10 Greatest RP TEAM / GILAS PILIPINAS Players

Sinu sino nga ba ang mga Greatest Filipino Cagers na naglaro sa international competitions para irepresenta ang Pilipinas? Hatiin natin ito sa limang basketball Era ng Pilipinas at piliin natin ang top two players na nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Simulan natin sa pinaka unang Era ng Philippine Basketball kung saan sila nakilahok para sa Far Eastern Championship Games. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ang Far Eastern Championship games ang sina unang Asian Games. Binubuo ito ng tatlong pangunahing bansa na Philippines, China at Japan. Ito ay ayon sa konsepto ni Elwood Brown na pinahintulutan ng dating gobernador heneral na si William Forbes. Simula 1913 to 1934 ay nakakuha tayo ng siyam na gintong medalya at isang silver medal sa larangan ng basketball.

Ito ay pinamunuan ni Lou Salvador at Ambrosio Padilla.

Alam nyo ba na si Lou Salvador ang pinakaunang basketball player sa buong mundo na nagtala ng 100 plus points sa isang basketball game. Ito ay naganap noong May 1923 sa loob ng Far Eastern Games kontra sa bansang China. 116 points ang eksaktong puntos na naitala nya at isa ito sa mga forgotten achievement ng isang filipino cager sa international scene. Pagkatapos ng kanyang basketball career ay naging parte siya ng showbiz kung saan nagkaroon siya ng higit sa isang daan at dalawang mga anak. Siya ang tatay ni Philip Salvador at lolo ni Maja at Janella Salvador.

Pangalawa sa nagbigay ng karangalan sa ating bansa ay si Ambrosio Padilla. Pinagpatuloy nya ang nasimulan ni Lou Salvador at ito ay ang magbigay ng gold medal para sa Pilipinas sa pagtatapos ng Far Eastern Games 1930 at 1934. Nabuwag ang Far Eastern Championship games dahil sa naganap na giyera sa pagitan ng China at Japan kung saan naging parte rin ito ng World War 2.

Sa kauna unahang Olypmics Basketball noong 1936, pinamunuan ni Ambrosio Padilla ang Pilipinas na manalo ng apat na games sa limang laro nito kung saan natalo tayo ng Amerika sa quarter finals upang magtala ng pang limang pwesto para sa Olympics. Hanggang sa ngayon ay hindi pa nabbreak ang record na ginawa noon nina Ambrosio Padilla para sa Olympics baskeball.

Pagkatapos ng kanyang basketball career ay naging parte siya ng gobyerno bilang solicitor general at senador ng Pilipinas. Siya rin ang nagpalaganap ng sports sa Pilipinas bilang kauna unahang presidente ng Philippine Olympic Committee. Ang honorable mentions na hindi nakasali sa aking listahan para sa kauna unahang era ng basketball sa Pilipinas ay sina Chito Calvo, Jacinto Jumping Jack Cruz, Fortunato Yambao, at Charles Borck.

Dumako tayo sa pangalawang era ng RP Team na nagbigay ng karangalang sa ating bansa. Pangatlo sa ating listahan ay si Caloy Loyzaga,

21 years old palang noon ng tulungan nya na ang Pilipinas na maging gold medalist sa 1951 Asian Games. Sa loob ng 11 years ay pinamunuan niya ang apat na Gold Medal teams para sa Asian Games at isang bronze medal finish para sa FIBA World Cup noong 1954. Siya ang tinaguriang greatest Filipino Basketball player of all time dahil sa mga international achievements nito at pagdomina noon sa MICAA at National Open sa Pilipinas. Sa kabuuan, siya ay two time Olympian, 4time Asian Games Gold Medalist, 2time FIBA Asia Gold Medalist, at 1time FIBA world Cup bronze medalist kung saan naging parte pa siya ng Mytical five. Pagkatapos ng kanyang basketball career ay naging coach sya ng national teams kung saan natulungan niya ito makakuha ng gold medal para sa 1967 FIBA Asia at naging coach din ng 1968 olympic basketball team.

Pangapat sa ating listahan ay si Carlos Badion,

Mas pinili ko si Carlos Badion kesa kay Lauro Mumar o Narciso Bernardo dahil sa pagkakaroon nito ng MVP award para sa FIBA Asia Cup noong 1960. Siya ang tinaguriang Bad Boy ng Philippine Basketball dahil sa kanya nagsimula ang mga dirty moves na ginaya ng mga sumunod na henerasyon na katulad ni Jaworski. Malaki pa sana ang mabibigay na kontribusyon ni Carlos Badion para sa Pilipinas kung hindi lang siya nagkaroon ng serious knee injury noong 1960 Olympics. Sa kabuuan, siya ay two time olympian, 1time Asian Games Gold Medalist, 1time FIBA Asia Gold Medalist at 1-time FIBA Asia MVP.

Ang honorable mentions na hindi nakasali sa aking listahan para sa pangalawang era ng basketball sa Pilipinas ay sina Lauro Mumar, Narciso Bernardo, Felicisimo at Gabriel Fajardo, Antonio Martinez, Ramon Campos, at Antonio Genato.

Dumako naman tayo Sa Pangatlong Era ng RP Team na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Pang lima sa ating listahan ay si Robert Jaworski

Kagaya ni Caloy Loyzaga, si Jawo ay 21 years old din nung natulungan nya ang Pilipinas para sa 1967 ABC Championship o kilala ngayon na FIBA Asia Cup. Siya ngayon ang most popular basketball player of all time dahil sa kanyang never say die mantra na pinamana sa Barangay Ginebra at tinaguriang Living Legend sa paglalaro hanggang singkwenta anyos bilang playing coach. Kung hindi lang na suspinde si Jawo noon ay naging two time olympian sana siya. Sa kabuuan, siya ay merong dalawang gintong medalya at meron ding tig isang silver at bronze medal para sa FIBA Asia. As a head coach ng Pilipinas ay natulungan nya ang RP Dream Team nung 1990 na manalo ng silver medal sa Asian Games.

