Ano Ang Boxing Division na Pinaghaharian ng mga Pinoy?

Ating alamin kung ano nga ba ang boxing division na pinaghaharian ng mga pinoy?

Kung ang bansang Amerika ay naghahari sa Heavyweight division dahil kina Muhammad Ali, Mike Tyson o Jack Dempsey at ang bansang Mehiko ay naghahari sa featherweight division dahil kina Julio Cesar Chavez, Erik Morales o Juan Manuel Marquez. Ang bansang Pilipinas naman ay naghahari sa flyweight division dahil dito nagsisimula kadalasan ang mga pinoy sa mundo ng boxing. At isang magandang ehemplo jan ay ang eight division world champion na si Manny Pacquiao pero paano ko ba nasabi na ang flyweight division nga ang pinaghaharian ng mga pinoy.

Ang average height ng mga Filipino, mapa lalake o babae, ay 5feet and 1inch samantala kung puro lalake lang ang ating bibilangin ay nagaaverage naman tayong mga pinoy ng 5feet and 4inches bagamat hindi naman height ang basehan ng mga division ay atin itong ihahambing sa ideal weight kung saan nagaaverage ito around 110pounds na pasok sa flyweight division.

Alam niyo ba na ang Pilipinas ay nagkaroon na ng 43 world boxing champions? Ito ay nasimula pa nung maging kampeon si Pancho Villa noong 1923 at hanggang sa kasalukuyang panahon kung saan ang kahulihang pinoy boxer na naging kampeon ay si Pedro Taduran noong 2019. Dahil 23 out of 43 boxing champions na meron tayo ay naging kampeon sa light flyweight, flyweight o super flyweight divisions na nagkataon naman na bawat dekada ng pinoy boxing ay mayroong umuusbong na Kampeon mula sa mga dibisyon na ito.

Noong 1920s ay nagkaroon tayo ng kauna unahang asyano na naging world boxing champion at ito ay si Francisco Guilledo o mas kilala bilang Pancho Villa. Nakuha niya ang Lineal at The Ring Flyweight title kontra sa boxing legend na si Jimmy Wilde noong June 18, 1923 na ginanap sa Polo Grounds New York City.

Sa dekada ng 1930s ay nagkaroon naman tayo ng kampeon na nagngangalang Benjamin Gan o mas kilala bilang Small Montana. Napanalunan niya ang titulo ng NYSAC Flyweight Title kontra kay Midget Wolgast na agaran naman nabawi sa kanya ng sila ay nagrematch pagkaraan ng dalawang buwan. Bagamat ang NYSAC ay hindi boxing sanctioning body ay tinuturing na Major World Title champions ang mga kampeon nito noong nagsisimula pa lamang ang boxing sa Amerika.

Noong 1940s naman ay naging kampeon ang Filipino na si Eleuterio Zapanta o mas kilala bilang Little Dado. Siya ay tinuturing na kauna unahang two division pinoy boxing champion para sa Flyweight at bantamweight division. Nagawaran siya ng NBA Flyweight title ng talunin niya si Jackie Jurich noong February 21, 1941. Ang NBA o National Boxing Association ay tinatawag na ngayon na WBA o World Boxing Association para maiwasan ang pagkapareho nito sa NBA na basketball at dahil na rin sa lumalaganap na popularidad ng boxing sa buong mundo noong panahon na iyon.

Sa Dekada singkwenta o 1950s ay nagkaroon tayo ng Kampeon mula sa bansang Hawaii na si Dado Marino. Hindi siya pinanganak sa Pilipinas ngunit ang magulang nito ay mga Pilipino at siya ang kauna unahang Filipino Hawaiian Champion na sinundan naman ni Jesus Salud at Brian Viloria. Nakuha niya ang Lineal Flyweight title kontra sa British boxer na si Terry Allen noong August 1, 1950.

Noong 1960s naman ang natatanging kampeon mula sa Pilipinas ay walang iba kundi si Bernabe Villacampo. Siya ay naging WBA World Flyweight Champion nung siya ay manalo kontra sa hapones na si Hiroyuki Ebihara noong October 19, 1969 na ginanap sa Osaka Japan. Sa dekada sitenta o 1970s naman ay naging kamepeon si Erbito Salavaria kung saan hinawakan niya ang WBC, The Ring, Lineal at WBA Flyweight titles nung matalo niya ang dalawang asian boxers na si Chartchai Chionoi at Susumu Hanagata. Nagkataon naman na sabay sila ng henerasyon ni Villacampo kung saan matagumpay na niresbakan ni Salavaria ang thai boxer na si Chartchai dahil tinalo nito si Bernabe noong 1968 para sa WBC World Flyweight title.

