Crispa - Toyota Rivalry | Golden Age of PBA | The First Phenomenon

Paano nga ba nagsimula ang Crispa – Toyota Rivalry? At anu ano nga ba ang memorable moments na nangyari sa pagitan ng dalawang kupunan?

The Making of Crispa Franchise.

Unahin natin ipakilala ang Crispa Redmanizers at kung paano sila nakabuo ng all-star team. Ang Crispa Redmanizers basketball team ay naitayo noong 1956 ng isang businessman na si Valeriano “Danny” Floro. Ito ay naging parte ng MICAA o Manila Industrial and Commercial Athletic Association simula ng kanilang pagkakatayo bago tuluyang lumipat sa PBA noong 1975. Sa first 15 years nila sa MICAA ay nahirapan silang makipag kompitensya sa mga powerhouse team na YSMAEL at YCO Painters bago sila nagkaroon ng star players noong 1970 na pinamumunuan ni Danny Florencio, Jun Papa at Bogs Adornado. Dahil dito ay nagkaroon sila ng back to back championship sa MICAA noong 1970 at 1971 bago sila matalo ng Meralco Reddy Kilowatts sa pamumuno ni Robert Jaworski. Dito unang nagsimula ang crispa toyota rivalry, dahil sa MICAA palang meron ng Crispa-Meralco rivalry bago tuluyang madisband ang Meralco at lumipat ang mga players nito sa Toyota Comets.

Nung 1973, nagkaroon ng game-fixing scandal mula sa mga players ng Crispa Redmanizers na sina Jun Papa, Danny Florencio, Rudolph Kutch, Reynaldo Alcantara, Virgilio Abarrientos at Ernesto De Leon. Ang apat sa kanilang first five lineup ay napatawan ng lifetime ban maliban lang kay Bogs Adornado at dahil dito ay nagpasya ang Crispa management na kumuha ng mga players mula sa kolehiyo. Hindi pa uso noon ang draft, kaya direct hiring ang nagawa nila sa mga college superstars na sina Atoy Co ng Mapua, Abet Guidaben ng San Jose Recoletos, at Philip Cezar ng Jose Rizal College. Kumuha rin sila mula sa RP youth team na dating pinanggalingan ni Bogs Adornado, na sina Bernie Fabiosa at Fredd ie Hubalde. Naging advantage ng Redmanizers ang pagiging college coach ni Baby Dalupan para magscout ng mga star players mula sa mga kolehiyo dahil minsang pinagsabay nya rin icoach ang UE Red Warriors at Crispa Redmanizers.

Bago tuluyang lumipat ang Crispa sa PBA ay nagclick na ang kanilang star-studded lineup nang manalo sila sa 1974 MICAA All FIlipino cup laban sa defending champion na Toyota Comets. Nanalo sila ng 2-0 sa best of three series at ito ang unang pagkikita ng Crispa-Toyota sa Finals kung saan pinagpatuloy nila ito ng lumipat na sila sa PBA.

The Making of Toyota Franchise

Pero bago tayo mapunta sa PBA, ay ipakilala muna natin kung paano nabuo ang Toyota Franchise at ang kanilang big three na Arnaiz, Fernandez at Jaworski. Maraming naging pangalan ang Toyota Franchise, mula Komatsu Komets na naging Toyota Comets, Tamaraws, Super Diesels, Super Corollas at Silver Coronas. Ito ay naitayo noong 1973 ng isang businessman at former congressman na si Ricardo Silverio Sr. Siya ay naging malapit sa former President Ferdinand Marcos na siya ring naglift ng ban para kay Robert Jaworski at Big Boy Reynoso para makapaglaro ulit ng commercial basketball sa Pilipinas. Ito ang naging advantage ni Silverio para ihire ang newly reinstated na si Jaworski at Reynoso sa bago nitong MICAA team kung saan nanalo sila agad ng 1973 MICAA championship laban sa Concepcion Motorolas.

