Reymart Gaballo Story

Kapag napaguusapan kung sino sa mga upcoming pinoy boxers ang may pinakamalakas na suntok ay paniguradong nangunguna diyan ang pangalan ni Reymart Gaballo. Siya lang naman ang tanging pinoy boxer na may 87% knockout ratio at nananatiling undefeated boxing prospect na ngayoy nasa pangangalaga na ng MP Promotions. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang boxing history ni Reymart Gaballo.

Si Reymart Grande Gaballo ay pinanganak noong August 24, 1996 sa Polomolok, South Cotabato. Ang kanyang ama ay isang truck driver habang ang kanyang ina ay nagttrabaho sa plantation ng pinya kaya ang kanyang lolo ang nag silbing tagapangalaga niya kung saan tinuturuan siya nito ng boxing gamit ang sako na puno ng buhangin. Sa edad na katorse anyos ay pumasok na ito sa Sanman Gym kung saan nagkaroon ng formal training ang batang assassin at mamulat sa amateur boxing. Sa kanyang paggraduate ng highschool sa edad na disisais ay naimbitahan na to na mamalagi sa loob ng Sanman Gym para matutukan ang pageensayo nito kung saan nagtala ito ng trentang amateur fights bago tuluyang tahakin ang professional boxing sa edad na disisyete.

February 2, 2014, nagsimula ang pro boxing career ni Reymart kalaban si Kevin Cabonales sa Iligan City. Nagresulta ang laban via first round TKO at ito ang panguna sa labing dalawang first round knockouts na naitala ni Gaballo sa kanyang pro boxing record. Pagkaraan ng dalawang taon, ay nagkaroon na siya ng 14-0 record at nang chansang mapanalunan ang bakanteng titulo na WBC-asian boxing council super bantamweight title kontra sa thai boxer na si Manot Comput. Ito ay naganap noong September 10, 2016 sa Tupi Municipal Gymnasium kung saan tinapos agad ni Gaballo ang laban sa loob lamang ng first round.

Dahil nagmistulang mismatch ang mga kalaban ni Reymart sa Pilipinas ay napagpasyahan ng promoter nito na ilaban na siya sa Amerika kontra sa Mexican boxer na si Ernesto Guerrero. Ito ay naganap noong November 15, 2017 sa Hawaii USA kung saan natapos agad ang laban via 2nd round TKO. Dahil sa exposure na natamo ni Reymart ay muling lumaban ito sa amerika pagkaraan ng apat na buwan para sa isang interim title match kontra sa kapwa undefeated boxer na si Stephon Young. Ito ay naganap sa Seminole Hard rock Hotel sa Hollywood kung saan natapos ang laban sa twelve round via Unanimous Decision pabor kay Reymart Gaballo para tanghalin na WBA Interim Bantamweight champion.

Hindi nagtagal sa kanya ang titulo na pagiging interim champion dahil sa hindi pagbayad nito sa sanction fee. Hindi ito nalalayo sa kontrobersya na hinarap ni floyd mayweather nung siya ay manalo kontra sa ating pambansang kamao noong May 2, 2015 kung saan nakuha niya ang WBO Welterweight belt kay Pacman ngunit bago tuluyang mapasakanya ang titulo ay kailangan magbayad muna ito ng tatlong pursyento ng kanilang boxing purse o kaya naman sa halaga na di bababa sa 1000 US dollars. Dahil sa mismanagement ng sanction fee kay Gaballo, ay tuluyang napalayo ang pangarap ni Gaballo na magkaroon ng isang world title fight dahil kung napanatili nya ang interim title sa kanya, ay siguradong nagkaroon na ito ng laban kontra sa world champion.

Dahil sa issue na yan, ay nagpasya ang kampo ni Reymart Gaballo at Sanman Promotions na pumanig sa MP Promotions noong 2019 para maihandle ng maayos ang karera ni Reymart at marepresenta sa mga international fights upang mabigyan ulit ng panibagong pagkakataon na mapalapit sa inaasam na world title fight. Siya ay sasailalim sa mga laban ng Premiere Boxing Champions ni Al Haymon kung saan nag debut siya sa promotion na ito kalaban si Yeison Vargas noong August 31, 2019 na kanya namang tinapos agad sa loob ng tatlong round.

Sa taong 2020, ay unang nakaschedule si Assassin para lumaban sa isang hungarian boxer na si szilvester ajtai noong July 24, 2020 ngunit ito ay napaltan ng mas matinding kalaban na si Juan Carlos Payano na isang former WBA world bantamweight champion na dating nagpahirap sa kanyang ka-stable na si Mike Plania. Ito sana ay ginanap na noong August 1, 2020 kaso ito ay napostpone muna dahil sa lumalaganap na pandemya at ayaw nila sumugal na kakaunti lang ang manonood na live audience. Itong laban na ito ay magbubunga ng isang interim WBA bantamweight belt na dating hinawakan na Gaballo at sa pagkakataon na ito ay hindi na nya palalagpasin na mapalapit sa isang world title fight.

Sa tingin nyo, magpapatuloy pa kaya ang knockout streak ni Gaballo kalaban ang isang former world champion? Ito ang dapat nating abangan sa laban na Gaballo vs Payano.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support