Sino nga ba si Ceferino Garcia? Siya ba ang nagpauso ng Bolo Punch? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang boxing career?

Ito ang pangalawang episode sa ating series na Forgotten Filipino Athletes, sa series na ito ay paguusapan natin ang mga nakalimutang atleta sa kasaysayan ng Pilipinas. Sino nga ba si Ceferino Garcia? Siya ay isang former Filipino boxer at former Middleweight champion noong 1930s. Siya ay pinanganak sa Caraycaray, Naval, Biliran sa probinsya ng Leyte noong August 26, 1906

Siya ang panganay sa magasawang Fortunato Garcia at Pascuala Montano, at siya ay hindi nakapagaral ng elementarya at naging laman ng lansangan kung saan nya natutunang magsugal. Dito nag simula ang pagiging siga niya sa lansangan at wala sinomang sumubok na makipagsuntukan sa kanya dahil sa angking nitong lakas.

Dahil dito ay nadiscover sya ng isang boxing promoter habang sya ay nagttrabaho bilang panadero sa Cebu City. At dito nagsimula ang kanyang interest para makilahok sa larangan ng boxing.

Siya ay nagsimulang maging professional boxer noong May 5, 1923 sa edad na disi sais anyos kalaban ang kapwa pilipino na si Pedro Del Mundo. Pagkatapos ng siyam na taon na pakikapagsapalaran nito sa Maynila ay nabigyan sya ng opportunidad para makapaglaro sa Amerika. Simula 1932 ay nagsimula na nga ang American dream ni Ceferino Garcia at lahat halos ng laban nito ay puro sa Amerika na at hindi na bumalik ng Pilipinas

Limang taon mula nung tumungtong sya sa amerika, ay nabigyan din sya ng world Championship fight para sa The Ring and Lineal title ng welterweight division ito ay laban kontra kay Barney Ross na ginanap sa Polo Grounds, New York noong september 23, 1937. Siya ay natalo via unanimous decision. Pagkatapos ng laban na iyon ay nagkaroon sya ng 10 consecutive wins sa loob lang ng isang taon at dalawang buwan ito ay para maging contender ulit sa kaparehong titulo pero sa panibagong champion na si Henry Armstrong.

Ngunit bago yan, sya nga ba ang nagpauso ng Bolo Punch na ginagamit ng mga boxing legends na si Sugar Ray Leonard at Roy Jones Jr.? Ang bolo punch ay ang pinagsamang Cross at Wide Uppercut
na kadalasang ginagamit ng mga orthodox fighters. Ayon sa aking pananaliksik, siya ang unang sikat na boxer na nagpakilala nito na lalo pang pinasikat ni Kid Gavilan nung 1950s. Ang totoong nagimbento nito ay isang kapwa filipino boxer na si Macario Flores noong 1924.

Nakakagulat ang tibay ng ating boxing legend dahil tumagal sya sa loob ng ring kasama ang isang legendary knockout artist na si Henry Armstrong sya muli ay natalo via Unanimous Decision. Pagkatapos ng dalawang taon ay sila ay nagrematch ulit for a non title fight pero ito ay nagresulta sa Draw

Hindi na nagkaroon ng tsansa muli ang ating boxing legend para sa mga titulo ng The Ring and Lineal welterweight title subalit sya ay naging contender sa Middleweight division para New york state athletic commision belt na maituturing na world title belt noong panahon na iyon.

Ito ay kanyang napanalunan noong 1939 nang tinalo nya ang champion na si Fred Apostoli at nadepensahan nya lang ito ng isang beses kontra kay Glen Lee bago tuluyang makuha sa kanya ng katungaling si Ken Overlin. Dito na nagsimula ang pagbagsak ng kanyang boxing career at tuluyang nagretiro sa boxing noong 1944 sa edad na trenta iotso.

Ano nga ba ang nangyari kay Bolo Punch Pagkatapos ng kanyang boxing career? Siya ay minsang naging aktor sa pelikulang “Joe Palooka, Champ” sa isang Cameo Role na pagiging boxer. Siya din ay minsang naging driver at bodyguard ng sikat na Actress na si Mae West na naging sex symbol nung mga kapanahunan na iyon. Siya ay may asawa na si Mary Garcia at nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Maureen, Vicki at Ceferino Jr.

Siya ay pinangaralan bilang boxing hall of fame ng dalawang beses una ay mula sa the ring magazine hall of fame noong 1977 pangalawa naman ay sa World Boxing Hall of Fame noong 1989. Namatay sya noong January 1, 1981 sa edad na sitenta ikwatro sa San Diego California. Matuturing na sya ay ang unang Middleweight World Champion boxer para sa Pilipinas. Ito ang buhay ni Ceferino Garcia at siya ay isa sa mga Forgotten Filipino Athletes sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support