Benjie Paras Story

Ating kilalanin ang kauna unahang PBA Rookie MVP na si Benjie Paras Pero bago yan ay wag kalimutang mag subscribe at i hit ang notification bell button for more Philippine Sports History

Kapag sinabing Rookie MVP, ang unang papasok sa ating isipan ay walang iba kung hindi si Benjie Paras. Siya lang naman ang number 1 draft pick ng kupunang Formula Shell noong 1989 PBA draft kung saan siya ang rookie of the year at Most Valuable player ng season na iyon. Pero bago yan ay atin munang talakayin kung sino si Benjie Paras sa loob at labas ng hard court.

Si Venancio Johnson Paras Jr. o mas kilala bilang Benjie ay pinanganak noong October 2, 1968 sa Caloocan City. Siya ay unang nakita maglaro para sa San Beda red lions highschool varsity team kasama ang future pba players na sina Dindo Pumaren, Ronnie Magsanoc, eric altamirano at Gerry Esplana. Pagtungtong naman nito sa kolehiyo ay lumipat na siya ng kupunan kasama ang kanyang mga teammates na sina Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano para pangunahan ang pangalawang UAAP championship sa kasaysayan ng University of the Philippines.

Dahil sa kanyang pinamalas na galing sa kolehiyo, ay isinama siya ng kanyang college coach na si Joe Lipa sa roster ng 1986 RP Youth team para makilahok sa 9th ABC Youth championship kung saan siya lang naman ang naging top scorer ng kupunan na umabot sa championship round kalaban ang team China ngunit nabigong makuha ang gintong medalya.

Nagbunga naman ang kanyang mga achievements mula sa kolehiyo at international basketball scene dahil siya ang naging consensus no.1 overall pick ng 1989 pba draft para sa kupunang Formula Shell. Dito ay nakasama nyang muli ang kanyang partner na si Ronnie Magsanoc at panandaliang naging coach niya rin sa professional league ang kanyang college coach na si Joe Lipa. Binansagan siyang Tower of Power dahil sa unang pagpasok niya sa liga ay dinomina nya ang scoring at rebounding kung saan nagaaverage siya ng 24 points at 10 rebounds per game para tanghaling PBA MVP kasabay ang pagiging rookie of the year. Ito lang naman ang taon kung saan nag grandslam ang San Miguel beermen ngunit sa kadahilang stats pa ang basehan noon para tanghaling MVP ay wala talagang maikukumpara sa Tower of Power na isang double double machine.

Pagkatapos ng grandslam season ng sanmiguel noong 1989 ay sa unang conference palang 1990 pba season ay muling nagpasiklab ang 1st PBA rookie mvp na tulungan ang kanyang kupunan na magkampeon kontra sa Añejo Rhum na pinamumunuan ni Robert Jaworski. Nasundan pa ito ng tatlong kampeonato sa 1992 First Conference, 1998 Governor’s cup at 1999 All Filipino kung saan ang taong 1999 PBA Season naging pinaka productive si Paras dahil nakuha nya dito ang mga award na PBA Comeback player of the year, Best player of the conference noong all filipino at pangalawang MVP Award.

Pagkatapos ng kanyang 2nd mvp season ay muling tinamaan ng injury si benjie kung 44 games lang ang nalaro nito sa sumunod na tatlong taon at sa taong 2003 ray huli syang naglaro para sa kupunan ng San Miguel Beermen bago tuluyang magretiro sa edad trenta isingko anyos. Ito ay para makapagfocus na sa acting and comedy career na unti unti nyang binubuo kasabay ng paglalaro ng basketball katulad ng mga tv shows na Palibhasa Lalake, Oki Doki Doc, at Kool Ka lang.

Kahit na maagang nagretiro si Benjie sa mundo ng basketball ay nakuha naman nya ang lahat ng titulo na inaasam ng bawat PBA player at ito ay ang pagiging 4x PBA Champion, 2x PBA MVP, 1989 Rookie of the Year, 5x Mythical first team, 3x Mythical second team, 1x Best player of the conference, 1999 Comeback player of the year, 1x slamdunk champion, eight time pba all star, 2x Allstar MVP, at naging silver medalist ng irepresenta nya ang Pilipinas sa 1990 Asian Games

Dahil sa di matatawarang contribusyon na ginawa ni Benjie para sa PBA, ay nahirang siya sa 25 Greatest PBA players of all time at PBA hall of fame class of 2013. Si Benjie ngayon ay nananatiling aktibo sa showbiz at sa pagiging assistant coach ng San Beda college. Siya ang ama ni Andre at Kobe Paras kung saan naman namana ng magkapatid ang husay sa paglalaro ng basketball. Si Benjie ay masayang namumuhay kasama ang asawa nyang si Lyxen Diomampo at ng kanilang tatlong mga anak.

Hanggang sa ngayon, ay wala paring nakakagawa ng Rookie MVP sa PBA bukod kay Benjie Paras at kung meron mang magtangka ay dadaan muna siya kay JuneMar Fajardo na 6time consecutive PBA MVP. Ngunit may isang natatanging player na muntikan na mahagip ang pagiging rookie mvp at ito ay si Danny Seigle. Siya lang naman ang kalaban ni Benjie sa 1999 PBA MVP race at kung hindi lang sa fil-am issues noon ay may pangalawang rookie mvp na sana sa kasaysayan ng PBA. Makakaya kaya ng kanyang anak na si Kobe Paras na former NBA prospect at incoming PBA player na maging pangalawang PBA Rookie MVP? Ito ang dapat nating abangan sa susunod na season.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa natatanging Tower of Power in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support