Anong Nangyari Kay Rolando Navarrete? | Anak Niya si Rolando Dy? | Forgotten Filipino Athletes

Sino nga ba si Rolando Navarrete? Ano nga ba ang nangyari sa karera na tinaguriang Badboy from Dadiangas? Totoo nga ba na may anak to na naglaro sa UFC? Alamin natin dito sa Philippine Sports History. Ito ang bago nating series na Forgotten Filipino Athletes kaya magsubscribe ka na para updated ka sa mga bago nating content at bilang suporta sa ating channel.

Sino nga ba si Rolando Navarrete? Siya ay isang former filipino boxer at former super featherweight champion noong 1980s. Siya ay pinanganak sa Dadiangas, General Santos City noong February 14, 1957. Siya ay nagsimulang maging professional boxer noong february 17, 1973 sa edad na 16 years old kalaban ang kapwa pilipino na si Eddie Clementos sa loob ng anim na taon na paglalaro ng boxing sa loob ng pilipinasay nabigyan din sya ng opportunity para makapaglaro sa amerika at makalaban ang mga american boxers na sina Frankie Duarte, Miguel Meza at Jerome Artis kung saan eh tinalo nya lahat to para maging number 1 contender sa WBC Super featherweight title ni Alexis Arguello.

Nagtagpo sina Arguello at Navarrete sa Hiram Bithorn Stadium sa Puerto Rico noong April 27, 1980 pero sya ay nagtagal lang ng 4 rounds dahil sa corner retirement of referee technical decision. Makikita sa record books na pinaghandaan lang ni Navarrete ang kanyang first world championship fight sa loob lang ng 26 days ito ay pagkatapos nyang matalo si Jerome Artis noon April 1, 1980

Kung isasama mo pa ang travel time papunta sa puerto rico ang araw para iadapt ang sarili sa bagong environment at timezone at ang oras para magensayo at gameplan sa laban ay talagang may handicap ang bad boy from dadiangas sa ganyang sitwasyon pero ang mga reasons na ito ay normal lang sa 20th century dahil ito ang mga panahon na wala talagang timeframe para magprepare ang boxers para sa kanilang mga laban. Makalipas ang isang taon at apat na buwan ay nabigyan muli ng world championship fight si Navarrete kontra kay Cornelius Boza Edwards dahil binakante na ni Arguello ang kanyang titulo at tuluyang lumipat sa lightweight division.

Nagtagpo sina Navarrete at Edwards sa Italy noong August 29, 1981 kung saan nya na knockout ang champion sa 5th round para sya ay tanghaling WBC superfeaterweight champion ito ay ang kanyang una at huling world title belt na nagtagal lang ng siyam na buwan sa kanya dalawang beses nya lang nadepensahan ang kanyang titulo una ay sa isang Korean boxer na si Choi Chung Il na ginanap sa rizal memorial sports complex kung saan nya naknockout ito sa 11th round.

Ang pangalawa naman ay sa isang italian boxer na si Rafael Limon na ginanap sa Las Vegas kung saan sya ay na Knockout sa pagtatapos ng 12th round. Ang masama pa nito ay sa buong laban ay nangunguna sya sa scorecards ng mga judges ng bigla syang tamaan ng left hook ng kapwa southpaw boxer na si Rafael Limon. Dito nagsimula ang pagbagsak ng career ni Rolando Navarrete tatlong taon mula ng kanyang pagkatalo ay nakulong pa nga sya Hawaii dahil sa sexual assault na pinaratang sa kanya. Nagtagal ng tatlong taon ang kanyang pagkakabilanggo at pagkatapos noon ay dali dali syang bumalik sa pilipinas para ipagpatuloy ang boxing career nya doon.

Ang pinakatumatak sa kanyang comeback ay ang paghihiganti nya sa kanyang pagkatalo kay Rafael Limon noong december 23, 1988 na ginanap sa ninoy aquino stadium sa malate sya ay nanalo via unanimous decision at dalawang taon mula ng laban na iyon ay nagpasya na syang magretiro sa boxing sa edad na trenta ikwatro. Ano nga ba ang nangyari kay Rolando Navarrete pagkatapos ng kanyang boxing career?

Si Navarrete ngayon ay nakatira sa General Santos City kung saan sya ay nagtitinda ng isda. Siya ay nagkaroon ng maraming asawa at nagkaroon ng pitong anak at isa nga dito ay si Rolando Dy na isang mixed martial arts fighter. Siya ay nagsimula sa Pacific xtreme combat noong 2011 hanggang sya ay madiscover sa UFC noong 2017. Nagkaroon sya ng apat na laban doon hanggang tuluyang marelease dahil sa mga pagkakatalo nito sa loob ng octagon. Siya ngayon ay nasa Middle East para sa Brave Combat Federation para ipagpatuloy ang kanyang MMA Career na kakalaban lang nitong 2019

Sa hindi nakakaalam, si navarrete ay tinaguriang 9th best super featherweight champion of all time ng WBC o world boxing council. At sya ay minsang gumanap bilang bida sa isang pelikula na pinamagatang Kambal na Kamao noon 1988. Ito ang buhay ni Rolando Navarrete at siya ay isa sa mga Forgotten Filipino Athletes sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support