A Brief History of Ateneo vs La Salle Rivalry

Ating alamin kung paano nga ba nagsimula ang Ateneo La Salle Rivalry

Kapag napaguusapan ang basketball rivalry sa Pilipinas ay masasabi na dalawa lang ang mismong tumatak sa ating kultura, una ay ang Crispa-Toyota Rivalry pangalawa naman ay ang Ateneo La Salle Rivalry. Sa kabanatang ito ay ating tatalakayin ang pinagmulan ng kanilang pakikipagkumpitensya sa men’s college basketball at sino nga ba mas nanaig sa pagitan ng dalawang kolehiyo.

I. Simula ng Alitan

Itinuturing na dalawa sa pinaka prestihiyosong paaralan sa Pilipinas, Ang Ateneo at La Salle ay parte ng original founding members ng NCAA o National Collegiate Athletic Associaion dito sa Pilipinas na nagsimula pa noong 1924. Ayon sa author ng Blue Babble, Gang Green na si RJ Ledesma, ang alitan ng dalawang eskwelahan ay mula pa noong 19th century dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang congregation na Jesuits ng Ateneo at Brothers of the Christian Schools ng La Salle.

Pero ayon naman sa isang urban legend, Noong 1939 nagsimula ang alitan ng dalawang paaralan ng matalo ng La Salle ang Ateneo sa kauna unahan nilang pagkikita sa Finals kung saan nabalita na binato ng La Salle fans ng fried chicken ang gate ng Ateneo sa dati nilang campus sa Padre Faura. Ito ay matapos pagharian ng Blue Eagles ang elimination round ngunit nabigong makuha ang kampyunato dahil sa pagkabigo nito sa Finals kontra sa Green Archers.

Makalipas ang dalawang dekada, muling nagkita ang Ateneo at La Salle sa 1958 NCAA Finals kung saan muling nagkampeon ang reigning champions na Blue Eagles at nabigong pigilan ng Green Archers ang pangatlong back to back championships ng Ateneo sa kasaysayan ng NCAA. Bago ang kanilang pangalawang pagkikita sa NCAA Finals, ay nakalikom na ang Ateneo ng walong NCAA championship titles samantala ang La Salle ay nagkaroon pa lamang ng tatlong kampyunato. Masasabi na ang Ateneo at San Beda ang may totoong rivalry noon sa NCAA dahil ang dalawang eskwelahan lang ang nagsasalitan ng mga kampyunato bago lumipat ang Ateneo sa UAAP.

Nabuo ang UAAP noong 1938 nang lumipat ang apat sa founding member ng NCAA na FEU, NU, UP at UST upang bumuo ng bagong asosasyon makaraan ang labing apat na taon pagkatapos nilang itayo ang NCAA. Bago tuluyang lumipat ang Ateneo at La Salle sa UAAP, nagkita sa huling pagkakataon sa 1974 NCAA Finals ang dalawang kupunan kung saan tinalo ng La Salle ang Ateneo sa score na 90-80 sa pamumuno ni Lim Eng Beng. Sa pagkakatalo ng blue eagles sa season na iyon, ay siya namang pagbawi nito sa kampyunato ng back to back championship titles para sa 1975 at 1976 seasons bago tuluyang lumipat ang Ateneo sa UAAP noong 1978 nang matalo sila ng San Beda sa Finals at hadlangan pangalawa sanang three peat ng Ateneo sa kasaysayan ng NCAA.

II. Paglipat sa UAAP

Walong taon ang lumipas bago sumunod ang La Salle sa UAAP noong 1986 para ipagpatuloy ang nasimulang rivalry sa pagitang ng dalawang kupunan. Sa unang limang taon na pagsasama ng Ateneo at La Salle sa UAAP ay nagkaroon agad ang dalawang kupunan ng parehong back to back championship titles. Napagtagumpayan ng Ateneo ang 1987 at 1988 UAAP titles samantala ang La Salle ay bumawi sa 1989 at 1990 para makuha ang kanilang kauna unahang back to back championship sa college basketball at ito ay sa pangunguna ng isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kasaysayan ng UAAP na si Jun Limpot na naging 3 time MVP para sa Green Archers.

Pagkaraan ng isang dekada ay muling naghari at tuluyang naungusan ng La Salle ang karibal nitong Ateneo dahil sa pagkakaroon nito ng 4-peat sa UAAP mula 1998 hanggang 2001 season sa tulong ng mga star players nito na sina Don Allado, Ren Ren Ritualo, Willy Wilson, Mike Cortez, Mac Cardona, at Joseph Yeo sa pamumuno ng alumnri na si Coach Franz Pumaren. Ngunit sa panglimang sunod na kampyunato sana ng La Salle ay hinadlangan naman ito ng Ateneo at ng 2002 star studded lineup nito na sina Enrico Villanueva, LA Tenorio, Rich Alvarez, Larry Fonacier, Wesley Gonzales, JC Intal, Gec Chia at Doug Kramer kung saan muling nagkampeon ang Ateneo makalipas ang labing apat na taon mula nung huli nilang kampeonato.