Pang anim sa ating listahan ay si Bogs Adornado

Si bogs adornado ang pinakabatang manlalaro ng Pilipinas sa 1972 Olympic games. Siya ay naging 1973 FIBA Asia Cup MVP at Gold medalist. Dito siya ay nadiscover upang maimbitahan sa NBA draft na sya namang tinanggihan nito dahil kakapirma lang nya ng kontrata sa Crispa Redmanizers. Nasama siya dito dahil siya ay isa sa tatlong naging FIBA Asia MVP kasama si Carlos Badion at Allan Caidic.

Ang honorable mentions na hindi nakasali sa aking listahan para sa pangatlong era ng basketball sa Pilipinas ay sina Big Boy Reynoso, Freddie Webb, Danny Florencio, jimmy Mariano, Ed Ocampo, Manny Paner, Ricardo Cleofas, Jun Papa, at Ramon Fernandez.

Sa Pangapat na Era ng Philippine Basketball na nagbigay ng karangalan sa ating bansa ay mula sa players ng NCC Squad ni Danding Cojuangco. Pang pito sa ating listahan ay si Allan Caidic

Si Allan Caidic ang tinaguriang the Triggerman ng PBA. Bago pa sya madraft sa PBA nung 1987 ay naging FIBA Asia MVP na siya nung 1985. Si Caidic ay naging parte din ng RP Team para sa apat na Asian Games. Sa kabuuan, Mayroon siyang dalawang bronze medal at isang silver sa Asian Games, Tig isang gold medal para sa FIBA ASia at Sea Games. Siya ay dalawang beses naging parte ng Mythical five para sa Asian Games.

Pang walo sa ating listahan ay si Samboy Lim

Si Samboy lim ay parte ng mythical five ng 1990 Asian Games. Sa buong RP Dream Team, si Samboy at Caidic lang ang naging miyembro ng mythical five dahil sa pagkamit nila ng silver medal para sa bansa. Kung hindi dahil sa mga injuries na natamo nya sa PBA, ay naging parte rin sana sya ng apat na asian games para sa ating bansa. Sa kabuuan, siya ay may dalawang gold medal sa FIBA Asia, isang gold din sa Sea Games, at tig isang silver at bronze medal para sa Asian Games.

Ang honorable mentions na hindi nakasali sa aking listahan para sa pangapat na era ng basketball sa Pilipinas ay sina Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Jerry Codinera, Jojo Lastimosa, Yves Dignadice at Hector Calma.

Lalagpasan muna nating ang Panglimang era ng RP Team na tinaguriang Centennial Team dahil nabigo silang mananalo ng kahit anong medalya sa FIBA Asia at muntikan pang maging bronze medal kung hindi lang nainjury ang prime na Danny Seigle sa 2002 Asian Games.

Kaya madako tayo sa modern era ng RP Team na kung tawagin ngayon ay Gilas Pilipinas, ito ay nabuo ng SBP o samahang basketball ng Pilipinas na pinamumunuan ni Manny Pangilinan. Pang siyam sa ating listahan ay si Jimmy Alapag.

Dahil sa pagkakabigo ng SBP at Gilas Pilipinas na bumuo ng team mula sa college teams at amateur players kahalintulad sa ginawa ng NCC squad ni Ron Jacobs, ay napilitan ito kumuha ng mga PBA stars para irepresenta ang Pilipinas. Isa nga dito si Jimmy Alapag na may natatanging team leadership para pamunuan ang Gilas Pilipinas roster na muling makapasok sa FIBA Asia at sa FIBA World Cup. Sa kanyang tenure bilang Gilas Pilipinas player ay nakakuha siya ng dalawang gold medal sa sea games, tig isang bronze at silver sa Jones Cup, at dalawang silver medal para sa FIBA Asia. Siya ngayon ay Assistant coach para sa Gilas Pilipinas na may tsansang icoach si Kai Sotto para sa 2023 FIBA world cup.

Pang sampu sa ating listahan ay si Jayson Castro.

Nilagay ko si Jayson Castro dahil siya ang naging best point guard in Asia para sa dalawang FIBA asia championship. Ang nakapang hihinayang lang ay maaga nagretiro para sa international games itong si The Blur. Sa kanyang international games ay nagkaroon sya ng dalawang gintong medalya sa Sea Games, isang silver para sa Jones Cup at dalawang silver para sa FIBA Asia Championship.

Ang honorable mentions na hindi nakasali sa aking listahan para sa modern era ng basketball sa Pilipinas ay sina Marc Pingris, Ranidel De Ocampo, Gabe Norwood, Andray Blatche, Marcus Douthit, June Mar Fajardo, Calvin Abueva at Terrence Romeo.

Sa inyong palagay, sinu sino ba dapat ang nasa top 10 greatest Filipino cagers na nagbigay ng karangalan para sa ating bansa. Paki comment ang reaction sa ibaba.

Kung gusto mo pang makaalam ng ibat ibang sports history sa Pilipinas ay icomment ang yong video suggestion at paki press narin ang like button bilang suporta sa ating mga videos. Wag kalimutang magsubscribe para updated ka sa bago nating content. See you on the next episode.

Watch the video:

Follow us on Our Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/

YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory

Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/

Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory

TikTok: https://www.tiktok.com/@philippinesportshistory

Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu

Website: https://phsportshistory.com/

Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory

Support our Podcast: https://anchor.fm/philippine-sports-history/support