Kagaya ng nasabi ko kanina, bago pa magkaroon ng crispa-toyota rivalry ay meron ng crispa-meralco rivalry dahil ang core players ng meralco ay nalipat sa Toyota Comets. Nadisband ang Meralco pagkatapos ng kontrobersyal na insidente na ginawa ni Jaworski at Reynoso sa mga referee na si Eriberto Cruz at Jose Obias. Pero alam nyo ba kung sino ang kalaban ng Meralco doon sa insidente na iyon? Ito ay ang Crispa Redmanizers kung saan lamang sila ng 15points sa score na 65 to 50, ito ay naganap noong 1971. Kung maikokonek natin ang nasabi ko kanina na game fixing scandal mula sa Crispa Redmanizers at ang insidente ng Meralco kontra sa Crispa, marahil noong 1971 pa nagsimula ang kanilang kalakaran na kasabwat ang game officials. Ito ay base sa aking obserbasyon lamang.

Nabuo ang big three ng Toyota nang lumipat si Francis Arnaiz mula sa 1year tenure nya sa U/Tex Wranglers pagkatapos madisband ng Meralco. After naman ng rookie season ni Ramon Fernandez sa San Miguel Braves ay lumipat na rin siya sa Toyota upang bumuo ng team na tatapat sa powerhouse lineup ng Crispa Redmanizers.

Toyota-Crispa Memorable Moments

May 10, 1975 ang araw na unang pagkikita ng Crispa Redmanizers at Toyota Comets sa PBA. Saksi ang 11,000 na katao sa high scoring game sa pagitan ng dalawang powerhouse teams na nagtala ng 139 to 133 pabor sa Crispa Redmanizers. Wala pang three point line nung mga panahon na yun at di pa uso ang mga term na high tempo offense ay matagal ng ginagawa ng parehong kupunan un sa PBA para maging sulit ang panonood ng mga basketball fans sa pagbubukas ng PBA. Pero bago matapos ang kanilang unang pagkikita, ay nagsimula rin ang una nilang bakbakan sa loob ng hard court. Tatlong segundo bago matapos ang laro at tanghaling panalo ang Redmanizers, ay nageskandalo naman ang toyota player na si Oscar Rocha na suntukin ang Redmanizer player na si Bernie Fabiosa. Siya ay pinatawan ng one month suspension at fine na 500 pesos dahil sa insidente.r

Sa unang dalawang taon ng PBA ay nagsagupa ang dalawang kupunan para sa anim na sunud sunod na conference championships. Sa unang taon nga ng PBA ay nag back to back conference champions agad ang Toyota Comets at muntikan pa maging first grandslam champion ng PBA kung hindi lang sila tinalo ng Crispa para sa All-Philippine cup. Muntikan pa nga ma sweep sa Finals ang Toyota noon dahil ang dalawang panalo nito sa Crispa ay nagtala lamang ng tig dalawang puntos na kalamangan. Sa Game 5 do or die game ay dikit ang naging laban na nagtapos sa score na 96 to 91. Nanalo ang Crispa Redmanizers, pero bago matapos ang game ay hindi hinayaan ng Toyota na magtapos ang series na walang gulo na mangyayari. Alam nila na nadomina sila sa buong finals at alam din nila na hindi na nila makukuha ang kauna unahang grandslam title para sa unang taon ng PBA. Dahil sa riot na nangyari, ay naglabas nalang sila ng apat na players sa nalalabing trenta segundos sa laro. Nawalan na sila ng pagasang humabol dahil noong mga panahon na iyon ay wala pang three points para ihabol ang limang puntos sa loob ng 30 seconds.

Mula sa kanilang unang pagkakapanalo sa finals ay nagsimula na rin ang kanilang six straight PBA Championship Titles para sa kupunan ng Crispa Redmanizers. Sa loob noon ay nagtala sila ng kauna unahang Grandslam title sa pangalawang taon na pagkakatayo ng PBA. At sa unang tatlong taon ng PBA ay puro Crispa Redmanizers ang naging MVP na sina Bogs Adornado para sa 1975 at 1976 season at si Freddie Hubalde para sa 1977 season.

