang librong Ginto’t Pilak na nagawa sa tulong ni Eugene Evasco, Noel Ferrer at Tristan Yuvienco ay isang children’s book para sa kanyang adbokasiya na ikalat ang kamalayan tungkol sa weightlifting at makatagpo ng susunod na atleta na mas hihigitan pa ang natamo niya sa mundo ng palakasan. Ilan sa mga mababasa sa libro ay ang mga katagang “Sa patuloy na pagsisikap at pagtitiyaga, pinatunayan ni Hidilyn na hindi lamang maaring magbuhat ng mabigat ang mga babae, maaari rin silang manalo ng mga medalyang ginto at pilak”

Madako naman tayo sa kauna unahang women’s pro basketball league ng Pilipinas na WNBL o Womens National Basketball League. Nitong August 26, inaprubahan ng Games and Amusements Board ang NBL at WNBL na maging professional leagues sa Pilipinas. Ang WNBL ay naitatag noong April 7, 2019 sa pangunguna ng presidente nito na si Celso Mercado at commissioner Bujoy Magno. Bago pa sila maging lehitimong propesyonal na liga, nagkaroon na ito ng unang kampeon na PSI Lady Air defenders nang talunin nila ang Taguig Lady Generals para sa ikauna nilang season.

Ikinatuwa naman ng ilang Gilas Pilipinas women stars ang pagkakaroon ng sariling ligang propesyonal na maaaring magbukas ng malaking oportunidad para mapalawak ang womens basketball sa Pilipinas. Ayon kay Bea Daez-Fabros, napapanahon na para sa mga kababaihan na magkaroon ng sariling liga na matagal na nilang pinapangarap. Ayon naman sa Gilas Center na si Jack Danielle Animam, nagpapasalamat siya sa social at traditional media na siyang nagbigay ng exposure sa women’s basketball sa Pilipinas. Ayon naman sa three time UAAP MVP na si Afril Bernardino, kelangan niya na muling bumalik sa pageensayo matapos nilang magkampeon sa 2019 South East Asian Games.

Nitong darating na October 30, gaganapin ang kauna unahang WNBL virtual draft matapos magsumite ang higit sa tatlong daang draft participants na kanilang sasalain sa unang linggo ng oktubre at magtatalaga din ng tatlong araw para sa draft combine na magsisimula nitong october 20. Ang deadline ng submission para sa mga gusto sumali sa WNBL Draft ay hanggang september 30 lamang at ineexpect naman ng NBL executive vice president na si Rhose Montreal ang pagkakaroon ng sampu hanggang labing dalawang teams na makilahok para sa WNBL draft.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support