Ang Pinay Tennis Prodigy sa FRENCH OPEN 2020! | Alex Eala First Filipina Grand Slam Winner

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, Filipina teenager na si Alex Eala na sa French Open Juniors ngayong 2020.

Nitong nakaraang buwan ng setyembre, pinagpatuloy na ang isa sa mga grandslam tennis tournament na French Open. Ito ay ginaganap sa Paris, France sa may Roland Garros Stadium at sa natatangi nitong clay court kung saan sumikat ang tinaguriang King of Clay na si Rafael Nadal dahil sa pagkaroon nito ng labing dalawang grandslam titles at nanatiling reigning champion para sa French Open.

Kung mapapansin nyo sa mundo ng tennis, mayroong apat na grandslam tournaments na ginaganap taon taon at sa bawat torneo, may ibat ibang klaseng tennis court surface na pinaglalaruan ang mga players. Kung ang French Open ay clay surface, sa wimbledon naman ay grass at sa US at Australian Open naman ay hard acrylic surface.

Alam nyo ba na ang ating tennis prodigy na si Alex Eala ay nanalo na ng junior grandslam title nitong 2020? Ito ay para sa Australian Open girls doubles kung saan naging kakampi niya ang kapwa asyano na si Priska Madelyn Nugroho nang matalo nila ang dalawang european girls sa finals.

Pinanganak bilang Alexandra Maniego Eala, nasa dugo na ni Alex ang pagiging atleta dahil sa kanyang ina na dating swimmer at naging medalist noong 1985 SEA Games na si Rizza Maniego. Sa edad na trese anyos, sumasalang na si Alex sa iba’t ibang international tennis tournament kung saan minsan niyang nakalaban ang kanyang grandslam winning teammate na si Priska noong July 2018 at magtapos bilang runner up.

Dahil sa kanyang international exposure, nakitaan siya ng potensyal ng Rafa Nadal Tennis Academy at binigyan ng scholarship para sa kanilang programa upang lalo pang mahasa ang kanyang talento sa Tennis. Dito nakasama niya ang kuya niyang si Miko Eala na kakagraduate lang nitong August 2020 at napabalitang maglalaro sa Amerika para sa kolehiyo ng Penn State.

Si Alex ang kauna unahang Filipina tennis player na nanalo ng Grandslam title sunod sa natatanging Filipino na nanalo ng Grand Slam na si Francis Alcantara na nanalo noong 2009 Australian Open Boy’s double event.

Si Alex ang natatanging asyano sa 2020 French Open Girls event at ang pangalawang seeded player sa torneo. Siya ay kasalukuyang na sa third round para sa Girls single event at nasa top 32 na para sa Girls Double event kakampi ang amerikana na si Elvina Kalieva. Suportahan natin ang ating kababayan na si Alex Eala at paniguradong malayo ang mararating nito sa hinaharap.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support