Ang Pinoy na Nakalaban ni LOMACHENKO sa Huling Laban Niya Bilang Amateur Boxer | Charly Suarez

Welcome sa Philippine Sports News, ngayong araw tatalakayin natin ang natatanging pinoy na nakalaban ni Vasiliy Lomachenko na si Charly Suarez at anong nangyari sa karera ng dalawa matapos nilang magkita sa loob ng boxing ring.

Bago pa maging isa sa pinakamahusay na pound for pound boxer ang tinaguriang The Matrix na si Lomachenko, nagtala muna ito ng impresibong record na 396 wins at 1 loss bilang amateur boxer. Ang natatanging talo niya sa kanyang amateur career ay nagmula pa noong 2007 AIBA World Boxing championship ng matalo siya sa Gold Medal match kalaban ang russian boxer na si Albert Selimov at tanghalin bilang silver medalist sa Featherweight division. Dito ay minsan niyang nakasabay ang ating pambato na si Harry Tañamor na naguwi din ng silver medal para sa Light Flyweight division at iba pang boxers na nagsimula sa AIBA kagaya nina Nordine Oubaali, Raushee Warren at Amnat Ruenroeng. Mula sa pangyayari na un, hindi na muling natalo si Loma na nagbunga naman ng dalawang Gold medals noong 2008 at 2012 Olympic Games.

Alam nyo ba na ang isa sa 396 wins ni Lomachenko ay nagmula sa isang pinoy amateur boxer na si Charly Suarez? Ito ay naganap noong February 8, 2013 nang magkita ang dalawa sa season 3 ng AIBA World Series of Boxing kung saan nirerepresenta ni Charly ang Dolce & Gabbana Italia Thunder habang si Loma naman ay sa Ukraine Otamans. Sa loob ng limang round na pakikipagsagupaan kay Lomachenko, dalawang beses namang napaluhod si Suarez sa third round na siyang naging basehan para tanghaling panalo ang Ukrainian boxer. Ito ang nagmistulang tune up fight ni Loma dahil walong buwan mula ng laban nila ni Charly, pinasok na niya ang professional boxing kalaban si Jose Ramirez para sa WBO International Featherweight title na nakuha niya sa loob lamang ng apat na round. Dahil sa pagiging olympian Gold Medalist, lahat ng binibigay na laban kay Loma ay mga title fights at sa loob ng anim na taon nagawa agad niyang maging 3 division world boxing champion.

Nagpatuloy naman bilang Amateur boxer si Charly mula ng siya ay matalo kaya lomachenko, dahil alam niyang kulang pa siya sa kaalaman at experience para pasukin ang professional boxing. Si suarez ay isang decorated amateur boxer na nagkaroon na ng tatlong gold medals sa SEA Games, isang silver medal sa Asian Games at ang pinaka malaking achievement niya ay nung nagqualify siya sa 2016 Rio Olympics. Masasabi na malaki ang naimprove ni Charly mula nung naglaban sila ni Loma noong 2013 dahil napakahalagang experience na makalaban ang number 1 amateur boxer sa iyong division na siyang naging dahilan sa pagusbong ng kanyang amateur career.

Sa edad na trenta anyos, huli ng pinasok ni Suarez ang mundo ng professional boxing na nagsimula lamang nitong 2019 na dapat pinalalaban agad sa mga regional o international title fights para masamantala ang peak ng kanyang boxing career. Sa ngayon, si Charly ay 32 years old na at nagkakaroon pa lamang ng apat na professional boxing wins at baka hindi na makatikim ng isang world title fight bago matapos ang kanyang karera lalo na’t nabawasan ang mga boxing fights ngayong pandemya.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support