Noong 1980s ay nagsulputan na ang Tweener Division kung saan nahati sa tatlo ang Flyweight division para sa Light Flyweight, Flyweight at Super Flyweight divisions. Dahil diyan ay mas lumawak ang mga boxing divisions at idagdag mo pa ang pagdami ng Major sanctioning bodies para makapagbigay ng mas maraming championship title sa mga deserving ng boxing champions. Sa dekada otsenta ay nagkaroon tayo ng apat na pinoy boxing champions mula sa Flyweight division na sina Frank Cedeno para sa WBC, The Ring at Lineal Flyweight Titles, Dodie Boy Peñalosa na pangalawang pinoy na naging two division world champion para sa parehas na IBF Light Flyweight at Flyweight Titles, Rolando Bohol para sa IBF Flyweight title ulit dahil sa pagresbak nito para kay Dodie Boy ng talunin niya si Chang Ho Choi at panghuli ay si Tacy Macalos ng bawiin ng pinoy ang dating IBF Light Flyweight ni Dodie boy ng talunin nya si Jum Hwan Choi.

Sa dekada nobenta o 1990s ay nagkaroon tayo ng tatlong Flyweight champions na sina Rolando Pascua para sa WBC Light Flyweight Title, Gerry Peñalosa para sa WBC at Lineal Super Flyweight Title at ang ating pambansang kamao na si Manny Pacman Pacquiao para sa WBC at Lineal Flyweight Titles ng talunin niya si Chatchai Sasakul noong December 4, 1998.

Sa bagong milenyo o sa dekada ng 2000s ay mas lalong dumami ang naging pinoy boxing champions dahil sa impluwensya na dulot ni Manny Pacquiao at siyempre dahil narin sa papremyo at kasikatan na kaakibat ng pagiging world champion. Nagkaroon tayo ng limang flyweight champions na sina Malcolm Tuñacao para sa dating titulo ni Pacman na WBC at Lineal Flyweight titles ng resbakan nito ang dating tumalo kay pacquiao na si Boonsai sangsurat, pangalawa ay si Brian Viloria ng makuha nito WBC at IBF Light Flyweight titles sa dalawang mexican boxer na si Eric Ortiz at Ulises Solis, pangatlo ay si Nonito Donaire na dating IBF Flyweight Champion ng talunin niya ang Armenian boxer na si Vic Darchinyan, Pangapat ay si Marvin Sonsona na isa sa mga pinakabatang pinoy boxing champion ng manalo siya kay Jose Lopez noong September 4, 2009 para sa WBO Super Flyweight title, at pang lima ay si Rodel Mayol na nagkampeon para sa WBC Light Flyweight title ng talunin niya si Edgar Sosa.

Itong nakaraang dekada ng 2010 naman ay naging anim na ang mga pinoy flyweight champion sa pangunguna ni Brian Viloria dahil siya ay muling nagkampeon sa flyweight division noong 2011 at 2012 para sa WBO at WBA Super World Flyweight title, pangalawa ay si Donnie Ahas Nietes na four division world champion dahil nakuha nito ang WBO at The ring Light Flyweight titles, IBF Flyweight at WBO Super Flyweight titles, Pangatlo ay si John Riel casimero na parehong kampeon ng IBF Light Flyweight at Flyweight division, Pangapat ay si Sonny Boy Jaro na dating WBC, The Ring at Lineal Flyweight champion ng talunin nya ang thai boxer na si Pongsaklek na dating tumalo kay Tuñacao, Panglima ay si Jerwin Ancajas na nananatiling kampeon sa IBF Super Flyweight division kung saan nagkaroon na siya walong successful title defense sa loob ng apat na taon, at ang kahulihan at panganim na flyweight champion sa nakaraang dekada ay si Milan Melindo na dating IBF Light Flyweight Champion ng talunin niya si Akira Yaegashi noong May 25, 2017.

Kung mapapansin niyo, ang ilan sa mga greatest Filipino boxers ay nagsimula bilang kampeon ng Flyweight division dahil ito talaga ang natural na timbang ng mga pinoy boxers. Sa tingin nyo, mahihigitan pa kaya ng mga upcoming pinoy boxers ang record na 6 Flyweight champions in a decade sa susunod na sampung taon?

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support