Eugene Torre Story

Ating balikan ang Pinakaunang Asyano na Naging Chess Grandmaster na si Eugene Torre. Pero bago yan ay wag kalimutang mag subscribe at i hit ang notification bell button for more Philippine Sports History

Si Eugenio Torre o mas kilala bilang Eugene ay tubong Ilo-ilo kung saan sya pinanganak noong November 4, 1951. Alam nyo ba na ang kanyang interest sa paglalaro ng Chess ay namulat ng siya ay nakikipaglaro sa kanyang tatlong nakakatandang kapatid? Bilang nakakabatang kapatid ay binibigyan pa siya ng partida kung saan aalisin ang isang opisyal na katulad ng rook o queen para maging patas ang laban ngunit kinalaunay nakakasabay na ang batang eugene sa kanyang mga kapatid kung saan nadiscover ang kanyang potensyal sa Chess.

Simula noon ay nakilahok na siya sa ibat ibang chess tournament sa Pilipinas hanggang siya ay tanghaling Filipino Chess Champion taong 1970 at sa edad na disinwebe anyos. Makaraan ang ilang taon at nasa kolehiyo na si Eugene ay nakiusap siya sa kanyang ama kung pwede bang tumigil muna siya sa pagaaral upang tahakin ang pagiging professional chess player. Ngunit isang kundisyon ang binitawan ng kanyang ama at ito ay kung walang mangyayari sa kanyang tinahak na larangan ay dapat siyang bumalik sa kolehiyo at tapusin ang kanyang pagaaral. And the rest is history, si Eugene Torre ay naging First Asian Chess Grand master sa edad na bente dos anyos. Ito ay nangyari noong siya magkamit ng bronze medal sa board 1 ng 1974 Chess Olympiad na ginanap sa Nice, France.

Pero maiba ako, alam nyo ba na ang unang International Master sa asya ay isang Filipino din? Ito ay walang iba kundi si Rodolfo Tan Cardoso at ang kanyang titulo na IM o International master ay nakuha nya pa noong 1957. Ang qualifikasyon kasi ng IM ay hindi nalalayo sa GM. Para tawagin kang Grandmaster sa mundo ng Chess ay dapat magkaroon ka ng di bababa sa rating na 2500 mula sa FIDE o international Chess Federation na kung ikukumpara sa international master na 2400 lamang. 2622 naman, ang eksaktong rating ni Eugene sa 1974 Chess Olympiad kaya siya ay nagqualify bilang Grandmaster.

1976, dalawang taon pagkatapos siyang tanghaling Grandmaster ay nakalaban niya ang undisputed world champion na si Anatoly Karpov kasama ang dalawa pang GM para sa four-man tournament na ginanap sa maynila. Tinawag itong Marlboro-Loyola Kings challenge at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkampeon ang Filipino GM kontra sa world champion na si Anatoly Karpov. Si Karpov lang naman ang tinuturing na isa sa pinakamagaling na Chess Player sa kasaysayan ng Chess dhil siya ay naging undisputed world champion mula 1975 hanggang 1985 at sa pangalawang pagkakataon mula 1993 hanggang 1999.

Dahil sa kanyang pagkakapanalo kay Karpov ay sinubukan nyang makilahok sa Candidates Tournament para muling maging official challenger sa trono ng World Champion ngunit siya ay naeliminate agad sa Quarterfinals ni Zoltan Ribli na isang Hungarian Grandmaster. Mula sa kanyang pagkakatalo ay hindi na sya sumubok ulit na makilahok sa candidates tournament at maging challenger ng world champion. Sapagkat tinuon nalang ni Eugene ang magbigay ng karangalan sa Pilipinas mula sa mga torneong Chess Olympiad, Asian Chess Championship at Asian Games.

Bilang Grandmaster ay nagkaroon sya ng pagkakataon na maging malapit sa Chess GOAT na si Bobby Fischer kung saan tinulungan nya pa si Fischer na manirahan sa Pilipinas bago lumipat ito sa Japan at Iceland. Naging parte din si Eugene ng rematch ni Fischer at Spassky noong 1992 at nung inilunsad ni Fischer ang Fischer Random Chess noong 1996.

Dahil nabanggit ko narin si Bobby Fischer ay magbibigay lang ako ng konting trivia sa pagitan ni Fischer at ng Pilipinas. Alam nyo ba na may tatlong filipino chess champion ang nakalaban kay Bobby Fischer? Ito ay sina Rosendo Balinas, Rodolfo Tan Cardoso at Renato Naranja? Kung saan napabalita na si Cardoso lang ang tanging pinoy na nakatalo kay Fischer.

Pangalawa naman ay noong makalaban nya ang dating presidente na si Ferdinand marcos at first lady imelda sa isang exhibition game. Ito ay dahil ang pamilya marcos ay mahilig din sa paglalaro ng chess at nagkataon naman na si Fischer ay world chess champion nung mga panahon na iyon.

Pangatlo, eh alam nyo ba na ang unang champion sa Fischer Random ay isang Pilipino? Ito ay naganap noong 2019 ng nilunsad ng FIDE na magkaroon ng official Fischer random chess championship kung saan ang nagkampeon ay ang dating RP Team player na si GM Wesley So kontra sa world chess champion na si Magnus Carlsen.

Kung di lang dahil sa pulitika at kawalan ng suporta mula sa gobyerno, ay si Wesley So na sana ang magtataguyod ng nasimulan ni Eugene Torre para maging flag bearer sa mundo ng chess. Si Eugene Torre ngayon ay huling nakitang nakilahok sa 2019 SEA Games at nanalo ng gold medal para sa event ng Men’s Chess Team Problem. Siya ang may hawak na record na 23rd appearances in Chess Olympiad na nagtapos noong 2016.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa Asia’s First Grandmaster in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support