Carlos Loyzaga Story

Sino nga ba si Caloy Loyzaga? Siya nga ba ang greatest Filipino basketball player of all time?

Si Carlos Matute Loyzaga o kilala bilang Caloy ay isang Filipino basketball player na pinanganak sa Maynila noong August 29, 1930. Siya ang pangapat sa mga anak ni Joaquino Loyzaga Sr. at Carmen Matute kung saan ang ama nya ay naging kakampi pa ni Paulino Alcantara sa Far Eastern Championship games para sa Football at nakilala bilang isa sa mga miyembro na tumalo sa Japanese Football team sa score na 15 to 2.

Si Caloy ay natutong magbasketball sa kalsada ng Teresa sa may santa Mesa kung saan sya nadiscover ng Olympian basketball player at coach na si Gabby Fajardo. Nakitaan siya ng potensyal ni Fajardo kaya inimbitahan nya ito para magtraining at maglaro para sa kanyang MICAA junior team na kabilang noon sa MICAA. Sa kanyang pagkakasali ay natulungan nya agad ang PRATRA junior team na manalo ng MICAA junior crown noong 1949.

Pagkatapos ng kanyang MiCAA Junior career ay pumasok na sya sa collegiate basketball bilang player ng San Beda Red Lions. Siya ay nahikayat pumasok ng San Beda dahil siya ay narecruit ng kapatid ni Gabby Fajardo na si Felicisimo at dahil dito ay natulungan nya ang San Beda na magkampeon ng tatlong kampyunato at doon nagsimula para siya ay tawagin na The Big Difference.

Pero alam nyo ba na pinagsasabay ni Caloy Loyzaga ang pagiging player ng San Beda, MICAA at RP Team? Isalaysay natin ang kanyang basketball career timeline para mas lalo natin maintindihan kung paano nga ba siya naging greatest Filipino basketball player of all time?

Simula 1951 kung saan siya ay rookie pa lamang ng San Beda College ay nakasama agad siya sa kauna unahang Asian Games at dahil dito ang Pilipinas ang naging kauna unahang gold medalist ng Asian Games sa basketball. Magbebente uno anyos pa lamang si Caloy ay napagtagumpayan nya na ang pagiging 1951 NCAA champion at Asian Games Gold medalist bilang rookie college player.

Noong 1952 naman, ay nakuha nya ang back to back championships para sa San Beda College at nairepresenta naman ang Pilipinas bilang basketball olympian kung saan nagtala sila ng ninth place sa Olympics. Sa taong 1953 ay hindi sila nagkampeon sa NCAA dahil ang rival nilang Ateneo Blue Eagles ang namayagpag noon kung saan nagback to back champion din sila para sa sumunod na taon. Pero natulungan nya naman ang kanyang kupunan sa MICAA na PRISCO na dating PRATRA para manalo ng National Open Championship title.

Noong 1954, ay lumipat si Caloy sa MICAA team na YCO painters kung saan natulungan nya ito manalo ng kauna unahang MICAA title sa pamumuno ng kanyang head coach na si Leo Prieto. Sa college naman ay hindi nya natulungan magkampeon ang Red Lions ngunit natulungan naman nya ang Pilipinas na makasungkit ng pangalawang gintong medalya sa Asian Games noong Mayo nung taon na iyon. Pagdating naman ng Nobyembre ay natulungan naman nya makakuha ng Bronze Medal ang Pilipinas para sa 1954 FIBA World Cup.

Sa taong 1955 naman ay nakuha nya ang pangatlong kampyunato para sa San Beda Red Lions at ang back to back National Basketball champions para sa YCO Painters. Ito ang naging huling taon nya para sa San Beda. Noong 1956 ay nakuha nya ang three peat o pangatlong sunod na National Basketball Champions ng MICAA para sa YCO Painters at muling nakilahok sa Olympic Games kung saan nagtapos sila ng seventh place.

Sa taong 1957 naman ay nakuha nya ang pangapat na sunod na kampyunato ng MICAA noong 1958 ay nakuha nila ang pangatlong sunod na gold medal sa asian Games at ang panglimang sunod na kampyunato sa MICAA. Sa taong 1959 ay naging FIBA world cup eight placer sila at nakuha ang pang anim na sunod na kampyunato para sa YCO Painters.

Noong 1960 ay kabilang siya sa kauna unahang gold medalist ng FIBA Asia kung saan nakasama nya ang MVP ng torneo na si Carlos Badion. Sa taon ding ito ay nakuha nya ang pangpitong sunod na kampyunato para sa YCO. Simula early 1960s ay naging Playing coach na siya para sa YCO painters sa edad na trenta anyos at dito nagsimula ang paghina ng kanyang laro dahil narin sa mga injuries na natamo nya at dahil dito ay apat na taon ang lumipas bago magkampeon ulit ang YCO noong 1964. Itong taon din nya napagpasyahan na tumigil na sa paglalaro ng basketball at ipagpatuloy nalang ang pagccoach sa kanyang kupunan. Pero bago sya magretiro noong 1964, ay natulungan nya manalo ang Pilipinas ng pangapat na gold medal noong 1962 Asian Games at pangalawang gold medal para 1963 FIBA Asia championships.

Noong Late 1960s ay naging RP team national head coach siya para sa 1967 FIBA Asia kung saan nakuha nila ang Gold Medal at naging olympian coach para sa 1968 Olympic games na nagtapos sa 13th place. Pero bago natin tapusin ang video na ito ay magbabahagi naman ako ng interesting facts tungkol kay Caloy:

1. Ikauna, alam nyo ba na minsang nareject si Caloy ng isang college coach? Ito ay nangyari noong siya ay nagenroll sa Letran para maging varsity ngunit hindi siya kinuha ng coach sa kanilang tryouts. Kaya binalak nyang lumipat sa UST ngunit ng malaman ng mga Fajardos na nabigo siya sa kanyang pangarap na kolehiyo ay agaran naman siyang nirecruit nito sa San Beda Red Lions.

2. Ikalawa, ay tungkol sa Zamora Trophy. Tinawag ang 1950s NCAA na dekada ng Crispulo Zamora Cup kung saan kapag nanalo ang isang NCAA team ng tatlong kampeonato sa loob ng dekada na iyon ay makukuha nito ang Zamora Trophy. Sa pagkakapanalo nina Caloy Loyzaga noong 1951, 1952 at 1955 ay nakuha nila ang tropeo kontra sa Ateneo Blue Eagles na may back to back championship noong 1953 at 1954 seasons. Pagkatapos mapanalunan ng San Beda ang Zamora Trophy ay niretiro na ang award ng NCAA.

3. Ikatlo, ay naturingan sya na isa sa limang pinakamagaling na manlalaro ng basketball sa buong mundo ng sya ay mapabilang sa Mythical five ng FIBA World Cup noong 1954 dahil ito ang panahon kung sila nanalo ng bronze medal para sa Pilipinas. Napabilang din siya sa mga best players of asia sa kauna unahang FIBA Asia noong 1960 kung saan dalawang Pinoy ang nakapasok sa Mythical five, Si Caloy at ang first FIBA MVP na si Carlos Badion.

Si Caloy Loyzaga ay namatay noong January 27, 2016 sa Cardinal Santos Medical Center sa may San Juan. Siya ay nagkaroon ng limang anak at ang dalawa dito ay tinahak din ang paglalaro ng professional basketball na sina Chito at Joey Loyzaga. Ang kanyang jersey number na #14 ay opisyal na niretiro ng San Beda College noong June 25, 2016 para sa kanilang opening ceremonies noong Season 92 ng NCAA na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa nagiisang The Big Difference in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support