Ramon Fernandez Story

Ating kilalanin ang all time leading scorer ng PBA na si Ramon Fernandez

Kapag napaguusapan kung sino ba ang greatest PBA player of all time ay hindi mawawala sa diskusyon ang nagiisang El Presidente na si Ramon Fernandez. Dahil siya lang naman ang all time leader in scoring, rebounding, blocks, free throws made at minutes played sa kasaysayan ng PBA. Ngunit atin munang alamin kung sino nga ba si El Presidente.

Si Ramon Fernandez ay pinanganak noong October 3, 1953 sa Maasin City, Leyte at nagaral ng kolehiyo sa University of San Carlos sa Cebu City. Taong 1972, ay naimbitahan na siya sa MICAA upang maglaro para sa San Miguel Braves ngunit pagkatapos ng rookie season nito sa liga ay lumipat na siya sa Toyota Comets upang maging kakampi si Robert Jaworski na kakagaling lang sa suspension at bumuo ng powerhouse team na kayang tapatan ang star power ng Crispa Redmanizers.

Si El Presidente ay parte ng Crispa Toyota Rivalry na nagsimula pa sa MICAA noong 1973 hanggang sila ay lumipat sa PBA kung saan nagtagal lang ang kupunan hanggang 1983 season. Natulungan nya ang kupunan na makakuha ng sampung kampyunato, isa sa MICAA at siyam naman mula sa PBA at bago madisband ang toyota ay nakuha nya ang kanyang unang MVP trophy sa loob ng sampung taon nya sa professional basketball. Pero bago pa madisband ang toyota ay mayroon ng namumuong alitan mula sa dalawang star players nito sa pagitan ni Jaworski at Fernandez kung saan tuluyan silang naghiwalay kasabay ng pagkawala ng toyota sa PBA.

Simula ng masalimuot na pagkakawatak watak ng Toyota ay hindi naging madali para kay El Presidente na makakuha ng permanenteng team dahil sa loob ng apat na taon pagtapos madisband ng toyota ay nagpalipat lipat sya sa apat na team na Beer Hausen, Tanduay, Purefoods at San Miguel kung saan ang beermen ang huling naging tahanan nya hanggang siya ay magretiro sa basketball. Pero alam nyo ba na kahit palipat lipat ng team si Ramon Fernandez ay nakuha nyang maging MVP sa mga kupunan na iyon? Dahil siya lang naman ang hinirang na kauna unahang four time MVP at ang nagiisang PBA player na naging MVP sa apat na magkakaibang team. At kung hindi lang dahil sa Rookie MVP na si Benjie Paras ay naging five time MVP siya dahil siya lang naman ang nanguna para sa Grandslam team ng San Miguel Beermen.

Bukod sa pagiging alltime stats leader, si Ramon Fernandez din ang may hawak sa record na 19 PBA championship rings kung saan ang siyam ay mula sa Toyota, tatlo naman mula sa Tanduay, at pito mula sa San Miguel Beermen. Ang kanyang Greatest of all time status ay lalong mas pinatibay ng pagkakaroon ng Grandslam season noong 1989 para sa San Miguel. Bukod sa pagiging four time MVP ay naging miyembro siya ng Mythical First team ng labing tatlong beses at sa mythical second team ng tatlong beses.

Pero alam nyo ba na sa tinagal tagal ni El Presidente sa PBA ay nagkaroon lamang siya ng anim na PBA All Star appearances. Ito ay sa kadahilanang ang PBA all star game ay nagsimula lang noong 1989 season kung saan muling nagkita at naging magkakampi si Jaworski at Fernandez kung saan ang Veterans team ay kalaban ang Rookies sophomores team na nagtapos 132-130 pabor sa mga beterano. Ang tirang nagpanalo sa laban ay mula kay Ramon Fernandez na galing sa inbound pass ni Robert Jaworski kung saan ito ang naging tie breaker at ito rin ang naghudyat sa matagal na alitan mula sa dalawang basketball figures.

Dahil sa kanilang pagkakaayos ay muling sumali si Ramon para sa 1990 Asian Games kung saan head coach si Jaworski, 16 years mula noong huling international game ni Fernandez para sa 1974 Asian Games. Tinawag ang kanilang kupunan na Philippine Dream Team dahil ang 1990 RP Team squad ang kauna unahang kupunan na binubuo ng all-professional basketball players at hinango rin ito kasabay ang USA Dream Team.

Nagbunga naman ng tatlong medalya ang pagrerepresenta ni El Presidente para sa Pilipinas, una ay ang gold medal para sa 1972 FIBA asia under 18, pangalawa ay gold medal ulit para naman sa 1973 FIBA Asia championship at pangatlo itong silver medal sa 1990 Asian Games.

Taong 1994 ay nagpasya na si Ramon Fernandez na magretiro na sa basketball at ito ang kanyang prolific na basketball career ay ginawaran bilang miyembro ng 25 Greatest PBA Players at PBA Hall of Fame noong 2005. Sa kanyang pagkakaretiro ay naging malapit pa rin siya sa larangan ng basketball dahil siya ay naging commissioner ng iba’t ibang liga katulad ng MBA, PCCL, URBL at ngayoy comissioner na Philippine Sports Commission sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Si Ramon Fernandez ngayon ay nanatiling greatest PBA player of all time sa opinyon ng marami ngunit kung magpapatuloy ang pagiging MVP at pangongolekta ng kampyunato ni June Mar Fajardo ay maaaring ito na ang pumalit sa trono ng PBA GOAT sa darating na panahon.

Itong video na ito ay isang pagpupugay sa nagiisang El Presidente in Philippine Sports History. Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support