Alex Eala Pasok sa Quarter Finals ng Roland Garros French Open 2020

Welcome sa bagong episode ng Philippine Sports News, Alex Eala pasok sa Quarterfinals ng French Open Girls Singles event.

Nakapasok na nga ang Pinay Tennis prodigy sa Quarterfinals ng French Open 2020, ito ay matapos makalusot ni Alex sa unang tatlong round ng torneo bilang pangalawang seeded player mula sa anim naput apat na tennis players na nakilahok sa girls singles event. Sa quarterfinals, walong girls nalang ang maglalaban laban na sina Alina Charaeva, Alexandra Vecic, Polina Kudermetova, Oceane Babel, Kristina Dmitruk, Elsa Jacquemot, Linda Noskova at ang ating pambato na si Alexandra Eala.

Lima sa walong nakapasok sa quarterfinals ay mula sa Top 16 seeded players na sina Eala, Jacquemot, Kudermetova, Vecic, at Dmitruk. Ang number 1 seeded player na si Victoria Jimenez Kasintseva ay nalaglag agad sa second round ng talunin siya ni Alina Charaeva na nakapasok na sa quarterfinals. Kung di niyo na itatanong, ang number one seeded player na si Kasintseva ay ang 2020 Australian Open girls singles Grand Slam winner kung saan nagkampeon din si Alex Eala para sa girls doubles event.

Ang reigning champion naman na si Leylah Annie Fernandez ay nagpasyang maglaro na sa Women’s singles event dahil sa edad nitong disi otso anyos ngunit nabigong makapasok sa quarterfinals at nakaabot naman hanggang third round. Si LA Fernandez pala ay may lahing Filipina ngunit nirerepresenta ang bansang Canada at kung magkakataon, magkakaroon ng back-to-back Filipina champion sa French Open Girls event kung sakaling magkampeon ang pambato natin na si Alex Eala. Kung papalarin, pwede palang irepresenta ni LA Fernandez ang Pilipinas sa mga international tournaments kakampi ang tennis prodigy na si Alex o kung hindi man ay mas magandang magpartner sila sa hinaharap para sa mga grandslam doubles event para doble ang suportang matatanggap nito sa mga Pilipino.

Nitong quarterfinals ng girls singles event, muling magkikita ang 2018 Les Petit Finalists na sina Alex Eala at Linda Noskova kung saan nagkampeon si Alex sa edad na dose anyos. Mababawian kaya siya ni Linda Noskova sa pagkakataon na ito o magpapatuloy si Alex sa Semi Finals? At kung magpatuloy man si Alex, makakalaban niya sa semifinals kung sino man ang manalo kina Kristina Dmitruk at Elsa Jacquemot. Si Elsa ay parehong nakasali sa womens at girls event dahil sa edad nitong disi syete anyos ngunit maagang nalaglag sa first round ng womens event.

Sa girls double event naman, maagang nalaglag sina Alex Eala at ang kanyang kakampi na si Elvina Kalieva matapos nilang kalabanin ang dalawang italian girls na sina Eleonora Alvisi at Lisa Pigato sa first round. Sina Alex at Elvina pa naman ang top 3 seeded duo at nakarating na sa quarterfinals ang tumalo sa kanila na sina Eleonora at Lisa para sa girls double event. Ang natatanging pagasa na lamang ni Alex ngayon ay magkampeon sa girls singles event para makapaguwi na siya ng pangalawang grand slam title sa kanyang tennis career.

Kung mabibigyan pansin ang larong tennis dito sa Pilipinas, hindi nalalayo na magkaroon tayo sa hinaharap ng grand slam winner bukod kay Eala at Alcantara na nanalo na sa Junior doubles event. Dahil sa larong tennis, hindi tinitignan dito kung gaano ka katangkad sapagkat ang kailangan mo lang dito ay dedikasyon at pupursige na manalo ng Grand Slam balang araw.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support