Filipino Celebrity Athletes

Sinu sino nga ba ang mga pinoy celebrities na di mo aakalaing mga atleta pala noon. Ating talakayin ang sampung artista na nagsimula bilang atleta sa kani kanilang paaralang at minsang nirepresenta ang Pilipinas bilang parte ng Philippine national team.

Unahin natin ang kapatid ni Bossing na si Tito Sen. Alam nyo ba na si senator Vicente Sotto the third o mas kilala bilang Tito Sotto ay naging parte pala ng Philippine National team for bowling? Ayon sa kanyang resume na nakalahad sa senate website, si Tito sen ay naging international Gold Medalist for Ten Pin Bowling, 7-time national team member ng Philippine Bowling Congress at 2-time World Cupper noong 1978 at 1984. Bukod sa bowling ay kilala din si senate president bilang isang avid golfer.

Pangalawa sa ating listahan ay ang pinsan ni Kris Aquino at dating presidente Noynoy Aquino na si Mikee Cojuangco Jaworski. Alam nyo ba na si Mikaela Cojuangco Jaworski na kilala bilang leading actress sa mga pelikulang Doremi at Manalo Matalo, Mahal Kita ay isa palang equestrian? Siya pala ay Gold at silver medalist ng 2002 Asian Games at nagwagi din bilang Gold Medalist sa 2005 South East Asian Games. Siya ay anak ng dating congressman at presidente ng philippine olympic committee na si Peping Cojuangco kung saan niya namana ang pagiging mahilig nito sa sports. Dahil din sa kanyang ama ay naging aktibo din siya sa ibat ibang sports organizations at nitong taong 2020 ay naabot niya ang pagiging Executive board ng prestihiyosong organisasyon na International Olympic Committee.

Pangatlo sa ating listahan ay si Enchong Dee. Alam nyo ba na si Ernesto Lorenzo Dee na kilala bilang leading man at dating loveteam ni Erich Gonzales ay naging miyembro pala ng Philippine national team for swimming? Simula labing pitong gulang, nirerepresenta na ni Enchong Dee ang Pilipinas sa SEA Games at Asian Games bago ito tuluyang magretiro noong 2010 sa edad na bente uno anyos para magfocus sa kanyang showbiz career. Siya ay nadiscover bilang De La Salle University swimmer kung saan nabigyan niya ito ng pitong gold medals noong 72nd season ng UAAP.

Pangapat naman ay ang 80s hearthrob na si Goma. Alam nyo ba na bago pa madiscover si Richard Gomez ay isa siyang varsity basketball player ng kanyang paaralan Polytechnic University of the Philippines? Simula 1989 hanggang 2014 ay naging aktibo si Goma sa pagrepresenta ng Pilipinas sa ibat ibang sports category katulad ng Boat Racing, Volleyball at Fencing. Binigyan niya ng karangalan ang Pilipinas nung siya ay manalo ng gintong medalya para sa Fencing noong 2005 South East Asian Games.

Panglima ay ang sikat na TV host na si Christine Jacob. Alam niyo ba na si Christine Jacob-sandejas ay isang Olympian swimmer? Ito ay nangyari noong 1984 Summer Olympics pagkatapos niyang manalo ng dalawang gold medal noong 1983 SEA Games para sa 100m at 200m backstroke. Nakilala siya bilang co-host ng Eat Bulaga, Magandang Tanghali Bayan at Full Time Moms.

Panganim ay ang dating action star na si Monsour Del Rosario. Alam nyo ba na si Manuel Monsour Del Rosario the third ay kilalang Taekwondo champion? Siya ay nahirang bilang eight time national lightweight taekwondo champion noong 1980s at simula 1982 hanggang 1989 ay nirerepresenta na niya ang Pilipinas sa ibat ibang international games katulad ng SEA Games, Asian Games, World Taekwondo Championships at pati na rin ang olympics. Siya ay parte ng 1988 Seoul Olympics kung saan unang hinayag na ang Taekwondo ay isa ng olympic sport. Nakalikom naman ito ng dalawang bronze medal para sa 1985 World Taekwondo Championships at 1986 Asian Games. Si Monsour ay naging parte ng higit sa korentang mga pelikula katulad ng Buhawi Jack, Bangis, at Pintado. Tinahak niya din ang pagiging politiko nung siya ay manalo bilang congressman ng 1st district of makati noong 2016.

