Danding Cojuangco Bilang Philippine Sports Patron | Basketball Godfather

Sino nga ba si Danding Cojuangco sa mundo ng sports sa Pilipinas?

Pagusapan natin ang naging ambag ng dating businessman at politician sa paglago ng sports sa Pilipinas lalo na sa larangan ng basketball. Siya ay kilala bilang dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation at bilang pinsan ng dating pangulo Corazon Aquino. Naging malapit din siya sa dating pangulo Ferdinand Marcos at dahil dito, siya ang ginawang project director for basketball sa Pilipinas noong panahon ng martial law. Simula 1980 ay nainvolve na sya sa Philippine basketball sa pagbuo ng all amateur team para irepresenta ang Pilipinas sa mga international competition kagaya ng SEA Games, William Jones Cup, at ABC Championship o tinatawag ngayon na FIBA Asia. Ang kanyang kupunan ay tinawag na Northern Cement Basketball team o NCC basketball team na pinamumunuan ng dating american college coach na si Ron Jacobs.

Kung pamilyar kayo sa dating ruling ng FIBA nung 1980s ay puro amateur players lang ang pinapayagan makilahok para sa torneyo dahil ang totoong ibig sabihin ng FIBA ay Federation Internationale de Basketball Amateur. Dahil sa pagsunod sa patakaran ng international basketball ay napilitang bumuo ng all amateur team ng Pilipinas na binubuo ng walong naturalized players, dalawang Fil-am players, at dalawang local players bilang pangunahing roster nito noong 1981. Ang NCC squad ay tumagal lamang ng pitong taon bilang representative ng Philippine basketball mula 1980 hanggang 1986 kung saan minsan napasama ang ibang PBA legends na si Ricardo Brown, Allan Caidic, Hector Calma, Jerry Codiñera, Rey Cuenco, Yves Dignadice, Al Solis at Samboy Lim.

Ang pagkakabuwag ng NCC Basketball team ay kasabay ng pagbagsak ng marcos government dahil binasura na ng BAP o basketball association of the Philippines ang proyekto ni Danding Cojuangco at pagiging project director ng basketball nito sa Pilipinas. Dahil dito, ang mga players ng NCC ay nalipat sa PBA team ni Mr. Cojuangco na San Miguel Beermen upang bumuo ng all star team kasama ang El Presidente ng Philippine basketball na si Ramon Fernandez. Noong 1989 PBA season ay nagbunga na nga ang investment mula sa NCC squad para magtala ng Grandslam season na pinamumunuan ng head coach na si Norman Black.

Ang impluwensya ni Danding Cojuangco ay hindi lang para sa San Miguel beermen dahil ang mga sister teams nito na Barangay Ginebra at Purefoods franchise ay hawak din ng kanyang kumpanya. Ang Ginebra franchise ay pinasikat ni Robert Jaworski habang ang Purefoods franchise naman ay pinasikat ni Alvin Patrimonio.

Ang kanyang tatlong kupunan ang may pinakamalaking fan base sa PBA bukod sa Crispa-Toyota rivalry at dahil dito ay lalong lumawak ang popularity ni Danding bilang sports patron at sa mga di nakakaalam ay naging backer at chief patron din sya ng kanyang alma mater na De La Salle University simula noong 2010 na nagtapos din noong 2019. Pero bago sya lumisan bilang financial supporter nito ay natulungan nya ito manalo ng dalawang kampyunato noong 76 at 79 UAAP season.

Kung mapapansin nyo ay sinusundan ni Manny Pangilinan ang mga yapak ni Danding Cojuangco bilang sports patron ng Philippine basketball. Simula sa pagtatayo ng Gilas Pilipinas mula sa konsepto ng NCC basketball team, at sa pagkakaroon din nito ng tatlong team sa PBA na Meralco, NLEX at Talk N Text.

Nitong nakaraang dekada ay di na napapansin si Boss Danding sa mga laro ng kanyang PBA teams dahil pinasa nya na ang paghahandle nito sa SMC President na si Ramon Ang. Sa kabuuan ay nakalikom ang kanyang mga kupunan ng higit sa singkwentang championship trophies mula sa PBA, 6 gold medals mula sa NCC squad, at dalawang UAAP championship para sa De La Salle Green Archers.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa nagiisang Danding ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support