Samboy Lim Story

Sino nga ba si Samboy Lim? Siya ba ang tinaguriang Michael Jordan ng PBA? Kamusta na kaya ang kalusugan at kalagayan niya ngayon?

Sino nga ba si Skywalker? Si Avelino Borromeo Lim Jr. o kilala bilang Samboy Lim ay isang former PBA player na pinanganak sa Maynila noong April 1, 1962. Kinse anyos palang sya noon nung nadiscover sya ng Colegio de San Juan de Letran nang makita nila si Samboy na naglalaro sa Phil Am Life Homes sa Quezon City.

Siya ay naglaro para sa coach na si Larry Albano kung saan nya tinulungan ang Letran Knights ng magkaroon ng NCAA grandslam title noong 1982 hanggang 1984. Siya ay consistent MVP contender simula nung pagapak nya palang sa NCAA, kung saan naging katunggali pa nya ang kanyang mga teammates na sina Jerry Gonzales at Romeo Ang bago nya makuha ang 1984 NCAA MVP.

Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro para sa NCC squad para irepresenta ang pilipinas sa Jones Cup, SEA Games at Asian Basketball Championships bago tuluyang madisband ang kupunan kasabay ng pagbagsak ng Marcos government. Ito ay pagmamayari ni Danding Cojuangco at karamihan ng kanyang mga player dito ay pinasok nya sa kanyang kupunan sa PBA na San Miguel Beermen.

Sa kanyang international games bilang manlalaro ng Pilipinas ay nakakuha sya ng dalawang ginto mula sa FIBA Asia at Silver at Bronze naman mula sa Asian Games. Bago sya tuluyang sumali sa San Miguel Beermen team ay lumahok muna sya PABL para sa kupunan na Lhuillier Jewelers kung saan kasama nya dito sina Jojo Lastimosa at Al Solis na tulungan ang kupunan para makakuha ng kampeonato.

Noong September 1986 ay nabigyan na sila ng pahintulot ng BAP na mairelease mula sa pagiging amateur player ng NCC patungong professional basketball player para sa San Miguel (na kuntawagin dati ay Magnolia Cheese). Ang unang dalawang taon nya sa liga ay naging masalimuot na agad para sa kanyang karera dahil alam naman natin ang PBA noon ay punong puno ng pangugulang kung saan naging sentro ng atensyon ang ating Skywalker. Kilala si Samboy Lim bilang high flyer at ito din ang naging weakness nya sa PBA dahil sa pangsasahod ng mga magugulang na player kaya sya ay naging injury prone nung mga panahon na iyon.

Pagkatapos ng dalawang masalimuot na taon para kay Samboy ay tinulungan nya ang San Miguel Franchise na manalo ng apat na sunod sunod na kampeonato kung saan nag grandslam sila para sa taong 1989. Apat na taon simula ng pumasok sya sa PBA ay doon palang sya nagkaroon ng injury free season, siguro ay dahil binalaan na ang mga birador ng PBA na wag muna tirahin si Samboy Lim dahil irerepresenta nya ang Pilipinas para sa Asian Games kung saan nga tayo nakakuha ng Silver Medal. Nakabilang din sya bilang Mythical Five ng 1990 Asian Games at matuturing na isa sa pinakamagaling at respetadong RP Team player na hinahangaan sa buong asya.

Di pa uso ang mga katagang crossover at eurostep nung mga panahon na yon pero matagal ng ginagawa ni Samboy un kung saan bihira pa ang mga screens noon. Masasabi na sya ang pioneer ng pagiging high flyer sa PBA na sinundan nina Vergel Meneses at Nelson Asaytono noong 1990s.

Dahil dito ay nabansagan syang Michael Jordan ng PBA ng tatlong magkakaibang tao noong mga kapanahunan nya. Una ay nung nafeature sya ng Chinese writer nung nasaksihan nya si samboy sa international scene at minsang bumisita sa Pilipinas kung gaano ba talaga ka-sikat si Samboy para sa mga Pilipino Fans. Pangalawa ay mula sa kanyang coach na si Ron Jacobs noong pinaopera nya ito sa Amerika at nagbanggit ng salitang “Please Fix Samboy, He is my Michael Jordan”. Pangatlo ay mula sa PBA commentator na si Joe Cantada nang masaksihan nya ang 1990 Allstar Game kung saan gumawa si Skywalker ng 42 points para makuha ang Allstar Game MVP award.

Pagkatapos ng 1990 season ay bumalik ulit ang pagiging injury prone ni Samboy Lim. Mula 1990 hanggang 1997 ay dalawang kampeonato nalang ang naibigay nya para sa San Miguel Franchise at hindi man lang nakatanggap ni isang MVP award para sa PBA. Pero sa lahat ng nakasaksi at nakapanood ng Prime Samboy Lim ay matuturing na MVP siya sa puso ng nakakarami dahil sa buwis buhay nitong paglalaro sa loob ng court.

Ano na nga ba ang nangyari kay Samboy Lim pagkatapos ng kanyang PBA career? Sa loob ng siyam na taon na paglalaro sa PBA ay bumalik sya sa PBL para maglaro ng isang taon para sa Welcoat House Paints at kinalaunan ay naging team manager nito.

Naging team manager din siya para sa kanyang kupunan na San Miguel at sister team nito na Barangay Ginebra. Noong 2005 ay naglaro sya para sa PBA Greatest Game kung saan nagtala sya ng 29 points na ginanap sa Araneta Coliseum. Sa kanyang retirement season ay pinagpatuloy parin ni samboy ang pageeherisyo at pagtuturo sa mga basketball clinics kaya makikita nyo itong fit at healthy

Kaya nakapagtataka na nacomatose si Samboy noong naglaro sya para sa PBA Legends exhibition noong November 28, 2014 noong sya ay nasa bench pagkatapos nyang lumabas sa game. Siya ay na ICU sa Medical City ng dalawang buwan bago makalabas sa hospital at ipagpatuloy ang therapy. Kung mapapansin nyo ay halos katulad din ito nang nangyari kay Bong Tan na anak ni Lucio Tan kung saan ay nagcollapse din ito sa isang exhibition game.

Marahil hindi na akma ang kanilang katawan para sa high cardio activity na kagaya ng basketball kaya sila nagcollapse at nahimatay sa loob ng game. Si Samboy ngayon ay kasama ng kanyang mag-ina na si Darlene Marie Berberabe na dating presidente at CEO ng pagibig fund at nang kanyang anak na isang Karate Gold medalist nung 2019 SEA Games at Summa Cum Laude ng UP kung saan huling nakita si Samboy ukol sa kanyang kalagayan ngayong 2020.

Siya ngayon ay di na makakita, makapagsalita at makatayo na naging epekto sa kanya ng biglaang collapse at comatose noong 2014. Si samboy Lim ay kabilang sa top 25 at 40 greatest PBA players of all time at nahirang sa PBA hall of fame noong 2009 at bilang pagkilala sa kanyang sportsmanship ay pinangalan sa kanya ang PBA sportsmanship award.

Makikita din ang kanyang estatua na handog ng Valenzuela City Government noong 2018 bilang pagkilala sa ating PBA Legend. Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only The Skywalker ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support