Anong nangyari sa promising career ni The Beast? Hindi na nga ba siya makakabalik sa PBA? Mahahalintulad nga ba siya kay Dennis Rodman dahil sa kanyang mga kinikilos?

Sino nga ba si the beast? Si Calvin Abueva ay isang Filipino basketball player na pinanganak sa Angeles City, Pampanga noong February 4, 1988. Siya ay nagaral ng kolehiyo sa san sebastian college sa maynila. Sa ilalim ng pamamahala ni coach ato agustin ay tinulungan nya ang San Sebastian na talunin ang powerhouse team na San Beda para makuha ang kampeonato

Masasabi rin na isang NCAA legend itong si Calvin Abueva dahil sa huling dalawang taon nya bilang San Sebastian Stags nagaaverage sya ng double double figures na 20 points at 15 rebounds per game. Naging MVP na sya kahit 3rd year palang sya sa college at matuturing na shoo-in na para sa kanya ang pangalawang MVP award para sa kanyang senior season ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nadisqualify sya pagkuha ng kahit anong individual award nung season na un dahil sa pagsuntok nya sa lyceum player na si Vence Laude na nagpawalang bisa ng kanyang mvp candidacy.

Bago sya nagpadraft sa PBA ay naglaro muna sya sa PBL para sa NLEX road warriors kung saan natulungan nya itong makakuha ng tatlong sunod na kampeonato. Siya ay naging second overall pick ng 2012 PBA Draft kung saan naman naging 1st pick ang the Kraken ng PBA na si June Mar Fajardo. Siya ay nadraft ng Alaska Aces kung saan nya naungusan si Fajardo sa pagiging rookie of the year dahil sa near double double average nito at pagiging kampeon noong 2013 commissioners cup.

Pero bago yan, paano ba naging the beast si Calvin Abueva? Nung kabataan nya, minodel na nya ang laro nya sa idol nyang si Robert Jaworski na kahit gwardya lang daw si jaworski ay naging pang pito sa PBA rebounds of all time tong si jawo. Masasabi na ang kanyang kagaspangan din sa court ay nakopya nya rin kay living legend na kinatutuwa ng marami.

Dito lalo nyang nilabas ang pagiging the beast nya sa loob ng court dahil nakilala sya bilang dirty player na mahilig sa mga cheap shots para makadali ng kapwa player. Dahil rin dito ay tuluyan syang nasuspinde noong June 2019 dahil sa palitan ng cheap shots nila ni Terence Jones na nagsimula sa pagtulak nya sa import habang si Jones naman ay ni low blow sya habang patayo sya sa pagkakadapa. Ang huling banat ni Abueva ang naging ultimatum para kay Willie marcial na patawan sya ng indefinite suspension na maglaro para sa PBA.

Maikukumpara nga ang kanyang mga antics sa NBA legend na si Dennis Rodman dahil sa mga kaguluhan at kontrobersya na ginagawa nila sa loob at labas ng court. Parehas silang magaspang sa loob ng court at parehas ding makulay ang mundo sa labas ng court.

Mapupunta nalang ba sa wala ang lahat ng pinaghirapan ni Abueva? Hanggang ngayon ay under contract parin si The Beast sa Phoenix Fuel Masters pero nakita sya na naglalaro sa sta maria bulacan basketball league noong december 2019 na mahigpit na pinagbabawal ng PBA. Sinabi rin ni Willie Marcial na may tsansa pang makabalik si the Beast kung makukumpleto ni Calvin ang mga requirements na pinapagawa sa kanya at kasulukuyang nasa second stage na ang proseso para makabalik sya sa liga.

Pero bago natin tapusin ang video ay balikan muna natin ang mga achievements ni the beast bago sya masuspinde, siya ay 7time PBA allstar, 2time mythical first team, 1time mythical second team, 1time Best player of the conference, 1time All defensive team, PBA rookie of the year, 1time mr quality minutes, at 1time pba champion.

Ano nga ba ang mga pinagkaabalahan ni Abueva habang siya ay suspendido? Nung sya ay nasuspinde ay nagfocus muna si Calvin sa kanyang business na dampa ni the Beast seafoods restaurant na matatagpuan sa Blumentritt sa maynila. Makikita din na mas may time sya ngayon para sa kanyang pamilya na mapapanood nyo sa kanyang youtube channel na Calvin Abueva Family

Sa tingin nyo? Mas maigi ba na nasa PBA si the beast? O tuluyan nalang lumagay nalang sa tahimik at pribadong buhay? Icomment ang iyong opinyon sa ibaba. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support