Malcolm Tuñacao Story

Ating balikan ang Pinoy boxing champion na rumesbak sa pagkatalo ni Pacquiao

Kapag napaguusapan kung sino ba ang may pinakamalupit na boxing resbak mula sa mga pagkatalo ng mga pinoy boxers ay nangunguna jan ang pangalan ni Malcolm Tuñacao. Siya lang naman ang bumawi sa titulo na WBC at lineal flyweight title ng ating pambansang kamao nung siya ay matalo kontra kay boonsai sangsurat. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang buhay ni Malcolm Tuñacao.

Si Malcolm Alindajao Tuñacao ay pinanganak noong December 8, 1977 sa Mandaue City, Cebu. Siya ay nagsimulang magboxing sa ilalim ng pamamahala ng ALA promotion kung saan una siyang nakilala bilang national champion ng amateur boxing. Dahil sa kahirapan at maaga nitong pagaasawa ay tinahak na nya ang professional boxing sa edad na bente anyos. August 1, 1998 ginanap ang unang pro boxing match ni Tuñacao kontra kay Manuel Ferego kung saan tinapos agad ni Malcolm ang laban sa loob ng second round.

Pagkaraan ng isang taon ay nakalikom na siya ng 8-0 record upang siya ay maging challenger ng Filipino Flyweight champion na si Rio Sumampong. Ito ay natapos sa 12 round via unanimous decision kung saan nakuha ni Eagle eye ang kanyang unang titulo bilang pro boxer. Setyembre 1999 ang buwan at taon kung saan napanalunan ni Tuñacao ang kanyang unang titulo at nagkataon naman na kaparehong buwan at taon din kung saan natalo si Pacquiao ng isang thai boxer na si Boonsai Sangsurat o mas kilala bilang medgoen 3K Battery.

Dahil diyan, ay makalipas ang walong buwan sa araw ng May 19, 2000 ay sinalang na agad ang national flyweight champion laban sa isang world flyweight champion na kung iisipin ay isang mismatch dahil si Tuñacao ay may dalawang taon pa lamang na experiensa sa pro boxing at nakapagtala pa lamang ng 10-0 record. Ginanap ang laban sa Srimnang Outdoor Arena sa Thailand kung saan nasaksihan ng mga thai boxing fans ang pagresbak ng isang Filipino boxing prospect sa kanilang world champion na nagtapos din sa isang technical knockout sa seventh round. Ngunit pagkaraan ng isang taon ay naresbakan din siya ng isang thai boxer na si Pongsaklek Wonjongkam ng first round TKO upang maibalik sa panig ng thailand ang titulong WBC at lineal flyweight championship.

Maidagdag ko lang, alam nyo ba na ang tumalo kay Tuñacao na si Pongsaklek ay ang champion na tinalo din ni Sonny Boy Jaro noong 2012? Ito ung natatanging world title na napanalunan ni Sonny Boy na WBC, The Ring at Lineal flyweight titles at inabot ng 11 years bago magkaroon ng matagumpay na resbak ang pinoy at maibalik sa Pilipinas ang WBC world Flyweight championship belt.

Nang matalo si Eagle eye sa kanyang pagdepensa sa titulo, ay nahirapan na ito magkaroon ulit ng world title fight simula nung siya ay matalo. Isang factor dito ay dahil nakabase siya sa japan at ang nagmmanage sa kanya ay isang japanese kung saan nawalan ito ng exposure sa mundo ng boxing. Dahil 21 out of 41 pro boxing matches nito ay ginanap sa loob ng Japan at sa loob ng 16 years pro boxing career ni Eagle eye ay hindi man lang nito naranasan na makapaglaro ng boxing sa loob ng Amerika.

April 8, 2013, labing tatlong taon ang nakalipas bago naganap ang pangalawang pagkakataon na pagiging challenger ni Malcolm sa isang world champion at ito ay ang laban kontra sa hapon na si Shinsuke Yamanaka. Ito ay para sa WBC Bantamweight title na ginanap sa Tokyo Japan kung saan na TKO sa 12 round si Malcolm Tuñacao. Simula ng kanyang pagkakabigo sa laban nato ay nagpasya na si Eagle Eye na magretiro sa boxing makalipas ang isang taon.

Ayon sa ulat ng GMA News, si Malcolm Tuñacao ngayon ay nagttrabaho bilang garbage collector sa Japan at ayon naman sa kanya ay masaya itong namumuhay dahil ang pagiging basurero sa kanilang bansa ay nirerespeto ng mga hapon at ang mahalaga ay hindi sya nanlalamang ng ibang tao at marangal ang paghahanap buhay nya doon. Pinagsasabay niya ang pagiging garbage collector sa umaga at pagiging boxing trainer sa gabi para sa Blue Sky Boxing Gym.

Sa tingin niyo, ano kaya ang nangyari sa karera ni Malcolm Tuñacao kung siya ay napunta sa mga bigating promoters at nabigyan ng exposure sa mundo ng boxing? Pakisulat ang iyong opinyon sa comment section. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa nagiisang Eagle Eye in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support