Efren Bata Reyes Story

Sino nga ba si Efren “Bata” Reyes? Bakit ba sya tinaguriang “The Magician”? Siya nga ba ang the greatest billiard player of all time? Sino nga ba si Efren “Bata” Reyes?

Si Efren “Bata” Reyes ay Angeles City, Pampanga noong August 26, 1954. Ang kanyang ama ay isang barbero habang ang kanyang ina naman ay nagtitinda sa palengke. Dahil siyam sila na magkakapatid ay napilitang ipadala muna siya sa maynila para tumulong sa kanyang tiyuhin noong limang taong gulang sya. Sa murang edad ay naging tagapangalaga na sya ng bilyaran kung saan nagsimula ang kanyang interest sa paglalaro ng biylar

Sa hilig nitong magbilyar nung kabataan ay pinipilit nyang makapaglaro gamit ang pinagpatong patong na case ng softdrinks para maabot ang billiard table at kadalasang nakakatulog na sa table dahil ang oras nya lang para makapaglaro ay sa gabi at madaling araw. Dito sya namulat sa pagsusugal gamit ang bilyar kung saan siya ay tinaguriang Efren “bata” dahil nagkataong meron naring Efren sa kanilang lugar kung saan sila nagbibilyar

Kahit teenager palang sya Noong 1960s hanggang 1970s ay naging hanap buhay nya na ang pagbibilyar. Sa edad na dose ay nilalampaso na nya ang lahat ng bilyard players sa maynila kaya nagsimula itong umikot sa buong pilipinas dahil nauubusan na sya ng makakatunggali para sa pustahan.

Hanggang sya ay madiscover ng malalaking promoter para isali sa mga bigtime billiard tournaments. Dito sya nakilala sa national billiards, kung saan napili sya bilang representative ng Team Philippines noong 1978 kasama ang mga beterano sa billiards na si Jose Parica, Rodolfo Luat, Jorge Dacer at Manuel Flores

Noong 1980s kung saan ay 20s to 30s palang sya noon ay considered as no.1 player na sya para sa pilipinas. Matunog na ang kanyang pangalan noon sa mundo ng bilyar pero hindi pa sya nakikita ng mga taga kanluran kung sino ba talaga si Efren “Bata” Reyes. Dito ay nakatagpo sya ng isang pilipino na naging padrino nya sa kanyang mga lakadsa Amerika. Nagpanggap syang Mehikano sa pangalang Cesar Morales sa amerika para hindi sya matunugan na sya na pala si Efren “Bata” Reyes. Isa sa pinakamalaking kinita nya bilang billiard hustler sa isang torneo ay $80,000 kung saan pinangakuan sya ng kanyang padrino na babahagian sya ng 50% ngunit sya ay ginulangan nito at hindi man lang nabigyan ni isang kusing

Sa mga di nakakaalam, ay marami rami ang umabuso sa kabaitan ni Efren Bata Reyes na ginamit lang sya para pagkakitaan ng mga padrino o sponsor na nangakong babahagian ang ating billiard legend hanggang nakatagpo si Efren ng unang matinong promoters na sina Jose at Aristeo Puyat na mayari ng puyat sports.

Dito sya nabigyan ng malalaking tournaments sa loob at labas ng bansa at nagsimula na nga ang kasikatan nya noong 1994 US Open Nine Ball Championship ng tinalo nya ang american billiard legend na si Nick Varner. Siya rin ang kauna unahang non american na nanalo sa US Open nine ball championship. Pero bago yan, bakit nga ba sya tinaguriang “The Magician”? Ito ay dahil sa mga trick shot na sya lang ang nakaisip at mistulang tsamba sa tingin ng marami. Umaacting sya na parang naka tsamba lang sa kanyang tira ngunit ang totoo ay ilang beses nya napagpraktisahan ang kanyang mga tira

Dalawang taon matapos nyang talunin si Nick Varner ay tinalo naman nya si Earl the Pearl Strickland sa event na Color of Money noong 1996. Siya ang unang player na nanalo ng parehong WPA nine-ball at WPA eight-ball World championships. Naging champion din sya ng ilang beses sa Billiard doubles kasama ang kapwa Filipino legend na si Django Bustamante. Una ay noong 2006 pagkatapos nila talunin ang Team USA na sina Earl Strickland at Rodney Morris. Pangalawa ay noong 2009 ng tinalo naman nila ang Team Germany na sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann

Hindi ko na iisa isahin ang mga titulong napanalunan ni Efren pero mahigit 100 titles and championships na ang kanyang napanalunan mula noong 1985 hanggang ngayong 2020. Siya ang unang asyano na naging inductee ng Billiard Congress of America Hall of Fame. Maraming Amerikano na mismo ang nagsasabi na si Efren “Bata” Reyes na nga ang greatest pool player of all time at isang malaking statement dito ay ang pagtalo nya sa mga top 10 greatest billiard players na sina Earl Strickland Mika Immonen, Johnny Archer at Mike Sigel.

Hanggang ngayon sa edad ng sisenta isingko ay patuloy parin ang pagbibilyar ni Efren “Bata” Reyes at ang latest na natunghayan natin sya maglaro ay 2019 SEA Games kung saan sya nanalo ng bronze medal. Kahit marami na ang nagsasabi na sya ang greatest billiard player of all time, ay nanatili parin syang humble at down to earth na tao sa kabila ng lahat ng napagtagumpayan nito. Dahil dito ay maraming nakakalimot sa mga naggawa ni Efren Bata Reyes para sa karangalan ng ating bansa sa mundo ng Bilyar. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only The Magician ng Philippine Sports History.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support