Kundi lang natalo ang Crispa sa 1977 Invitational finals sa Toyota, ay naging back to back grandslam title champions na sana sila sa unang tatlong taon pa lamang ng PBA. Nagantihan sila dito ng toyota, dalawang taon matapos hadlangan ng Crispa ang grandslam title ng Toyota. Itong taon din ito naganap ang isa sa pinakamalalang brawl sa PBA history. Ito ay naganap noong April 17, 1977 sa pagtatapos ng dikit na laro sa score na 122-121 pabor sa Crispa bilang opening game ng 1977 PBA season. Naganap ang rumble sa loob ng dugout ng Araneta Coliseum at dahil dito ay dinakip ang mga players ng parehong kupunan na sangkot sa bugbugan. Sila ay nakulong sa Fort Bonifacio ng magkakasama sa isang kulungan pero pinakawalan din naman kinabukasan. Pinagmulta ni Commissioner Leo Prieto ang parehong kupunan ng limang libo at isang libo naman para sa coach na si Dante Silverio para sa unsportsmanlike conduct.

Sa buong pamamalagi ng Crispa Redmanizers sa PBA, may dalawang taon lang na hindi sila nagkampyon sa kahit anong conference, ito ay noong 1978 at 1982. Nagkataon naman sa mga panahon na iyon ay dun lang nagkaroon ng chansa na mag MVP ang mga toyota players na si Jaworski para sa 1978 at si Fernandez para sa 1982. At kung mapapansin nyo naman na sa unang sampung taon ng PBA, naghari ang orihinal na players ng Crispa-Toyota bilang PBA MVP. Pito mula sa Crispa at Tatlo naman mula sa Toyota, ang pagkakaiba lang ay nung naglaro si Bogs Adornado para sa U/tex at si Ramon Fernandez para sa Beer Hausen.

Noong 1980 season, ay inintroduce na ang three point field goal para sa PBA. Ito rin ang taon kung saan nagkaroon ng 19 consecutive wins ang Crispa at isang win nalang ay magcchampion na sila at magtala ng undefeated record para sa All-Filipino conference. Ngunit ito ang kanilang winning streak ay binasag ng Toyota sa isang controversial game kung saan tinanggal ng Toyota management ang head coach na si Fort Acuña sa halftime ng laban sa kadahilanang pag bangko sa star player nito na si Robert Jaworski. Ang desisyong pagbangko kay Jawo ay dahil malaki na ang lamang ng Crispa sa laro na yun ngunit sa kasamaang palad ay nanalo pa ang Toyota ng ibalik si Jaworski sa game at ipanalo ang laban. Pero sa game 4 ng finals ay tinapos na din ng Crispa ang series para manalo ng kampyunato at magtala ng 20-1 record sa conference na un.

Masasabi na dito nahasa ang never say attitude ni Jaworski at ang mga katagang “Pwede kang matalo sa ibang team, wag lang sa Crispa.” Makikita din sa Golden Era ng PBA na normal lang ang balyahan at pisikalan noon, na maraming ikinasasama ng loob ng ibang basketball fans ngayon na hindi nakasaksi sa mystique ng Crispa-Toyota Rivalry. Ito rin ang dahilan kung bakit napupuno ang Araneta noong araw at maikukumpara pa nga sa laban ni Pacquiao na walang katao tao sa kalsada dahil laban na ng Crispa at Toyota. Ang pagsasakripisyo ng katawan para makuha ang bola at pagscore ng higit sa 100 points kahit wala pang three point line ay hindi mo na makikita sa kasalukuyang henerasyon ng PBA.

