Robert Jaworski Story

Sino nga ba si Jawo o si Robert Jaworski? Sa kanya ba nagsimula ang never say die attitude ng Ginebra? Siya ba ang oldest player to play in PBA?

Sino nga ba si Jawo? Si Robert Jaworski ay pinanganak sa Baguio City noong March 8, 1946. Ang kanyang ama ay si Theodore Vincent Jaworski na isang Polish American habang ang kanyang ina naman ay isang Ilocana na si Iluminada Bautista Salazar. Siya ay laking kalye ng Maynila kung saan siya natuto maglaro ng basketball. Siya ay nagaral ng kolehiyo sa University of the East kung saan tinulungan nya itong manalo ng back-to-back UAAP Championships noong 1965 to 1966.

Bago pa sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna siya para sumali sa RP Team para sa 1966 Asian Games at 1967 Asian Basketball Championship. Noong 1967 ay nagkatagpo sila | ng greatest filipino basketball player of all time na si Carlos Loyzaga bilang coach nya sa YCO Painters. Pero pagkaraan ng isang taon ay lumipat na sya sa MERALCO REDDY Kilowatts at kung saan nya nakuha ang unang MVP Award nya noong 1970.

Minsan narin syang nasangkot sa paggulpi ng referee sa loob ng basketball game kasama si Big Boy Reynoso, kung saan pinatawan sila ng Lifetime ban ng Basketball Association of the Philippines. Dahil dito, ay hindi sila nakasali sa Olympic Games noong 1972 kung saan tayo ay inabot lang ng 13th place. Nasaksihan ito ng Filipino basketball fans na ano kaya ang nangyari kung nandun ang reigning MVP na si JAWO? Nagkataon kasi na eto rin ang pinakahuling
taon na nagqualify tayo para sa basketball olympics.

Marami ang nanghinayang sa galing ni Jawo kung mapupunta lang sa lifetime ban ang laro nya, kaya inaksyunan to ni Gimo De Vera na isang sports official na lumapit sa dating presidente na si Ferdinand Marcos para tanggalin ang lifetime ban para kay Jaworski at Reynoso. Dahil dun ay nakapaglaro ulit sila ng basketball lalo na nung inirepresenta nila ulit ang Pilipinas para sa 1973 ABC Championship kung saan nanalo sila ng Gold Medal.

Simula nung 1973 ay lumipat na siya sa Toyota Franchise kasama ang mga former Meralco players na sina Acuña, Arnaiz, Reynoso at Bauson. Naging parte sya ng Toyota sa loob ng sampung taon kasama si El Presidente Ramon Fernandez. Sila ay nanalo ng siyam na kampyeonato kasama narin ang pagiging PBA MVP noong 1978 kung saan sya muntik magtala ng triple double average na 20 points 12 assist at 9 rebounds. Eto rin ang dahilan kung bakit sya Tinawag na Big J, dahil nahalintulad ang laro nya sa NBA triple double legend na si Oscar robertson na kung tawagin ay Big O.

Pagkatapos ng 1983 season ay nadisband na ang Toyota franchise at naibenta na sa Basic Holdings at sa team ng Beer Hausen. Hindi pumayag si Jaworski sa idea na maglaro para sa Beer Hausen kasama si Ramon Fernandez kaya siya ay kinuha ni Carlos Palanca sa Gilbey’s Gin na sya namang PBA President nung mga panahon na yun. Dito nagsimula ang pamamayagpag ng Ginebra franchise dahil sa duo na Jaworski at Arnaiz.

Alam natin kung bakit sya tinawag ng Big J, pero bakit nga ba sya tinawag na living legend? Sa edad ng trenta iotso kung saan ay nagreretiro na ang mga basketball players, ay sa ganitong edad palang sya nagsimulang maglaro para sa Ginebra Franchise na nagtagal pa ng 14 years. Mula trenta iotso hanggang singkwenta idos anyos ay naging playing coach sya kung saan nangyari ang mga never say die moments nya sa loob ng basketball court.

Pero alam nyo ba na ang unang taon nya ay hindi pa sya playing coach sa Ginebra at naglaro muna siya para sa coach na si Arturo Valenzona na dati nyang karibal sa MICAA days. Nagkaroon sila ng power struggle nung unang taon ni Jaworski sa Ginebra hanggang nakapagdecide na ang management na subukang gawing playing coach si Jawo.

Ang hindi nating malilimutang istorya sa karera ng basketball ni Sonny Jaworski ay ang laro kung saan nagsimula ang Never Say Die mantra ng Ginebra. Ito ay naganap noong October 22, 1985 kalaban ang Northern Consolidated Cement. Simula palang ng laro ay naging pisikalan na para sa Ginebra at NCC na di naglaon ay nagresulta sa pagkasiko sa nguso ng NCC import na si Jeff Moore kay Jawo nung second quarter. Siya ay tinakbo sa pinaka malapit na hospital para tahiin ang kanyang nguso na nagresulta ng pitong stitches. Siya ay nakabalik sa game nung second half para ipagpatuloy ang laro kung saan nila tinalo ang NCC sa score 99-96.

Ito ang ginawa nilang battle cry sa bawat game at nagtala ng several comebacks para sa kupunan ng Ginebra. Sa loob ng 14 years ay natulungan nya ang Ginebra franchise sa apat na kampeonato sa PBA. Sa edad na kwarenta pataas ay naging parte pa sya mythical first at second teams at All defensive team. Noong 1998, ay tuluyang iniwan na ni Robert Jaworski ang larong basketball para maging senador ng Pilipinas na nagtagal hanggang 2004.

Pagkatapos ng kanyang political career ay maraming naguudyok sa kanya para bumalik sa PBA bilang coach o commisioner pero mas pinili nya nalang lumagay sa pribadong buhay na kasama ang kanyang pamilya. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only Living Legend ng Philippine Sports History.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support