Coach Louie Alas SINIBAK ng Phoenix? Aldin Ayo UMAPELA sa Indefinite Ban ng UAAP?

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, ngayong araw paguusapan natin ang dalawang coaches na nawalan ng trabaho dahil sa hindi pagsunod sa health and safety protocols na itinakda ng kanilang asosasyon.

Ginulantang ng Phoenix management ang mundo ng PBA ng inanunsyo nito ang pagkakasibak sa kanilang head coach na si Louie Alas matapos nito patawan ng 15 days suspension noong August 27 para sa nagawang violation nito na pagpasok sa court during decontamination at mas maaga sa itinakdang oras ng kanilang pagttraining. Nalungkot ang phoenix head coach sa kanyang violation noon dahil sa higit na six months na paghihintay, madadagdagan pa ito ng 15 days para makapagpractice kasama ang kanyang kupunan ngunit, lingid sa kanyang kaalaman na pagkatapos niya bunuin ang mga araw ng kanyang suspension ay tsaka na man siya sisisantehin ng organisasyon na kanyang pinagtrabahuhan ng tatlong taon.

Hindi naman ito ikinatuwa ng kanyang anak na naglalaro sa NLEX Road Warriors na si Kevin Alas. Ayon sa kanyang deleted Facebook post, Wag na daw asahan na magkampeon ang kanilang kupunan kung ganyan lang naman ang trato nila sa kanilang empleyado. Ang mga tinutukoy niya dito ay ang hindi pagsuporta noon sa kanilang star player na si Calvin Abueva na mapabilis ang proseso ng kanyang suspension, ang hindi pagrenew sa kontrata ng ilang players sa kanilang kupunan at ang pagsisante sa kanilang head coach na nagdala sa kanila sa semifinals noong 2019 Philippine Cup.

Ngunit sa huli, tinatanggap ni coach Louie Alas ang pagkasisante niya sa kupunan sa pamamagitan ng pasasalamat sa binigay na oportunidad ng Phoenix management at boss Dennis Uy sa loob ng tatlong taon sa organisasyon. At nirerespeto niya ang lahat ng kanyang players at coaches na nagsakripisyo para sa kanilang layunin na magkampeon sa PBA. Hangad naman niya ang tagumpay ng kupunan at sa interim coach nito na si Topex Robinson para sa darating na panahon. Isa si Coach Louie Alas sa pinakamahusay na coaches ng Pilipinas at ang patunay jan ay ang pagiging kampeon sa MBA, ABL at pagiging three time NCAA Champion.

Madako naman tayo sa isang coach na napatawan ng indefinite ban sa UAAP na si Aldin Ayo. Isang linggo pagkatapos magsumite ng pagbibitiw sa tungkulin bilang head coach ng UST men’s basketball, pinatawan ng UAAP Board ng indefinite ban na makilahok sa kahit anong kapasidad sa lahat ng UAAP events at activities ang dating coach ng La Salle at UST na si Aldin Ayo.

Nagsimula ang lahat ng to ng magorganisa si Coach Aldin ng training camp sa Capuy, Sorsogon sa gitna ng general community quarantine na nagbabawal sa kahit anong aktibidad na maaaring magkahawaan ang mga tao dahil sa pandemya. Tinaguriang bicol bubble ang pribadong pageensayo na pinamunuan ni Aldin Ayo na mas lalo niya pang ikinasira nang maglahad ng saloobin ang form er players nito ng kanilang karanasan sa Sorsogon partikular sa kanilang kalusugan.

Marahil ang paglisan ng limang UST players na sina CJ Cansino, Brent Paraiso, Ira Bataller, Rhenz Abando at Ferdinand Asuncion Jr. ay dulot ng bicol bubble at marapat lang na magapela si Aldin Ayo sa UAAP dahil hindi naman niya ito gagawin ng walang basbas ng kanilang management sa UST. Gayunpaman, hindi dapat mabahala si coach aldin dahil pwede parin siya magcoach sa NCAA kung saan minsan niyang napagchampion ang Letran Knights noong 2015 at naging back-to-back champion coach pa ng lumipat siya sa La Salle Green Archers at magkampeon noong 2016.

Ayon sa UST alumni na si Bogs Adornado, aabutin ng apat hanggang limang taon na rebuilding para magkampeon ulit ang growling tigers dahil sa paglisan ng limang key players at champion coach sa kanilang eskwelahan at marahil nabawasan ang reputasyon nito para sa upcoming college players dahil sa issue na kinasasangkutan nito ngayon.

Ito ang ating mga balita ngayong araw para sa ating segment na Philippine Sports News at kung gusto mo maging updated sa ibat ibang sports news sa Pilipinas ay Wag kalimutang i click ang subscribe button para laging kang updated sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support