Ang huling pagkikita ng Crispa at Toyota sa Finals ay noong 1981 PBA Open Conference kung saan nanalo ang Toyota kasama ang bagong coach nito na si Edgardo Ocampo. Ang pagkakapanalo ng kampyunato ng Toyota dito ay isang tribute para sa legendary player at coach nila na si Fort Acuña. Siya ay nagpakamatay isang araw bago ang laban ng toyota at crispa. Ito ay naganap noong July 6, 1981, pitong buwan pagkatapos siyang tanggalin ng team manager na si Pablo Carlos Jr., sa halftime ng Game 3 ng finals sa 1980 All Filipino conference. Kasabay ng pagbagsak ng ekonomiya at gobyerno sa Pilipinas, ay sya namang pagsabay ng pagdisband ng Toyota noong 1983 na sinundan naman ng Crispa noong 1984.

Team Comparisons

Pagkatapos ng kanilang rivalry ay pagkumparahin naman natin ang kanilang mga PBA Achievements. Ang Crispa ay nagkaroon ng treseng kampyunato, 65 wins kontra sa Toyota, anim na MVP awardees, at anim na PBA hall of famer Ang toyota naman ay mayroong siyam na kampyunato, 59 wins kontra sa crispa, dalawang MVP awardees, at limang PBA hall of famer.

Coaches

Banggitin naman natin ang mga legendary coaches mula sa magkabilang kupunan. Ang unang coach ng Toyota franchise ay si Nilo Verona noong nasa MICAA pa ang Komatsu o Toyota noon. Napalitan ito ni Dante Silverio sa PBA na siya namang pamangkin ng may ari na si Ricardo Silverio. Noong 1979, ay nagresign naman si Dante sa di pagkakaintindihan mula sa corporate management. Siya ay napalitan ng dating player at assistant coach nito na si Fort Acuña na tumagal lang ng isang taon dahil sa pagkakasibak nito nung halftime sa finals. Pinalitan ito ng veteran coach at dating RP team Gold medalist na si Ed Ocampo.

Ang unang coach ng Crispa Franchise ay pinakamahusay na basketball coach sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay walang iba kundi si Virgilio “Baby” Dalupan o kung tawagin ay The Maestro. Sa buong coaching career nya ay nagkaroon siya ng 52 championship titles mula sa college, amateur at professional basketball. Nang lumipat na si Coach Dalupan sa Great Taste ay hinire naman ng Crispa ang dating coachr ng san miguel na si Tommy Manotoc kung saan sya ang nagbigay ng pangalawang Grandslam title para sa Crispa Redmanizers noong 1983 PBA season. Pagkatapos ng grandslam season na iyon ay napagpasyahang magresign ni Coach Manotoc dahil sa kanyang kalusugan. Siya ay napalitan ng RP team legend na si Narciso Bernardo na nagbigay ng isang kampyunato para sa Crispa bago ito tuluyang mabuwag.

Life after PBA

Pagkatapos ng kanilang legendary rivalry ay nabigyan sila ng magandang opportunidad pagkatapos ng kanilang PBA career. Katulad ng pagiging politiko kagaya ni Jaworski at Philip Cezar o parte ng gobyerno kagaya ni Ramon Fernandez. Meron din naman naging artista kagaya ni Atoy Co at Bernie Fabiosa at pagiging basketball coach kagaya ni Bogs Adornado.

Reunion Game

Pagkalipas ng twenty years ng kanilang makasaysayan na rivalry ay nagkaroon ng Crispa-Toyota reunion game. Ito ay ginanap noong May 30, 2003 sa Araneta Coliseum bilang parte ng PBA all star weekend. Bumalik din ang kanilang orihinal na coaches na sina Dante Silverio at Baby Dalupan upang pamunuan ang bawat team kung saan nagtapos ang close game sa isang winning three point shot ni Robert Jaworski mula sa pasa ni Ramon Fernandez. Natapos ang game sa score na 65-61 pabor sa Toyota.

Retrospect

Masasabi na ang Crispa-Toyota rivalry ang dahilan kung bakit nahilig ang bawat Pilipino sa paglalaro at pagsubaybay sa basketball. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa greatest rivalry in Philippine sports history. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support