Nelson Asaytono Story

Sino nga ba si Nelson Asaytono? Bakit wala siya sa 40 Greatest PBA players o kahit PBA Hall of Fame? Anong nangyari kay The Bull pagkatapos ng kanyang PBA Career?

Sino nga ba si The Bull? Si Nelson Asaytono ay isang former PBA player na pinanganak sa San Teodoro, Oriental Mindoro noong January 25, 1967. Siya ay naglaro noon para sa University of Manila para sa coach na si Loreto Tolentino. Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro para sa RP Youth team noong 1986 kasama sina Benjie Paras at Paul Alvarez kung saan nakakuha sila ng silver medal para sa ABC Junior Championships.

Pagkatapos ng kanyang college career at pagrepresenta para sa RP Youth team ay naglaro muna sya ng tatlong taon sa PABL sa kupunan na Magnolia Ice Cream. Kung saan nanalo sila ng tatlong championships sa ilalim ng pamamahala ni Derrick Pumaren. Noong 1989 ay napagpasyahan nya ng magdeclare sa PBA draft pagkatapos ng kanyang successful amateur career. Siya ay napili bilang 2nd overall pick ng Purefoods franchise kung saan naman naging number 1 pick ang Rookie MVP na si Benjie Paras.

Nakita ng mga PBA Analyst at teams na malaki talaga ang potential ni Nelson Asaytono dahil mas nauna pa syang napili kesa kay Bong Alvarez, Dindo Pumaren at Ato Agustin. Para maempasize ko lang ang kanyang basketball skills, sa taas na 6’4 na kadalasang forward o center sa PBA ay masasabing all around player tong si asaytono dahil sa kanyang outside shooting, shot creation, passing ability at isama mo pa ang kanyang high leaping ability na maikukumpara kina vergel meneses at samboy lim.

Sa unang bahagi ng PBA Career nya ay nagmistulang bench player sya para sa Purefoods TJ Hotdogs kung saan kateam mate nya ang powerhouse line up nina Jojo Lastimosa Alvin Patrimonio at Jerry Codiñera. Sa tatlong taon nya sa Purefoods bilang backup sa mga superstar ay nanalo sya ng dalawang kampeonato, naging allstar ng tatlong taon at nagaverage ng 14 points at 5 rebounds per game sa mahigit 20 minutos sa loob ng court.

Wala pang analytics noon para masukat ang efficiency ng isang player at wala pa noong PBA Mr. Quality Minutes award dahil nagsimula lang ito noong 1993 pero walang duda na sa unang tatlong taon nya sa PBA ay maituturing na isa na sya sa pinakamahusay na manlalaro ng PBA. Noong 1992 season, ay naitrade na nga sya sa Swift para sa dalawang first round picks para gawing starter at di naglaon ay lumabas ang kanyang superstar potential

Sa unang taon nya sa swift ay nabigyan na sya ng load na 35 minutes per game kung saan nakakuha sya ng 22points at 8rebounds per game average na masasabing pang MVP candidate na talaga ang kanyang mga statistics. Ngunit sa kasamaang palad ay kasabay nya rin sa MVP race ang prime na Alvin Patrimonio kaya sya ay hindi man lang nabigyan ni isang MVP sa buong PBA career nya. Dito nagsimula ang rivalry na Patrimonio at Asaytono ng PBA.

Nasabi rin ni Patrimonio sa kanyang interview sa TV5 na si Nelson Asaytono nga ang kanyang toughest matchup nung kapanahunan nila sa PBA. Bago tuluyang maitrade sya para kay ato agustin ng san miguel ay natulungan nya muna ang Swift Franchise na magkaroon ng apat na kampeonato sa loob ng limang taon.

Sa apat na taon naman ni The Bull sa san miguel ay hindi nya natulungan ang franchise na ito na magkampeon kahit na nagaaverage sya ng 23 points at 7rebounds sa loob ng 40 minutes per game noong 1997. Dahil ito rin pala ang mga panahon na naghahari naman ang Alaska Milkmen para sa kanilang three peat.

Bakit nga ba wala siya sa 40 Greatest PBA players o PBA Hall of Fame? Masasabi na ang paghahari ng 4 time MVP na si Alvin Patrimonio at pagkakaroon ng three peat ng Alaska ang mga naging balakid para makakuha sya ng MVP award at mabigyan ng kampeonato ang San miguel na maaaring tinignan ng mga selection committee para hindi sya isama sa PBA Hall of Fame o kahit man lang sa 40 greatest PBA players of all time.

Pero sapat na bang basehan un para isawalang bahala ang karera ni Nelson Asaytono? Icompare natin ang achievements nya sa isang player na nakapasok sa top 40 Greatest player na si Kerby Raymundo, disclaimer lang mga kapatid hindi ito para idowngrade ang mga nagawa ni Kerby para sa PBA, ito ay para iemphasize lang ang logic ng PBA selection committee

Si asaytono ay seven time PBA Champion, 3time Mythical first team, 4time Mythical second team, 2time best player of the conference, 9time all star player. Pero ang pinakaunderrated na achievement nya sa buong PBA Career nya ay ang pagkakaroon ng 12268 points na kasalukuyang nasa top 5 all time scoring list ng PBA na napakalayo sa mga active players ngayon na nasa 40 greatest players na sina Mark Caguioa at James Yap

Anong na nga ba ang nangyari kay The Bull pagkatapos ng kanyang PBA Career? Ayon sa interview ng TV5 noong 2012 ay naging parte sya ng AIM Global na isang networking company sa Ortigas at minsang napapalaro rin sa mga PBA Charity game sa kupunan ng purefoods at san miguel. Nitong 2020 buwan ng abril, ay nabalitang nagkaroon sya ng heart attack at Na ICU pa itong si the bull habang holy week at nasa ECQ ang buong pilipinas.

Siya ngayon ay nakatira sa General Trias sa Cavite kasama ang kanyang mga anak. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only The Bull ng Philippine Sports History.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support