Pangpito ay ang model-actor na si Derek Ramsay? Alam nyo ba na si Derek Arthur Ramsay Jr ay naging miyembro ng Philippine national team for frisbee? Ito ay nangyari noong 2012 World Ultimate and Guts Championship kung saan napabilang pa siya bilang ikasyam na top scorer ng torneo. Sa kasalukuyan ay aktibo parin sa sport si Derek bilang head ambassador ng Philippine national beach football team at muntikang mapasama pa noong 2013 FIFA Beach Soccer World Cup asian qualifiers kung hindi lang sa commitment niya noon sa TV5 para sa kanyang palabas na Kidlat. Siya ay sumikat sa takilya nung siya ay mapabilang sa mga pelikula na I Love You, Goodbye, Praybey Benjamin at No Other Woman.

Pangwalo ay ang batikang kontrabida na si Romy Diaz. Alam niyo ba na si Jose Romeo Diaz ay nakapaglaro noon sa MICAA? Siya pala ay naging parte ng Crispa Redmanizers at Ysmael Steel Admirals noong 1960s. Siya ay kilalang manlalaro ng kanyang paaralan na Far Eastern University kung saan nagaaverage pa siya noon ng 25 points per game. Ang kanyang kapatid na si Paquito Diaz ay minsan ding naging collegiate player ng ateneo blue eagles at dahil sa kanilang husay sa basketball, kinuha sila ni FPJ sa kanyang kupunan na FPJ Basketball team taong 1967. Kilala ang magkapatid na Romy at Paquito Diaz bilang primera kontrabida sa mga pelikula ng action-king na si FPJ.

Pangsiyam sa ating listahan ay ang celebrity chef na si Gene Gonzalez. Si Chef Gene pala ay miyembro ng Philippine national team for fencing. Simula 1987, nirerepresenta na niya ang Pilipinas para sa international fencing tournaments at nakalikom rin ito ng apat ng medalya mula sa South East Asian Games bago ito tuluyang magretiro noong 1995 sa edad na trenta isyente anyos. Bukod sa fencing, si Chef Gene ay isa ring karate sixth degree black belter at minsang naging karate instructor sa kanyang alma mater na De La Salle University. Si Chef Gene ang may ari ng restaurant na Cafe Ysabel at author ng culinary history book na Cocina Sulipena.

Pangsampu at ang panghuli sa ating listahan ay si Angel Locsin. Alam nyo ba na si Angelica Locsin Colmenares ay minsang naging miyembro ng Philippine national team sa Swimming. Ito ay ayon sa esquirmag na nagsasabi na si Angel Locsin ang dating parte ng UST high school swimming team kung saan minsan nyang hinawakan ang NCR swimming record for breastroke. Ang kanyang talento sa swimming ay kanya namang namana sa kanyang ama na si Angelo Colmenares na dating Asian Games bronze medallist noong 1954. Kung hindi maagang nadiscover noon sa showbiz itong si Angel ay maaaring naging parte pa sya ilang South East Asian Games para sa swimming. Si Angel Locsin ay nakilala bilang leading actress sa mga palabas na Mulawin, Darna at Lobo.

Ito ang mga artista na di mo akalain na mga atleta pala noong araw. Kung may nakaligtaan ako na artista na dating atleta rin pala at kung gusto nyo pa na maglabas ako ng part 2 ng pinoy showbiz athletes ay maaari ninyong icomment sa ibaba at doon natin pagusapan.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support