Alvin Patrimonio Story

Ating kilalanin ang tinaguriang Captain Lionheart ng PBA na si Alvin Patrimonio

Kapag napaguusapan ang top 5 PBA players of all time ay hindi mawawala ang greatest power forward sa kasaysayan ng liga na si Alvin Patrimonio. Siya lang naman ang pangalawang player na naging back to back MVP at naging four time MVP sa kasaysayan ng PBA. Pero bago yan ay atin munang kilalanin kung paano nagsimula si The Captain.

Si Alvin Vergara Patrimonio ay pinanganak noong November 17,1966 sa Quezon city. Siya ay nagaral ng kolehiyo sa Mapua Institute of Technology kung saan natamo nya ang back to back NCAA MVP ngunit nabigong makakuha ng kampyunato para sa kanyang kupunan. Bago sya pumasok ng PBA ay naglaro muna siya sa PBL ng dalawang taon para sa YCO Shine Masters at Swift Hotdogs kung saan natulungan niya ito manalo ng mga kampyunato.

Dahil sa pinakitang gilas ni Alvin sa PBL ay kinuha siya ng bagong tatag na PBA franchise na Purefoods Hotdogs noong 1988 kasabay ang kapwa direct hires na sina Glenn Capacio, Jojo Lastimosa, at Jerry Codiñera. Ang bagong franchise ng PBA ay loaded ng veterans at rookies kasama si Ramon Fernandez at Freddie Hubalde at ang number 1 pick ng 1988 draft na si Jack Tanuan kung saan sa unang dalawang conference nito ay umabot agad sila sa finals ngunit nabigong makuha ang kampyunato kontra sa San Miguel at Añejo.

Pagkaraan ng dalawang taon ay unti unting nawala ang mga core players ngunit hindi ito naging hadlang para kay Alvin para dalhin ang Purefoods sa kauna unahan nilang charmpionship title kontra sa Alaska noong third conference ng 1990 PBA season. Noong best of five championship series na iyon ay lamang na ang Alaska ng 2-0 at isa nalang ay masisilat na nila ang kampyunato pero sa kahusayan ng legendary coach na si Baby Dalupan ay naihabol nya pa ang purefoods na nagtapos sa 3-2 para makuha ng franchise ang kauna unahan nilang tropeo sa PBA.

Taong 1991 ay naging free agent si Patrimonio upang siya ay maofferan ng ibat ibang teams kagaya ng Pepsi Cola na umabot sa halagang 25 million sa loob ng limang taon kung saan ito ang naging record breaking salary para sa isang PBA player noong panahon na iyon ngunit ito ay tinapatan ng Purefoods upang siya ay manatiling star player ng kanilang franchise. Sa tulong ng kanyang partner na si Jerry Codiñera ay nakakuha pa sila ng karagdagang apat na PBA championship bago sila tuluyang maghiwalay dahil si Codiñera ay naitrade para sa Mobiline Center na si Andy Seigle.

Bago tuluyang magretiro si The Captain noong 2004, ay nabigyan niya pa kampyunato ang Purefoods franchise noong 2002 Governor’s cup bago pa dumating ang era ni James Yap. Siya ngayon ang third highest scorer at fourth highest rebounder sa kasaysayan ng PBA at may reputasyon na pangalawang pinakasikat na manlalaro kasunod ni Robert Jaworski.

Sa kabuuan ng kanyang basketball career ay nakalikom siya ng mga awards na 4time PBA MVP, 6time PBA Champion, 3 time PBA Bestplayer of the conference, 12 time PBA all star at naging miyembro ng 25 Greatest PBA players at PBA hall of fame noong 2011. Siya rin ay nagkaroon ng isang silver at dalawang bronze ng irepresenta nya ang Pilipinas sa Asian Games at sa kanyang pagkakaretiro ay nabansagan naman siyang greatest power forward in PBA history.

Dahil sa kanyang kasikatan ay pinasok nya rin ang showbiz at nakabuo ng mga pelikula katulad ng Bondying, Last Two Minutes, Dobol Dribol, Tasya Fantasya at isang indie film na Dalaw. Si The Captain ngayon ay nakatira sa Cainta, Rizal kasama ang kanyang asawa na si Cindy at apat nitong anak na si Angelo, Christine, Clarice at Asher. Siya ay nananatiling Team manager ng Purefoods franchise simula noong 2004 at naging miyembro din ng UST at NU Bulldogs coaching staff bilang assistant coach.

Sa paglisan ni James Yap at coach tim cone pagkatapos ng kanilang grandslam season ay kaya pa kayang makabuo ni Patrimonio ng isang team para sa isa pang grandslam season? Yan ang dapat nating abangan sa darating na PBA season.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa nagiisang Captain Lionheart in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support