Makaraan ang limang taon ay unti unti na draft ang mga star players ng parehong kupunan ngunit napaltan naman ito ng bagong manlalaro kung saan muling nagkita ang La Salle at Ateneo sa 2007 playoffs. Ang Green Archers ay may twice to beat advantage sa semi final round kung saan nakuhang manalo ng Blue Eagles sa unang game sa score na 65-64 ngunit sa do or die game noong September 30, 2007 ay hindi na pinalagpas ng La Salle ang pagkakataon na muling makapasok sa Finals at tinalo nila ang Ateneo sa score na 65-6r 0. Makaraan ang isang linggo dalawang championship games ay tinalo ng La Salle ang undefeated sa elimination round na UE Red Warriors sa tulong dalawang Co-Finals MVP na sina JVee Casio at Pocholo Villanueva at mga star players nito na sina Rico Maierhofer at TY Tang na makuha ang pang pitong UAAP Championship ng De La Salle Green Archers. Noong araw at taon na iyon ay nagkakaroon pa lamang ng tatlong kampyunato ang Ateneo simula ng sila ay lumipat sa UAAP.

Dahil dyan ay sa sumunod na limang season ng UAAP Mens basketball ay pinagharian ng Ateneo ang torneo sa pangunguna ng head coach nito na si Norman Black na manalo ng 5-peat simula 2008 hanggang 2012 bago tuluyang lumipat si Norman sa PBA para sa kupunan ng Talk N’ Text tropang Texters sa kadahilanang paglisan ni Coach Chot Reyes para sa Smart Gilas Pilipinas. Ang ilan sa mga key players ng 5-peat na iyon ay sina Rabeh Al-Husaini, Nonoy Baclao, Jai Reyes, Chris Tiu, Ford Arao, Eric Salamat, Ryan Buenafe, Emman Monfort, Kiefer Ravena, Kirk Long, JP erram at Nico Salva.

Ang beteranong Coach na si Bo Perasol naman ang nagmistulang pumalit sa pwesto ni Norman Black ngunit hindi nito nagawang ipagpatuloy ang panganim na sunod na kampyunato sana ng Blue Eagles at sinamantala naman ito ng La Salle dahil sila ang nagkampeon sa taong 2013 sa pamumuno ni Jeron Teng at coach Juno Sauler. Noong mga panahon na iyon ay panandaliang nagtabla ang total na kampyunato ng magkabilang panig na tig walong championship titles.

Nadagdagan pa ito ng La Salle ng isang kampyunato noong 2016 ngunit sa bagong head coach na si Aldin Ayo at sa pangunguna ng Two Time MVP na si Ben Mbala at Two time Finals MVP na si Jeron Teng. Ngunit sa pagdating ng dating Gilas Pilipinas coach na si Tab Baldwin para palitan si Bo Perasol bilang Ateneo Head coach ay agarang nagbago ang UAAP landscape dahil sa muling paghahari ng Ateneo. Dahil pagkatapos magkampeon ng La Salle noong 2016 ay nagsimula na ang rebuilding ni Coach Tab Baldwin sa Ateneo at pangunahan ang three peat nito mula 2017 hanggang 2019 sa tulong ng three time Finals MVP na si Thirdy Ravena.

III. Paghahambing

Ating Paghambingin ang dalawang kupunan sa limang kategorya na NCAA Championships, UAAP Championships, UAAP Head to Head matchups, UAAP Rookie of the Year, at UAAP MVP para masukat kung sino ba talaga ang mas nanaig sa pagitan ng Ateneo at La Salle.

  1. Bago lumisan ang Ateneo sa NCAA noong 1978 ay nakalikom na ito ng labing apat na kampyunato para sa torneo samantala ang La Salle naman ay nakalikom pa
    lamang ng limang kampyunato bago ito lumipat sa UAAP noong 1986.
  2. Nang nagsilipatan na ang dalawang kupunan sa UAAP ang Ateneo ay nagkaroon na ng labing isang kampyunato at nananatiling reigning champion sa kanilang
    pang three peat nitong 2019 samantala ang La Salle naman ay nakalikom na ng siyam na kampyunato at huling nagkampeon noong 2016.
  3. Nagtala naman ang kanilang UAAP head to head matchup ng 52 to 37 pabor sa Ateneo kung saan ang pitong panalo ng La Salle ay napabilang sa Ateneo sa
    kadahilanang paggamit ng ineligible players ng Green Archers sa pamamagitan ng pagpepeke ng dokumento nito noong 2003 to 2005 UAAP seasons.
  4. Sa usapang UAAP Rookie of the year naman ay nakarecruit na ang La Salle ng walong Rookie of the year kumpara sa Ateneo na may anim pa lamang.
  5. Ang prestihiyosong individual award na UAAP MVP ay pinangungunahan ng La Salle dahil sa siyam na MVP awards na napanalunan lamang ng apat na Green Archers
    dahil ang bawat isa ay may at least two MVP sa kanilang kartada at natatanging si Jun Limpot lang ang nagkaroon ng tatlong UAAP MVP awards bukod kay
    Allan Caidic ng UE. Samantala ay hindi naman pahuhuli ang Ateneo na may walong UAAP MVP awards.

Sa ngayon, ay masasabi na lamang ang Ateneo sa overall comparison ng historical performance ng Ateneo-La Salle Rivalry at ang kanilang naging strategy sa pagbuo ng winning teams ay nagsisimula sa paghire ng pinakamagaling na collegiate coach samantala ang La Salle naman ay masasabi na may pinakamahusay na scouting at recruiting kumpara sa ibang eskwelahan sa UAAP.

Bago natin tapusin ang video na ito ay atin munang bigyang pugay ang mga natatanging manlalaro ng bawat kupunan na naging parte ng Ateneo-La Salle Rivalry at special mention na rin sa dalawang basketball patrons sa Pilipinas na si Manny Pangilinan at ang yumaong na si Danding Cojuangco.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support