Sino nga ba si Onyok Velasco? Nadaya nga ba siya noong 1996 olympics para sa unang gintong medalya para sa Pilipinas? Bakit hindi siya nag professional boxing pagkatapos nya sa olympics?

Sino nga ba si Onyok Velasco? Si Mansueto Velasco Jr. o kilala bilang Onyok Velasco ay isang former amateur boxer na pinanganak sa Bago, Negros Occidental noong January 10, 1974. Nasa pamilya na ni onyok ang pagboboxing dahil ang kapatid nito na si Roel Velasco ay isang olympic medalist din noong 1992 Summer Olympics.

Kagaya ng kanyang kapatid, si onyok ay nasa timbang 48kg para sa light flyweight division bilang amateur boxer ng Pilipinas. Bago sya nakatungtong sa Olympics ay naging Gold medalist muna sya nung 1994 Asian Games. Sa unang salang palang nya sa 1996 Atlanta Olympcs ay nagpakitang gilas agad sya ng patumbahin nya ang taiwanese boxer na si chih hsiu tsai sa loob lang ng 2 minuto at bente syente sigundos

Pero bago sya nakapasok para sa gold medal matchup ay tinalo muna nya ang mga boxers na sina Yosvani Aguilera ng Cuba, Hamid Berhili ng Morocco, at Rafael Lozano ng Spain. Bago sya napatapat kay Daniel Petrov Bojilov, na kasabayan pala ng kanyang kuya sa 1992 Olympics dahil si Petrov ang naging Silver Medalist noon samantalang bronze medalist naman si Roel Velasco.

Sa Gold Medal Match nga ay nagharap na tong si Onyok at si Petrov na makikita ang height advantage ng bulgarian sa ating pambato. Itong highlights na ipapakita ko ay magfocus muna kaya sa scoring kung paano nadaya si Onyok. Tatlong paraan sya nadaya sa loob ng boxing ring, una ay ang hindi pag score sa kanyang malilinis na suntok, pangalawa naman ay ang pagscore sa kalaban kahit hindi malinis ang suntok, at ang pangatlo ay ang pagscore sa kalaban kahit si onyok mismo ang nakasuntok.

Kung napansin nyo sa first round ay mukhang napuruhan pa nga si petrov sa isang straight ni Onyok kung saan naghahanap pa ng timeout ito na hindi pinayagan ng referee at syempre wala ding iscore para sa ating pambato na si onyok.

Pero nung third round kung saan napuruhan si Petrov, ay wala paring nabigay na iscore para kay onyok at kung makikita nyo ay puro paatras na itong bulgarian ng biglang tinigil ng referee at nagbigay ng 5 second timeout sa loob ng laban para magbigay ng breathing room para kay petrov

Itong laban na ito sana ang magbibigay ng unang gintong medalya para sa Pilipinas mula s a Olympic Games. Pero alam nyo ba na ang unang silver medal natin sa olympics ay nagresulta din sa isang controversial decision? Ito ay noong matalo si Anthony Villanueva sa isang russian boxer sa score na 3-2. Ito ay ginanap noong 1964 Tokyo Olympics.

Naging mailap nga ang gintong medalya para sa pilipinas at ayon sa ating olympic history ay tatlong tao palang ang nagbigay ng silver medal para sa ating bansa. Si Anthony Villanueva, Onyok Velasco at si Hidilyn Diaz na 20 years in the making mula nung manalo si Onyok noong 1996.

Noong manalo nga si Hidilyn Diaz noong 2016, ay nabuksan na naman ang issue para sa incentives para kay onyok velasco na 2.5 million na pinagusapan noon ng kongreso at senado bilang pabuya sa natamo nitong medal. Humingi siya ng tulong sa ating Pambansang kamao na tyempo namang kakapanalo lang bilang senador ng pilipinas. Kung magkakataon daw na maibigay sa kanya ang incentive ay ipang tatayo nya ito ng boxing gym para maghubog pa ng mga future boxing champions para sa pilipinas.

Marami din ang nagtatanong kung bakit nga ba hindi nagprofessional boxer si onyok? Ayon sa kanyang interview, noong dekada nobenta ay hindi pa ganun kalaki ang pera para sa professional boxing. Maaaring wala ding nakapansin sa kanya na mga bigtime promoter para ipromote sya bilang professional boxer. At nabanggit nga nya na nahihirapan sya umakyat ng timbang lalo na’t kadalasang may height advantage ang kanyang mga kalaban.

Ano nga ba ang nangyari kay Onyok Velasco Pagkatapos ng kanyang amateur career? Sa mga hindi na naabutan ang kanyang boxing career ay nakilala natin si onyok bilang comedian sa mga variety shows mapa GMA, ABSCBN o TV 5. Isa sa mga TV shows na tumatak sa atin ay ung nagsama sila ni Manny Pacquiao sa isang comedy show na pinamagatang Show me The Manny.

Makikita parin si Onyok ngayon sa isang youtube channel kung saan anak nya ang bida na si Ry Velasco. Maraming millenial na ngayon na kilala lang si onyok velasco bilang komedyante at hindi bilang isang boksingero na nagbigay ng karangalan para sa ating bansa.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa one and only Onyok ng Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the Video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support