Sino nga ba si Gabriel Flash Elorde? Ginamit nya ba ang Balintawak Eskrima sa Boxing? Sya ba ang unang Boxing Hall of Famer mula sa Asya? Ito ang pangatlong episode sa ating series na Forgotten Filipino Athletes. Sa series na ito ay paguusapan natin ang mga nakalimutang atleta sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sino nga ba si Gabriel Flash Elorde? Siya ay isang former Filipino Boxer at former Super Featherweight Champion noong 1960s. Siya ay pinanganak sa Bogo, Cebu noong March 25, 1935. Siya ang bunso sa kinseng magkakapatid kung saan nakaabot lang sya ng Grade 3 sa elementary dahil sa matinding kahirapan

Nagtrabaho sya bilang carpintero at tagaayos ng mga bowling ball bago sya tuluyang magkainterest sa paglalaro ng boksing. Siya ay naimpluwensyahan ng isang kaibigan na isang former professional boxer na si Lucio Laborte. Siya ay nagsimulang maging professional boxer noong June 16, 1951. Sa edad na disi sais anyos kalaba ang kapwa pilipino na si Kid Gonzaga. Nakitaan ng malaking potensyal agad tong si Elorde dahil isang taon at apat na buwan mula ng kanyang boxing debut ay nilaban agad ito para sa isang regional championship fight sa OPBF bantamweight division.

Pero bago yan, Saan nga ba nakuha ni Gabriel Elorde ang kanyang potensyal sa boxing? Siya pala ay anak ng isang Eskrima Champion mula sa Cebu na kuntawagin ay si “Tatang” Elorde. Nagpaturo sya sa kanyang ama kung paano ba ang Balintawak Eskrima kung saan ay inadapt nya ito sa paglalaro ng boksing na naging advantage nya sa loob ng ring. Dito sya tinaguriang “The Flash” dahil sa kanyang elite footwork at hand speed na isa sa mga pioneer ng ng outboxer style sa boxing na ginaya din ng kanyang kaibigan na si Muhammad Ali.

Kung naging madali kay Flash Elorde ang pagiging Regional Champion ay naging mahirap naman ang kanyang landas bago maging world champion. Apat na taon pagkatapos ng kanyang unang regional title beltay nagkaroon sya ng world championship fight para sa featherweight title laban kay Sandy Saddler. ito ay isang rematch pagkatapos nyang talunin ito sa Rizal Memorial Sports Complex nung July 20, 1955. Ang kanyang unang world title fight ay ginanap sa Cow Place, California noong January 18, 1956 kung saan sya ay natalo via Technical Knockout dahil itinigil na ng referee ang laban dahil sa malalang cut nito sa kilay.

Pagkatapos ng laban na iyon ay apat na taon ulit ang binilang para sa kanyang pangalawang world title fight para sa Lineal Super featherweight Championship kontra kay Harold Gomes. Ito ay ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City
noong March 16, 1960 kung saan sya ay nanalo via 7th Round Knockout. Ito ang kanyang unang world championship belt at dito nagsimula ang kanyang pagiging longest reigning champion sa Super Featherweight division.

Ito ay nadepensahan nya ng apat na beses bago sya nagkaroon ng opportunidad para maging unified champion dahil noong 1963 palang nagsimula na lagyan ng major world title belts na WBA at WBC ang super featherweight division. Ito ay kanyang nakuha pagkatapos nyang talunin ang kanyang contender na si Johnny Bizzaro noong February 16, 1963 na ginanap dito sa Maynila

Hindi makakaila na sya ang undisputed champion ng kanyang division dahil lahat ng major title belts na WBA, WBC, The Ring at Lineal titles ay nasa kanya na at dahil walang makatalo sa kanya sa kanyang division ay sinubukan nitong hamunin ang unified champion ng lightweight division na si Carlos Ortiz. Sila ay unang nagkita sa Rizal Memorial Sports Complex noong February 15, 1964 kung saan sya ay natalo via technical knockout sa 14th round

Dalawang taon mula ng laban na iyon ay naganap ulit ang kanilang rematch sa Madison Square Garden noong November 28, 1966 para sa parehong belts na hawak ni Carlos Ortiz. Muli, sya ay nabigo para maging unified champion ng dalawang division at limang buwan mula ng rematch na iyon ay natapos na ang kanyang paghahari sa Super featherweight division sa pagkatalo nya kay Yoshiaki Numata. Dito nagsimula ang pagbagsak ng kanyang boxing career at tuluyang nagretiro noong 1971 sa edad na trenta isais

Ano nga ba ang nangyari kay Gabriel “Flash” Elorde pagkatapos ng kanyang boxing career? Pagkatapos ng boxing ay nanatili paring sikat si Elorde para sa mga Pilipino dahil sya ay naging endorser ng San Miguel Beer at naging no.1 Filipino advertisement of all time pa nga ang kanilang commercial na “Isang Platitong Mani” kung saan kasama nya si Rico J Puno at Bert “Tawa” Marcelo. Siya rin ay nakilahok sa showbiz at naging parte ng anim na pelikula kung saan naging katrabaho pa nya si FPJ at Dolphy para sa pelikulang Mano-Mano.

Siya ay ang unang Asyano na naging hall of famer sa international boxing hall of fame noong 1993 dahil una lang sya ng isang taon ininduct kay Pancho Villa ng organizational body pero kung mapapansin nyo sa nakaraang video natin kay Ceferino Garcia ehh hall of famer pa nga si Garcia sa dalawang boxing hall of fame. Ito ay dahil dinisband na ang the ring magazine hall of fame noong 1987 at pinaltan ng international boxing hall of fame at hindi nila niretain ang mga inductees mula sa the ring magazine

Sa mga di nakakaalam, ang asawa nyang si Laura Elorde ay anak ng international boxing hall of fame promoter na si Lope Papa Sarreal dahil ito rin ang naging daan para sila ay magkakilala dahil boxer ni Papa Sarreal si Flash Elorde noon. Ito rin ang naging dahilan para ipagpatuloy ng kanilang henerasyon ang pagiging related nito sa boxing kung saan ang pitong anak nila ay naging boxing promoters, boxers, at boxing business owners

Si Flash Elorde ay maagang namayapa dahil sa sakit na lung cancer, siya ay namatay noong January 2, 1985 sa edad na korenta inwebe. Dalawang taon bago sya mamatay ay ipinangalan sa kanya ang Elorde Sports Center sa layuning maghubog pa ng mga future potential boxers para sa Pilipinas.

Nang namatay si Flash Elorde ay pinagpatuloy ni Laura Elorde ang kanilang layunin na maging boxing promoter sa Pilipinas kung saan pinromote nila ang mga boxing champions na sina Rolando Bohol, Luisito Espinosa, Gerry at Dodie Boy Penalosa at si Morris East.

Masasabing hindi Forgotten Filipino Athlete si Gabriel Flash Elorde dahil ito ay naging isa sa pinakamalaking brand name sa philippinesports history. Siya ay nakalimutan dahil sa maaga itong namayapa para maabutan ng mga bagong henerasyon kung sino nga ba si Flash Elorde? Bago natin tapusin itong video ay may isshare akong prediction mula sa dating presidente na si Ferdinand Marcos

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support